Chapter 13

425 19 4
                                    

Chapter 13
Boyfriend

"Alistair!" masiglang bati ni Mommy nang makitang kasama ko si Alistair na bumisita sa bahay ampunan. Ni hindi nito naramdaman ang awkwardness sa pagitan namin ni Alistair pagbaba ng sasakyan. Medyo umiinit pa ang pisngi ko tuwing iniisip ang nangyari kanina.

Through the remaining time of our ride, he murmured his soft sorry's, carefully holding my hand, and wiping all my traitor tears using his other hand. Ni hindi ko alam kung para saan ang mga luhang iyon. Kahit ako ay naguguluhan sa sarili. Is it because of Lei and Ivor's secrets? Or is it because of the ridiculous hypothetical question that shouldn't concern me at all.

Suminghap ako ng mahina. Hindi ko alam kung bakit tuwing mga babae niya ang usapan ay iritang-irita ako! I'd like to believe it's just because I hate his playboy ways. Sino ba naman kasi ang gusto ng ganoon?

Hindi ko siya pinansin buong byahe pero alam ko ring nanlambot ako sa paghingi niya ng paumanhin sa ganoong paraan. He was so good with it that it pissed me off too. Ilang babae kaya ang sinusuyo niya ng ganito?

God, Amary! You are thinking about this manwhore too much. Mabuti pa si Ivor ay ni kailanman hindi naging babaero! I should just focus on him, right? He's going to be my fiance soon anyway. Kinakasundo ko lang naman si Alistair para din kay Ivor na nag-aalala sa tuwing nagtatalo kami ng bestfriend niya.

Tama, I thought. This is all for Ivor, my long time crush.

Humalik ako sa pisngi ni Mommy nang makalapit. Madalas na dinner na lamang kaming makapagkita dahil abala ito sa lahat ng gawain sa ampunan, flower shop at pati na sa asukarera. Ang ama ko nama'y abala din bilang governor pero madalas na uuwi 'pag dinner para sabay-sabay kaming kumain. Sa pag-gising naman ay pareho na silang wala, 'di kagaya noon na sabay-sabay kaming magbreakfast.

"You look good, dear..." she complimented when she saw my outfit. "Dalaga ka na talaga."

"Of course, Mommy. I'm eighteen now," ngisi ko.

"Pwedeng-pwede na mag-boyfriend." Mapanuksong bati ni Sister Cecille na sumalubong sa amin kasama ang isang babaeng nasa early teens. Her name is Bobbie. Dito na ito lumaki, iskolar ni Daddy at madalas ko din nakakasamang tumulong sa flower shop 'pag wala itong pasok.

Nagmano ako sa nakatatanda at bumeso na rin sa kanya bago kay Bobbie. She greeted me shyly then turned to Alistair na sa kung anong rason ay medyo seryoso nanaman ang mukha. His soft stares earlier were now gone. Bumalik ito sa madalas na masungit na imahe.

"Pwedeng-pwede na!" Dagdag ni Mommy havang iginigiya kami sa loob ng ampunan. "Naku, Sister. Madami nga pong nagpapatulong manligaw sa anak ko pero parang palaging hanggang patulong nalang sa akin, mga torpe at walang lakas na harapin talaga si Amaryllis. Payag naman ako kung ligawan siya dahil parte iyon ng pagiging dalaga. Long overdue na nga! Matutuwa ako kung sixteen palang ay nageentertain na siya ng boys."

Hindi ko alam bakit ako agad naging topic. Habang nakasunod sa kanila'y pasulyap-sulyap ako kay Bobbie na nasa gilid ko. Namumula ito at panay naman ang sulyap kay Alistair na nasa likod namin at ngayo'y kinakausap na si Kuya Rio.

"Naku, hindi nababagay kay Amary ang torpe, Flora. Dapat sa kanya'y iyong una palang, nagpapasikat na at direkta sinasabi na gustong manligaw. At tama lang ang eighteen para diyan. Masyado pa siyang bata kung sixteen. Pero ayos din pala kung ligaw lang noon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beauty and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon