★☆★
Two weeks. Wayne will come back in two weeks. Ayokong ipaalam sa kaniya na sa loob ng dalawang linggo na 'yon ay aalis kami ng Switzerland para sa operasyon ko.
Hindi na ako halos makatulog pagkatapos kong mabasa ang lahat ng message niya. I let myself feel that moment. Parang nakalutang ako at hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Napawi lang 'yon nang makita ako ni Hale na mulat pa ang mga mata kaya kagigising niya pa lang, kunot na agad ang noo niya.
"Why are you still up?" Lumapit siya sa akin.
Madilim na ang hospital room ko at tanging ang dalawang lamp nalang ang nakabukas.
"I can't sleep... Where's Ate?"
He sighed. "You think she'll come here after what happened?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit? S-Sinisisi niyo ba siya?"
Sinisisi ba nila si Ate? O sinisisi ba ni Ate ang sarili niya? Kahit na kasalanan ko naman!
"No. Of course not. Walang sisisihang mangyayari sa pamilyang ito. She's just regretful and guilty... and blaming herself. It's unavoidable to feel that way."
"It's clearly my fault, Hale. Kung... kung hindi na sana ako nagtanong kay Mr. Rustavo-"
"Papa, Stawnzell. Call him Papa," marahang aniya.
Napalunok ako at tiniim ang labi. I have no comment at that.
"And stop blaming yourself too."
"Just like what you said, it's unavoidable. Kasalana-"
"But it's not your fault! It's no one's fault. Ang tigas talaga ng ulo mo..."
"Kung sana tumahimik nalang ako, hindi na sana tayo naririto diba? Hindi na sana tayo aalis para sa operasyon ko! Hindi na sana kayo nasa ospital ngayon at nag-alala lalo na si Mr. Rust-"
"I said call him Papa!"
Nanginig ang mga labi ko at hindi na nakapagsalita lalo na't naalala ko na naman na hindi makakabuti itong ginagawa ko ngayon. It's... stressing me! It's frustrating me! My head slightly began to throb. Again!
"Hell... What did the Stewarts do to you..." Rinig kong bulong bulong niya.
Mas lalong ayoko na magsalita. I gritted my teeth and fisted my hands. Hale turned his back on me and raked his hair frustratedly. Napalunok ako habang tinitingnan siyang gano'n dahil sa akin.
Am I being too much? Am I being tiring? Draining?
"I-I'm sorry, Hale." Please don't your back on me... Pakiramdam ko, tinatalikuran na ako. "M-Matutulog na ako."
Hinarap niya ako at agad na dinaluhan. Bahagyang nanlalaki ang mga mata niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"No... No... Stop blaming yourself. And stop apologizing all the time. This is not your fault."
Kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Gusto kong maiyak! Dahil parang ako 'yon... na sinasabihan ang sarili ko. It's like he was carving myself out of myself to tell it to myself. Magkamukha talaga kami. Kahit ang mga tumatakbo sa isip ko, mukhang alam niya.
"I will hunt the Stewarts for what they did to you... and for scarring you mentally," aniya.
Kumunot ang noo ko at medyo hindi nakuha ang sinabi niya. Binitawan niya ako at naupo sa kama. Bumuntonghininga siya. I saw his jaw moved as he looked at the IV on my hand. Ilang sandaling katahimikan. Iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko, magso-sorry na naman ako.
BINABASA MO ANG
Protecting the Royalties in Our Hearts (#1 - SY)
RomanceTHE 3RD BOOK - To break is to grow, and to grow is to move forward. Kailangan ba talaga sa buhay na pagdaan ang lubak-lubak at puno ng pasakit na daan para malaman na... ang lahat ay may magandang kahihinatnan? O sadyang malupit lang talaga ang mund...