Chapter 5
NameMabilis na lumilipas ang bawat araw at unti-unti ay nagiging kumportable na ako sa pamumuhay dito. Mas gumaan pa nga ang bawat araw ko dahil nakakasama ko na si nurse Winona. Ang iba namang bodyguards ay nakakausap ko na din at alam ko na ang pangalan. The two bodyguards who usually follow me around are Rommel and Chris. Habang ang iba'y madalas naitotoka sa pag-bantay ng ibang parte ng lupain.
"Eto ang isuot mo, Miss Amary!" maligayang sambit ni Winona sabay pakita sa akin nung kulay burgundy na two piece na pinili ni Alistair para sa akin last time na nagpunta kami sa mall. Agad akong pinamulahan ng pisngi.
"'Wag na 'yan!" pigil ko kay Winona. "Nakakahiya naman. Hindi naman ako sexy kagaya mo."
Mas malaman si Winona kumpara sa akin at kitang-kita din ang mga curves niyang nasa tamang lugar habang ako'y parang walis tingting na napaliguan ng harina.
Humagikgik si Winona. Nakakatuwa dahil kahit siya ang nurse ko, hindi niya iyon napaparamdam sa akin. Para lang kaming magkaibigan. "Wala sa katawan 'yan, Miss Amary. Nasa nagdadala!"
"'Wag na. Nakakahiya naman sa mga bodyguards."
"Baka naman ayaw mong mag-suot nito dahil wala ngayon si Sir Alistair!" asar niya. Pinandilatan ko lang siya ng mata.
Simula ng dumating siya dito at may napansin na kung anong sparks kuno sa amin ni Alistair ay madalas na niya akong tuksuhin. Minsan sumasabay pa si Andre.
"Hindi ah!" I said in my defense. Tawa siya ng tawa at hinayaan nalang akong suotin ang gusto kong bikini.
Noong unang beses na lumusong kami sa dagat ay nahirapan akong gumalaw dahil maluwag na shirt ang isinuot ko. Kaya ngayo'y mag-siswimwear na talaga ako, hindi nga lang iyong two piece na gusto niya. Iyong one piece lang na mahaba ang manggas. Papatungan ko nalang ng puting shorts para hindi masyadong lantad ang mga hita ko. Nahihiya talaga akong mag-suot ng ganoon.
Hindi ko alam kung ang dating Amary ay mahilig magsuot noon pero ang present na ako, parang hindi kaya. Nakakaconscious.
Dahil nga tapos na ang mga gawain sa bahay ay nag-pasya nga kaming mag-swimming ni Winona bandang alas otso ng umaga sa araw na ito para hindi pa ganoong kainit. Isang beses palang kaming nakakapag-swimming sa loob ng isang linggo na nandito siya. Madalas ay tumutulong kami sa pag-luto at pag-linis ng bahay. Tapos ay sabay na tatambay sa hardin para mag-basa.
Tuwang-tuwa si Winona dahil para daw siyang naka-bakasyon dito. Masaya din ako na kasama ko siya at hindi lang bilang personal na nurse ko kun'di isang kaibigan. Nakakatuwa na kahit alam niya ang mga balita tungkol sa akin ay mabuti at totoo ang pag-trato niya sa akin. Dahil sa kanila ni Andre ay nakakalimutan ko ang mga isipin.
Sabi niya'y subukan daw naming mag-arrange ng mga bulaklak para i-display sa loob ng bahay dahil ganoon ang naaalala kong ginagawa ko noong bata pa ako. Nga lang, hindi pa kami nakakabili ng mga gamit na pwedeng gamitin para doon kaya't inaabala naming ang sarili sa iba pang bagay.
Sasama nalang kami muli kay Andre sa pamamalengke ngayong linggo para makabili ng mga gamit para doon. Na-enjoy ko naman ang pag-bisita sa public market ilang araw na ang nakakalipas. Kahit taliwas iyon sa gusto ni Alistair, napagtagumpayan ko namang sumama. Ligtas pa din naman akong nakauwi at mukhang wala namang nakakilala sa akin.
"Tara," si Andre nang makita kami ni Winona na handa nang dumiretso sa dagat.
Andre will join us today. Hindi ako sanay lumangoy at noong nakaraan nga'y dinadama ko lang ang lamig ng tubig, kaya ngayo'y nag-request akong magpaturo dahil si Winona ay hindi din ganoong kasanay. Kung hindi pa naka-salbabida ay hindi siya mapupunta sa mas malalim na parte. Ako nama'y nanatili lang doon sa hanggang baywang.
BINABASA MO ANG
Beauty and Death
Storie d'amore| CROIX TRILOGY #1 | Amaryllis Keyla is known as the sweet, kind, prim and proper daughter of the governor, Gov. Lucio Julian Madrigal. She is often seen arranging flowers in her mother's flower shop or spending time with the kids in their orphanage...