pangako - kycine

113 6 3
                                    

Promises are meant to be broken, right?

ps hindi pa ito yung story dun sa latest poll na I asked.

cw: mentions of alcohol, toxic relationship, push and pull. skip if uncomfy

Start: (this will be Francine's POV, might have other pov. will state.)

Sakin nangako, pero sa iba tinupad.

Pangako? Why do people love making promises na sisirain lang din naman pala nila sa dulo? Why do they like giving their "words" to someone kahit na hindi naman pala sila sigurado?

That's how we started. Sa pangako.

A promise to try.

The promise started when she left Kyle without anything.

Kyle was devastated, pakiramdam nya nawala sakanya ang buong mundo. She is his world after all. The one that he loved first.

Magkakaibigan kami. Ako, sya, si Seth, at si Andrea. Papano kami nagkakilalang apat? As far as I can remember, sa school. Elementary days?

I always liked his eyes kahit dati pa man. Yun ang favorite feature ko sakanya. How ironic na yung favorite feature ko sakanya, ay iba pala ang palaging titignan. Iba ang palaging makikita. Iba ang palaging hahanapin.

Bakit hindi ako? Bakit ba hindi na lang ako, Kyle?

When Andrea left, I saw how your eyes lost their sparks. How they became dull. Ang sakit sakit para sakin kase parang nawala ka na din. It was your birthday, supposedly your 2nd anniversary as well.

You were so broken that time. Hindi namin malaman ni Seth kung papano ka ico-comfort. You were crying so hard that night. The morning came, and parang ibang tao ka na. The Kyle that we knew is gone.

Ang sakit sakit na makita na sa isang iglap, nawala ang dating ikaw. I can feel my heart breaking habang tinitignan kita nung umagang iyon. Sinubukan kang alalayan ni Seth, pero tinanggihan mo. Sabi mo non, kaya mo, at ayos ka lang.

When we left your apartment, yun na din yung last time na nakita ka namin. Halos mabaliw ako kakaisip kung san ka namin pwedeng mahanap ni Seth.

Seth knows. Alam nya na mahal kita. Naiintindihan nya kung bakit ganito ako ngayon.

A few months have passed, hindi ko makakalimutan kung saan tayo muling nagkita. Kung san tayo gumawa ng pangako.

Hindi ko din alam kung bakit ako pumayag , pero ganun nga talaga ata pag mahal mo ang isang tao.

Pangako na magiging magkaibigan, at magkasangga tayo, no matter what. I grabbed what I can, kase handa naman akong tanggapin ang kahit ano basta galing sayo.

"Ipapahamak mo lang sarili, at puso mo dyan, Chin." Ito ang naalala kong sinabi ni Seth sakin nung kinuwento ko sakanya yung naging usapan natin.

Hindi ko tinanggihan yung alok mo kase alam kong kailangan mo ng kasangga, ng kaibigan. 

Ako ang naging takbuhan mo habang wala sya. Sakin ka unang lumalapit pag nararamadaman mo nanaman ang sakit dahil sakanya.

It was a random night nung bigla mo akong tinawagan. Umiiyak ka nun so I rushed to your apartment kahit pa na dapat nag-aaral ako for an exam the next day.

Kaya ko kasing bitawan lahat para sayo, lalo na pag kailangan mo ako.

Inabutan kitang naglalasing nanaman. Nilapitan kita, at pinagmasdan ko ang mukha mo.

Ilang beses mo pa ba syang iiyakan, Kyle?

I looked around your apartment. Makalat nanaman. It hasn't been days nung huli nating nilinis to nila Seth.

Shorts + DrabblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon