Author's Note:Recap lang po yung sa story nila Dale and Lorraine para mas makilala niyo ng maigi yung true character ni Dale. Pero di ko naman kayo ibibitin kasi may another story si Lorraine soon. Ang title po nun is "WHO AM I." Sana basahin niyo din.
Sorry if nalilito kayo. Sa mga nag rerequest kung saan yung part ni Arianna Lopez, eto na po mga sizt! Uumpisahan ko na ang story niya. Feel free to comment down below.
-
Finally! First year college na ako. This is the moment I've been waiting for so long. Maaga akong nagpahatid sa driver ko sa school upang hindi ma late sa first class ko. Pagkapasok ko sa university, ipinakita ko aking ID sa school guard at pumasok na sa loob. Napakalaki ng Holy Angel University feeling ko mawawala ako lalo na't di ko pa ito kabisado.
Agad kong tiningnan ang aking schedule. Haaay. Napabuntong hininga ako. First day of class pero sasalubongin agad ako ng major subject namin. Nilakad ko na at hinanap yung unang klase ko. Pagkarating ko sa loob, nakita ko yung mga kaklase ko. I smiled and they smiled too, pumwesto kaagad ako dun sa bandang likod.
Maya't maya may dumating na isang babae, maganda siya, simple at mukhang mabait. Dun siya umupo sa tabi ko. Binati ko kaagad yung babae.
"Hi."
Bumati din siya sa akin at ningitian niya ako, ngumiti din ako pabalik sa kanya.
"I'm Arianna Lopez, and you are?"
Lumingon sa akin yung babae at nagsalita pero hindi ko narinig kasi biglaang dumating yung professor namin sa klase. Nagpakilala siya at pagkatapos no'n nag tayuan yung bawat isa sa amin at nagpakilala din.
Pagkatapos kong magpakilala, nagpakilala din yung katabi kong babae. Nakalingon kaming lahat sa kanya. Agad siyang tumayo at mukhang kinakabahan.
"Hello everyone, I'm Samantha Nicole.."
Biglang naputol ang pagsasalita niya nung may lalakeng biglang pumasok at nakuha niya agad ang atensyon ng lahat. Maski ako nagulat sa nakita ko. Oh My God! Ethan James De Leon bulong ko sa aking isipan. Hindi ako maaaring magkamali kasi alam ko siya yung na feature sa isang sikat na international magazine. Ang gwapo niya pala talaga sa malapitan, nakikita ko lang siya sa billboards before dahil isa siyang sikat na modelo di ko aakalain na magiging kaklase ko siya.
Nairita ang professor namin nung biglaan siyang pumasok at na late sa unang klase. Pero di niya yun pinansin at umupo sa likod ni Samantha. Tititigan siya ng lahat lalo na yung mga babae na halos sinusundan ng mga mata nila kung saan pu-pwesto si Ethan. Maski yung katabi ko nakatingin din sa kanya.
Nakita kong inirapan niya si Samantha. Ang sungit! Nakakagwapo ng sobra. Pagkatapos nagpakilala ni Samantha tumayo si Ethan at nagpakilala din. Di ko mapigilang tumili. Ang gwapo naman kasi talaga niya! Ang laki ng katawan at ang lean pa ng muscles niya.
"Are you okay?"
Lumingon si Samantha sa akin at nagtataka sa naging reaksyon ko. I nodded at sumagot ako pero yung mga mata ko diretsong nakatingin parin kay Ethan.
"Yeah I guess, I didn't expect na classmate natin si Ethan."
Mukha siyang nagulat sa sinabi ko kaya binaling ko aking atensyon sa kanya.
"You know him?"
Tiningnan ko munang umupo si Ethan bago sinagot ang kausap ko. Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit kilala ko si Ethan. Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Ka course din ba natin siya?"
Umiling ako bilang sagot. I don't think so kasi nabasa ko sa isang magazine na may isang reporter na nagtanong sa kanya kung anong course niya at sinabi niyang Marketing.
BINABASA MO ANG
UNWRITTEN
RomanceI'm not a heartbreaker, I just get bored easily. Dale Saavedra doesn't care when it comes to girl's feelings. He only wants vices and pleasure. Girls for me is just like a TOY easy to replace, easy to dispose pag sawang sawa ka na sakanya. But, sudd...