Chapter Nine (last part)

41 2 7
                                    

Sebbraine pov

"makinig ka sa akin martin" hinawakan ko siya sa mukha bago muli magsalita.

"masakit din sa akin ang nangyari kay eli" wika ko at patuloy naman ang pagiyak ni martin.umiwas siya ng tingin.

Ilang saglit pang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.
Kailangan kong sabihin sa kanya ngayon ang nangyari.Kailangan niya rin yung tanggapin.

"nailibing na namin siya" lalung humagulgol ng iyak si martin.At alam ko ang pakiramdam niyang iyun.Bilang magulang wala kang magawa.Ayaw mong tanggapin ang katotohanan dahil sa ayaw mo sa nangyari.Pero masakit kapag pinipilit ipaintindi Sayo Ang bagay na ayaw mo talagang tanggapin dahil double ang sakit Noon.Yung ayaw na ayaw mo nang marinig na sabihin ng iba na wala na siya.

"patawarin mo ko kung hindi na namin nahintay ang paggising mo" paliwanag ko kay martin saka siya niyakap.

"bakit siya pa!! sana ako na lang,..Iniligtas ko siya sabby..Tumakbo kami..Sabi niya saken....bago siya  mawalan ng malay...Ok siya..Tinanong ko siya eh..Sabi ni eli..." halos kapusin ng hininga si martin sa pagiyak.

"martin" sambit ko habang pilit siyang niyayakap.

"sabi niya ok lang siya,..Sabi ko wag siyang pipikit..."wika ni martin

"apo,makakasama sayo ang kumilos ng kumilos hindi ka pa magaling"  wika ni lolo julio kay martin.

ito ang pinakamasakit na yugto sa buhay namin.Maging ako,hanggang ngayon ,hindi ko alam kong paano magsisimula muli.At isa pa alam koNg hindi na kami magiging katulad ng dati.

.....

ilang araw pa ang lumipas..Hindi na umiiyak si martin ngunit halata kong nagbago siya.Alam kong gusto niyang alamin kung ano ang nangyari nung araw na yun sa park.

Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang natuklasan ko.Baka kung ano ang gawin niya kapag nalaman niyang si katherine ang nasa litrato na pinaghihinalaan kong may plano noon.

Maging ako ay nagpupuyos sa galit.Nangangati na ang mga kamay ko.Gusto ko na siyang puntahan sa lungga niya at pagbayarin sa mga kasalanan niya.Pero wala pa akong sapat na ibedensiya.Gagawing basura ang gagawin ko kung wala namang maniniwala sa akin ,sino ang maniniwala kong pagbabasehan lamang ang litrato na naroon siya sa park.

sa kabilang banda,iniisip ko rin ang kalagayan ko.Ayoko na munang sumabak sa gulo Dahil baka mawala ang buhay na nasa sinapupunan ko.

naalala kong hindi ko pa pala nababanggit kay martin ang tungkol sa pagbubuntis ko.

Hindi ko pa rin naman siya makausap ng maayos,alam kong inaabsorb pa niya ang mga nangyari.Siya ang naroon kayat alam kong sinisisi niya ang sarili kong bakit nawala si eli.

Palagi niyang binabanggit sa akin na wala siyang kwentang ama.

"boss" wika ni agnes kasunod nito si nick.

"bakit nasa labas ka ng kwarto?" tanong ni nick sa akin.

"tulog si martin,gigisingin ko na lamang siya mamaya kapag uuwi na" wika ko sa dalawa.

Ngayon ang schedule ng uwi ni martin sa bahay.Pinagpahinga ko na muna siya bago umuwi.

"kamusta siya?" tanong ni nick

"nangungulila pa rin siya kay eli,sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari,hindi niya ako pinapakinggan" sagot ko

"Hayaan na lang muna natin" wika ni nick saka naupo sa tabi ko.

"sabby,isipin mo rin ang sarili mo,para sa baby niyo.kailangan mo rin ng pahinga" dagdag pa niya.

"teka,alam na ba ni martin na buntis ka?"wika muli ni nick ng hindi ako nagsalita.

AKO ANG BAD GIRL NG LAST SECTION??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon