Chapter 2

708 32 2
                                    

Chapter 2
Sands

Masyado akong okupado sa pag-iisip na isang linggo kong kailangan makisama kay Alistair kaya naman laking gulat ko nang makita ang mga naka-unipormeng lalaki na naghihintay sa sinasabing rest house. There's at least ten uniformed men lined up in front. Lahat ay seryoso at tila hindi mo kayang patawanin.

"I hired them to guard you here, especially when I'm out for a meeting." Paliwanag ni Alistair nang makita ang mga tanong sa aking mga mata.

"Once Winona is here, I might fly back to Manila and you need these men to protect you." He said very slowly. Pinagmasdan niya ako, siguro'y naghihintay ng reaksyon.

Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko ng proteksyon. At sobra naman ito! Namamangha pa din ako sa kabaitan na pinapakita nila sa akin kahit pa alam nilang maaaring isa nga akong kriminal.

Tumango ako't hindi na nag-salita. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papano'y hindi lang siya ang makakasama ko dito. At least, I have someone I could talk to tutal ay ayaw naman akong kausapin madalas ni Alistair.

Nginitian ko ang mga nakasalubong na unipormadong lalaki ngunit wala ni isa sa kanila ang ngumiti pabalik. Alistair greeted them too. Ang isa ay saglit niyang nakausap tungkol sa seguridad ng lugar, but the rest of them, they look very cold and distant. Maybe because it's work.

Siguro dapat paki-usapan ko si Alistair na huwag sanang ganoong kaseryoso ang mga kasama. Baka mas malala pa ito sa kanya at hindi ko makausap!

Habang naglalakad papasok ng rest house ay pinagmasdan ko ang paligid. Medyo kalayuan sa kabihasnan ang rest house na ito. Malayo rin sa mismong daanan ng sasakyan dahil halos limang minuto pa ang tinakbo ng sasakyan bago kami makarating sa mismong titirhan. Maluwag ang lugar at napapalibutan ng mga puno. Most were tall coconut trees.

Mayroong napakataas na gate sa harapan bago ipakita ang modernong bahay. Napansin ko nga kanina sa gate ang mga naka-ukit na salita doon, Sin Presión, Sin Diamantes. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon at hindi ko na rin naman tinanong pa kay Alistair.

Makabago ang bahay at maluwag din. Dahil nakasunod ako kay Alistair ay hindi ko din ito nalibot ng mabuti. Well, I have all the time in the world so I think it's fine. Mamaya na ako mag-lilibot.

Mayroong ikalawang palapag ang bahay at doon kami nag-tungo. Alistair guided me to my room and suggested that I should take a rest. Hindi na din ako nakipagtalo. Kahit pa tulog naman ako habang bumabyahe kanina'y medyo napagod pa din ang aking katawan sa haba ng binyahe.

"My room is just next door," he informed. "If you need anything, you can just knock and tell me."

Tumango ako. Ang mga mata niya'y mataman akong tinignan, tila naninimbang nanaman. "Itataas ko dito ang mga gamit mo."

Hindi naman karamihan ang dala kong gamit. Tanging isang backpack lamang iyon na ang laman ay mga damit din na sila ang bumili para sa akin.

Mayaman kaya ako? I thought. Sana mayaman ako. Para naman kahit sa pera'y mabayaran ko sila agad sa lahat ng nagastos sa akin. Pakiramdam ko'y sobrang dami na nilang nagastos lalo na sa hospital bills.

"We have a chef here. I will introduce all of the staffs to you later," pahabol niya. Tumango akong muli. Matagal niya akong tinitigan bago tuluyang umalis. When he's out of eyesight, isinarado ko ang pinto saka iginala ang mata sa buong kwarto.

The room is like that of a magazine cover. Every thing is in the shade of black and white. The furnitures are mostly black. The curtains are white, parang hindi pa ito nadadapuan ng kahit anong alikabok. The walls are cream in color with a soft hue of beach sand. The floor is in dark brown.

Beauty and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon