TWO

44 1 0
                                    

"You left me last night. Do you have any idea kung paano ako nakauwi?" Andito ako ngayon sa cafeteria at nasa harapan ng isang vendo machine. Lumingon ako kay Miss Imperial na kasalukuyang nasa tabi ko. Nakasuot siya ng blouse at kitang kita ko ang kanyang cleavage.

Lumunok muna ako sa nakita ko bago nagsalita. "I'm done with my obligation." Unti unti ko ng natatanggap na hindi talaga siya interesado sa akin kaya hindi ko na ipipilit ang sarili ko, and I admit nasasaktan ang ego ko dahil hindi niya man lang nagawang magpasalamat sa ID niya.

Matapos kung kunin ang napili kong inumin umalis na ako at hindi hinintay ang susunod niyang sasabihin pero mukhang swerte ako ngayon ah dahil nasa likod ko siya at hinahabol habol niya ako.

"Sandali! Gusto kong bigyan ka ng reward sa ginawa mong pag sauli sa ID ko. What do you want? Sabay tayo mag lunch?" Nilingon ko siya at nagtama ang mata naming dalawa. Matangkad si Miss Imperial, maputi at napakakinis ng balat. Mayroon siyang mahahaba na pilik mata at kulay brown ang mata niya.

"No thanks. Maliit na bagay lang iyon." Bago ko siya tinalikuran mabilis niyang nahablot ang braso ko. "I insist. Please? Huwag mo akong tanggihan."

Papunta kami ngayon sa west avenue kung saan dito kami mag lu-lunch ni Miss Imperial. Saktong pagdating namin andoon ang ibang team mates ko sa basketball. Andoon din ang mga tropa kong si Patrick at Charles at agad nagtama ang mata namin ni Ethan. Mapanuri ang kanyang tingin sa akin at sa kasama ko.

Nagulat ako nung hinawakan ni Miss Imperial ang aking braso. "C'mon let's go upstairs". At hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para hawakan ang kanyang beywang. Nang makaupo na kami agad kaming nag order dahil pareho kaming gutom.

"Sinadya mo ba na dito tayo kakain?" Tiningnan ko siya ng deretso sa kanyang mga mata. "What made you think na sinadya ko nga na dito tayo kakain?" Nagkibit balikat ako sa tanong niya. "I saw Ethan. And I guess both of you are dating. Nakita ko kayo isang araw sa canteen. He gave you flowers."

Ang reaksyon ni Miss Imperial ay ikinagulat ko dahil para siyang nandidiri sa sinabi ko. "Were not dating. He's my childhood friend and I don't like him." So si Ethan lang pala ang may gusto sakanya? Ibig sabihin may chance ako kay Miss Imperial because she's single and free.

"I admit, sinadya kong dito tayo kakain para marealize niya na I'm dating someone else at hindi ko talaga siya gusto." Agad siyang natahimik nung dumating na yung order namin.

"This is a date?" Natatawa siya sa tanong ko sakanya. Hey. Anong nakakatawa dun? I'm just asking. "A friendly date. Besides, we're just getting to know each other. Malay mo ma develop tayo sa isa't isa." Eto na ang pinakahihintay ko! May malaking chance talaga ako kay Miss Imperial.

"So let's start this getting to know each other, Miss Imperial." Tumayo ako at inilahad ang aking kamay sakanya. "I'm Dale Saavedra." Tumayo din siya at agad inilahad ang kanyang kamay. "Nice meeting you Dale. Just call me Angel. Angel Imperial."

Pagkatapos naming kumain umalis na kami sa restaurant. Hindi na namin pinansin ang mga tingin ng tao doon. Wala kaming pakealam kung ma chismiss man kami sa school. What do I expect? Pareho kaming sikat sa school kaya alam kong automatic na iyon.

UNWRITTENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon