Sebbraine pov
"kumaen kana muna" wika ni martin matapos gamutin ni dylan ang sugat ko.
Napapansin kong hindi nila man lang binabati ang isat isa.
dati naman ay nagbabatian sila.
"gusto kong makita si azie!" sagot ko sa kanya.
"kailangan mo munang kumaen para may lakas ka" wika ni martin
"tama si martin ,sabby kailangan mong magpalakas ng katawan,may eli pang naghihintay sayo" natauhan naman ako sa sinabi ni dylan
wala akong nagawa kundi ang kumaen at maghintay kung ano na ang balita kay azie.
"boss,pinapasundo ka ng daddy mo" nagulat ako sa sinabi ni agnes
"sigurado kaba?" maang kong tanong
Nang tumango si agnes bilang sagot sa akin ay saka ako nagmamadaling tumakbo patungo sa labas ng silid.hindi ko na ininda pa ang mga galos at sugat ko sa katawan.Gusto kong makita si azie.
"azie" halos magunahan ang luha ko ng makita ko sa loob ng morge ang katawan ni azie at ang nakatalikod na si dad.
"kung alam ko lang na mangyayari ito,sana simula pa lang hindi na ako pumayag sa mga plano mo,sana ...Kasama pa kita ngayon" wika ko habang yakap yakap si azie
"hindi ko alam kong anong nagawa ko,bakit isa isang kinukuha ang mga anak ko" rinig kong wika ni dad
Napalingon ako sa kanya.
"kasalanan mo to!" sigaw ko at hinawakan siya sa kwelyo.
Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya
"ikaw ang dapat sisihin!' kasalanan mong lahat!' iniwan na nila ako!' wala na sila ni kuya"' wika ko sa pagitan ng pagiyak.
"patawarin mo ako'' tumunghay ako nang marinig ko ang sinabing iyon ni daddy.
Nagulat ako ng unti unting pumatak ang mga luha niya.
"siguro nga kasalanan ko, i only have you,bago ko narealized na napuno ako ng galit,nagpatalo ako sa galit" seryosoNg wika ni daddy.
Binitiwan ko siya at tumingin kay azie
"pinangako ko sa sarili ko na wala nang susunod pa,gagawin ko ang lahat para wala nang mamaalam" wika ko
"bakit sa atin to nangyayari?ano bang nagawa nating kasalanan ?bakit unti unti tayong pinapahirapan?" napaupo ako matapos kong magsalita.
Pakiramdam ko walang lakas ang mga binti ko.
"kung hindi ko sana kayo pinilit sa bagay na alam kong ikapapahamak niyo,sanay buo pa tayo ngayon" wika ni dad.
"Kasalanan ko,sana hindi na lang ako nakialam sa kung ano ang plano niyang gawin kanina...Sana buhay pa siya ngayon"wika ko.
"pasensiya na po ,pero kailangan niyo na pong lumabas,hindi po kasi kayo pwedeng magtagal rito" wika ng tagabantay roong lalaki
Nang makalabas kami ay hindi na ako nagsalita Pa,ngunit batid kong sa paglabas namin ay ibang tao na si dad.Nakita ko ang senseredad sa kanyang mga sinabi saken.
"mama" sabay kaming napalingon ni dad sa patakbong si eli na papalapit sa amin.Nasa likuran niya si lolo ,martin,dylan at agnes.
"sino siya?" tanong ni dad sa akin.
Hindi ako kaagad nakapagsalita.Hindi pa nga pala niya alam ang tungkol kay eli.Matagal akong nanirahan sa canada at ni hindi niya rin naman ako kinamusta kayat hindi ko na nabanggit ang tungkol sa anak ko."apo mo" nakangiti kong wika.Alam kong nabigla siya sa narinig.
binuhat ko si eli Saka iniharap kay dad.
BINABASA MO ANG
AKO ANG BAD GIRL NG LAST SECTION??
General FictionBOOK II NG 'PRE INLOVE AKO SA BAD GIRL NG LAST SECTION' AKO SI SEBBRAINE, I WILL TELL YOU MY STORY.. HOW I BECAME THE BAD GIRL OF LAST SECTION. CAN YOU HATE ME?? MAYBE.. BUT ONE THING FOR SURE IM NOT THE GIRL BEFORE... HE CHANGE ME..HE MAKES ME FEE...