Chapter EIGHT

44 1 0
                                    

SEBBRAINE POV:

''ano kamo anak niyo ang batang ito?'' gulat na wika ng ina ni martin.

''paano naman nangyari yun''?segunda naman ng daddy ni martin.

''shes pregnant nung nagkahiwalay kami'' nahihiyang wika ni martin.

''bakit ngayon niyo lamang ipinaalam sa amin?'' tanong ng daddy ni martin.

''ngayong taon ko lang din nalaman na anak ko siya'' sagot ni martin.

''ang ganda gandang bata naman ng apo kong ito'' tumatawang wika ng mama ni martin habang nakakandong sa kanya si eli.

''dad,bakit naman nilihim mo ang bagay na ito sa amin'' wika naman ng daddy ni martin kay lolo julio.

''mahabang kwento,mabuti pay kumaen na tayong lahat'' wika ni lolo julio saka tumayo.

''ako na po ang maghahain'' sagot ko saka tumayo

''tulungan na kita'' wika ni martin na sumunod sa akin.

puros tawanan at kwentuhan ang nangyari sa hapag kainan dahil kay eli.

bidang bida ang kakulitan niya ngayong araw.

nang matapos kumaen ng lahat  ay bumalik kami sa sala at nagpatuloy ng kwentuhan.

ganito pala ang pakiramdam kapag mayroong pamilya.napakasarap sa pakiramdam.

''sabby,pwede ba tayong magusap'' napatigil kami ng mama ni martin sa kwentuhan ng tawagin ako ng daddy ni martin.

''mamaya na natin ituloy ang usapan natin,sige na dun ka muna sa daddy mo'' nakangiting wika ng mama ni martin,nailang naman ako sa pagkakasabi niya noon.

.....

''marami akong naging kasalanan sayo lalu na sa pamilya mo ijha'' panimula ng daddy ni martin.

''napatawad ko na kayo noon pa man''nakangiti kong wika.

''maraming salamat,sanay ganyan din ang maging pakiharap sa akin ng iyong ama.hindi kami nakapagusap ng matagal noong nakaraan,nahihiya ako sa inyo'' dagdag pa niya

''kalimutan na ho natin ang mga nangyari ang mahalaga ay ang ngayon'' sagot ko

"napakaswerte ng anak ko sayo,napakabuti mong bata" nakangiting wika ng daddy ni martin

hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyun.

Nakakapanibago dahil dati ay hindi niya ako gusto kahit kausapin man lamang.

"dad,pwede ko ba muna kayong maistorbo?" halos sabay kaming napalingon kay martin.

"oo naman,ano yun anak?" tanong nito.

"isasama ko lang muna si eli sa park,gusto raw niyang pumunta roon" wika ni martin.

"mama,please" sabat naman ni eli na sumulpot sa likod ni martin.

"sige,magingat kayo" wika ko saka lumapit sa kanila at hinalikan si eli sa noo.

"be careful ok,wag kang lalayo sa papa mo" bilin ko kay eli

"opo" nakangiting sagot ni eli.

nang makaalis ang dalawa ay nagtungo ako sa kusina upang maghanda ng meryenda.

Patuloy ang kwentuhan naming apat na para bang hindi kami nauubusan ng mga ikukwento.

Naiilang pa rin naman ako kahit paano ngunit hindi na katulad noon.

"narito na kami" nakangiting wika ni martin kasama si eli na may hawak na lobo.

"mama ang saya saya namin sa park" patalon talon pang wika ni eli.

AKO ANG BAD GIRL NG LAST SECTION??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon