Chapter 6

532 37 1
                                    

Chapter 6
Liam Ivor

Bumaba ako galing sa kwarto para makapag-breakfast kasama sina Mommy. Even with my Daddy's hectic schedule, we always try our best to eat meals together. Usually, breakfast and dinner.

We eat with my Lola and Lolo. Minsan si Mommy ang nagluluto pero mas madalas na ang kasambahay naming si Nana Leticia dahil naeenjoy niya daw ang pagluluto.

I was wearing my white sleeping dress. Hanggang tuhod iyon at mahaba ang sleeves. Ang mahaba't kulot kong buhok ay parang alon ng dagat sa likod ko. Medyo gulo-gulo pa dahil kakabangon ko pa lamang. I think it's around 6 in the morning.

Humikab ako at dumiretso na sa dining area gaya ng nakasanayan. I stopped midstep when I realized there's no one in the long table except a lad. Agad na lumipad ang tingin ko sa lalaking nakakulay puting polo at may suot na ID lace ng kalapit na school.

Liam Ivor Salvador. The congressman's only son. He smiled when he saw me enter the dining hall. "Good morning, Amary!"

Malapad ang kanyang ngiti. At hindi ko maiwasang pansinin ang pantay-pantay at mapuputing mga ngipin niya. I remembered first meeting him wayback when I was six year old. He lived with us for a couple of weeks while his parents are too busy to look after him. That was five years ago.

We didn't talk much before, only shared meals and a few small talks. Madalas akong abala sa kasama ang mga tutor ko habang siya nama'y madalas na wala dahil pumapasok. We would only see each other during breakfast, and dinner. During weekends, he is out playing with his friends.

Matapos noon ay bumibisita siya sa amin kapag summer. Minsan kasama ang parents niya at hindi naman nagtatagal. Minsan nananatili siya ng isang linggo. Kapag ganoon ay madalas siyang nananatili sa library namin para mag-aral kahit pa summer. He's very studious. Ang alam ko isa siya sa top ng kanilang klase.

The last time I saw him was last February. It's his birthday at dahil magkalapit ang aming pamilya ay isa kami sa mga bisita. Hindi kami nagkaroon ng masyadong interaksyon noon. Kaunting bati lang dahil abala din siya sa mga kasama niyang kaibigan.

"Good morning," I smiled politely. Luminga ako sa paligid para hanapin si Nana Leticia at itanong kung nasaan sila Mommy. It's unusual that I don't eat breakfast with them.

"Maaga silang lumuwas sa Maynila." Sambit ni Ivor, tila nabasa ang tanong sa isip ko.

I simply nodded. Nasabi nga sa akin ni Mommy na luluwas sila. Hindi nga lang ako nasabihan na maaga iyon. At hindi rin ako nasabihang may bibisita ngayon. Nakakahiya tuloy dahil habang ayos na ayos siya ay nakapantulog pa ako at hindi pa nagsusuklay ng buhok.

I sat on the vacant seat opposite to him. We see each other on special occasions, but this is the first time that we are actually alone together so it's kind of awkward. Especially that my grandparents are always hinting that in the future, Ivor and I will get married. Una palang iyon na ang sinasabi sa akin.

Nakakahiya nga sa tuwing tinutukso kami. Minsan nakikisabay pa ang parents niya. Wala naman akong naririnig o nakikitang masamang reaksyon galing kay Ivor kaya sa tingin ko hindi naman siya naiinis na inaasar kami. Hindi rin naming pinag-usapan ang tungkol doon. We just go with it. Masyado pa din akong bata para pa isipin iyon.

"Did you sleep well?" tanong niya bago mag-simulang kumain.

"Yes..." simple kong sagot.

Napatingin ako kay Leilani na kakarating lang sa dining table para ilapag ang isang baso ng gatas. Ngumiti ako at nagpasalamat.

Leilani Gonzales is Nana Leticia's adopted daughter. She was once living in the orphanage, kinupkop namin dito sa bahay dahil gusto ng Nana at para ring mayroon akong kasama na makakalaro. She's about the same age as Ivor. I'm twelve now, and they're both fourteen.

Beauty and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon