Chapter 10

246 14 0
                                    

Chapter 10
Wrath

"Amary..." Alistair's voice faded as a sudden rush of memories filled my mind.

Parang isang pelikula na nagsidatingan ang mga ala-ala ko pagkakalas ni Alistair sa yakap niya sa akin. Instead of seeing him, I saw Ivor with a huge smile on his lips. May suot siyang backpack at sa likod niya ay nag-uusap ang kanyang ina na si Tita Ivy at ang Mommy ko habang si Daddy naman ay kausap ang kanyang ama na si Tito Benjamin.

It's the morning after my debut. Dahil nga sa resort iyon ginanap, dito na din kami natulog para sa gabing iyon.

"I wish to spend more time here, Amary. But I have loads of assignments to do in Manila," he said apologetically. Ngumiti ako at tumango. Mag-mimidterm na kasi ata sila kaya tuloy-tuloy muli ang kanilang gawain. "Isasabay ko na si Lei sa pag-luwas para hindi na siya mag-commute."

Maya-maya'y nagpakita na si Leilani sa gilid niya, dala-dala ang maliit na bag nito. Sa likod niya ay si Nana Leticia at nakangiting kumakaway sa paglisan ng dalawa. Gaya ni Ivor, sa Manila din nag-aral si Leilani. She's offered a full scholarship here in Pangasinan but mas maganda ang oportunidad sa nagtatayugang school sa syudad. Isa pa'y baka mas malaki daw ang tiyansa na mahanap niya roon ang totoong mga magulang.

"Ingat kayo!" Maligaya kong sabi habang hinahatid sila sa sasakyan. "And thank you ulit sa pag-punta."

"You don't have to thank me all the time, Amary. Kailanman ay hindi ko tatanggihan ang pagcelebrate ng kaarawan mo." Ani Ivor na sinang ayunan din ni Lei. Pinagbuksan niya si Lei ng pintuan like the gentleman he is, bago sumunod na pumasok roon.

"Baka magiging busy na din ako sa mga sususnod na linggo. Kailangan na naming matapos ang thesis at iba pang requirements para sa graduation."

"I'll text you when I have time. And if you need any help, you can contact me din. Or Lei."

Nahihiya akong ngumiti at tumango. Simula nang mag-high school ako, talagang sa kanila na ako nagpapatulong. I'm not naturally gifted with intelligence. Mahina ako sa math at magaling naman roon si Ivor. Sa mga subjects gaya ng English naman ay si Leilani ang tumutulong sa akin.

Kalaunan ay nagpaalam na sila. Bumeso muna ako sa parents ni Ivor na maligaya akong binabati at pinalalahanan na huwag munang magboboyfriend. Natatawa lamang ako roon dahil sa katunayan, wala naman akong planong magboyfriend. Unless si Ivor iyon. Ang aking paghanga sa kanya ay hindi pa din nagbabago kahit taon ang lumipas.

Pinagmasdan ko ang sasakyan nila habang papalayo ito. At nang hindi na natanaw, ay pumasok na ulit ako sa resort. Nga lang ay agad na tumama ang ilong ko sa dibdib ng isang lalaki pagkatalikod ko pa lang.

I groaned and looked up at the man. Nasira agad ang maganda kong mood nang mag-tama ang tingin namin ni Alistair. Naalala ko pa ang nakakahiyang pagbuhos ng luha ko kagabi sa sobrang pagkairita sa kanyang asta. Though looking back at it now, ang pathetic noon.

"Alis," matabang kong sabi and tried to walk pass him. Hinarangan nga lang niya ang dadaanan ko.

"It's too early for us to fight," tila pagod niyang sabi.

"Hindi ako nakikipag-away."

"Your eyes say otherwise, Amaryllis."

Beauty and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon