★☆★
Isang marahang haplos ang naramdaman ko sa kamay. Unti-unti kong dinilat ang mga mata kahit ramdam ko kung gaano kabigat ang mga talukap. My lips were ready to stretch for a smile for I thought it was Hale but it immediately went back to normal when I saw who's in front of me.
Hindi nagsalita si Wayne. Kumalabog ang puso ko at kahit gusto kong magreact kaagad, hindi ko magawa dahil sa pagod na nararamdaman ng katawan. It felt heavy. I know this feeling already. I'm already familiar with it. Tanging ang magagawa ko lang ngayon ay hayaan ang puso kong magwala nang magwala!
His eyes went to the machine beside my bed. Narinig ko rin ang pagbilis ng mahihinang tunog ng machine na 'yon. Ngayon alam niya nang gano'n ang nangyayari sa puso ko. His lips are on a thin line, like he's stopping himself from saying anything or he just doesn't want to talk at all.
Bumalik ang tingin niya sa akin. Ni hindi ko matingnan ang buong silid kung kami lang ba dalawa rito o nandito rin ang pamilya ko.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya.
Hindi ako nagsalita. I felt guilty... when I shouldn't be. I didn't tell him about this because that's what I thought a good thing to do. He's busy. He's got problems to fix in the Philippines. I don't want him to feel responsible about me just because he... feels something about me.
Pero paano niya nga ba nalaman? I'm sure my family knows that I didn't want him to know about this.
"Bakit k-ka nandito? Paano ang-"
"Your health matters the most to me, Zell."
I somehow saw it coming. Kaya nga ayaw kong sabihin sa kaniya. Isa pa ito sa mga rason kung bakit tinago ko sa kaniya dahil alam kong uunahin niya ito. At the back of my mind, there's a tiny voice telling me that he'd do this... na hindi naman dapat. Dahil may sarili kaming buhay.
Tinikom ko agad ang bibig ko nang mapagtanto na hindi dapat gano'n ang bungad ko sa kaniya.
Bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Sasha. Tumayo nang matuwid si Wayne. Lalong-lalo na nang sakto ring tumunog ang cellphone niya. Tumingin pa muna siya sa 'kin.
"Excuse me," aniya at lumabas na ng kuwarto.
I feel like my shoulders dropped like a dead branch of a tree. Nagkatinginan kami ni Sasha. She smiled at me but it wasn't the smile I know. Lumapit siya sa 'kin at tiningnan ang kabuuan ng mukha ko.
"Does your hear hurt? Kumusta ang pakiramdam mo ngayon? Nagmadali agad kaming pumunta rito pagkatapos malaman ang nangyari. It's been almost a week since your surgery. There were complications during the operation kaya... natagalan ka bago nagising."
Hindi ako nakapagsalita. Nilahad niya sa akin ang isang baso ng tubig. She adjusted the bed so I can drink properly.
"I almost lost you again," mahina niyang sabi.
Ngumiti siya pero malungkot ang mga mata. Parang kinurot ang puso ko.
"Don't worry, Sasha. I will always be here," napapaos na sabi ko.
"Mauuna muna akong mamatay bago ikaw, Zell. Selfish na kung selfish pero ayoko makaramdam ng gano'ng klase ng sakit kaya mauuna ako. Sisiguraduhin ko 'yan sa 'yo!"
Dinaan niya 'yon sa tawa pero kumunot lang ang noo ko at hindi nagsalita.
"You'll see me first in the coffin and light the candles for me." Dinagdagan niya pa talaga. "Not the other way around."
"Why are you talking like that?"
Hindi ako makapaniwala habang sinasabi 'yon. Kagigising ko lang ah. Kagigising ko lang!
BINABASA MO ANG
Protecting the Royalties in Our Hearts (#1 - SY)
RomanceTHE 3RD BOOK - To break is to grow, and to grow is to move forward. Kailangan ba talaga sa buhay na pagdaan ang lubak-lubak at puno ng pasakit na daan para malaman na... ang lahat ay may magandang kahihinatnan? O sadyang malupit lang talaga ang mund...