Chapter 2

6 1 11
                                    

"Can we join you?" nakangiti pa ring tanong ni Alyssa. He was just eating peacefully when Alyssa decided to join him. 

Base sa itsura niya, mukhang nagdadalawang isip pa siya kung ayos lamang na tabihan namin siya.

"Uh... Sure, since I don't have any friends here at school." pumayag din naman siya kaya umupo na kami at itinuloy ang pag-kain namin.

Habang kumakain kami ay bigla namang nagtanong si Alyssa kay Grey.

"Saan ka pala nag-aaral dati? Bakit mo naisipang lumipat dito?" tanong ni Alyssa.

"Uh, sa States ako nag-aaral before. But I decided to go back here." he answered.

We both nodded and itinuloy na lang naming kumain. 

After a few minutes ay agad rin kaming bumalik sa classroom.

Tahimik lang siya at agad na dumeretcho sa kaniyang upuan.

Ilang minuto lang din ay dumating na ang guro namin.

Discuss

Discuss

At dahil nakakaboring ang klase, nagkkuwentuhan kami ng patago ni Alyssa.

Time passed by at natapos na rin ang aming klase. Finally, hays. 

Inayos ko na ang bag ko dahil habang nagkkuwentuhan kami kanina ni Alyssa ay napag-usapan naming pumunta sa mall. Sabi rin ni Alyssa ay isama namin si Grey.

Well, since kaming dalawa lang namang ay pumayag ako.

Pumunta ito kay Grey at tinanong siya. Kahit malayo si Alyssa ay rinig na rinig ko ang boses niya.

"Hi! Gusto mo bang sumama sa amin ni Amara? Pupunta kasi kami sa mall." tanong ni Alyssa. Mukhang nag-iisip naman siya kung sasama siya o hindi.

Nakita kong sumagot siya ngunit hindi ko marinig dahil mahina ang boses niya.

Agad namang lumapit si Alyssa sa akin at sinabing sasama ito.

"Sama daw siya. Tara!" masayang sabi niya sa akin.

Sumakay lang kami ng tricycle dahil super lapit lang ng mall sa school. Pwede naman naming lakarin kaso sobrang init.

Pagkarating sa mall ay inaya ko silang kumain sa fast food resto dahil medyo nagutom ako, napakainit at ang pakiramdam ko ay nakakahina ito.

"Guys, kain tayo sa dun sa fast food resto. Libre ko." sabi ko sa kanila.

Agad naman akong hinila ni Alyssa at tahimik na sumunod si Grey.

Humanap agad kami ng upuan pagdating sa fast food restaurant.

"Ano order niyo?" tanong ko. Ako na ang mag-oorder dahil ako rin naman ang magbabayad.

"1 piece chicken, small fries, at soft drinks sa akin." agad na sabi ni Alyssa.

"Ganon na rin sa akin, but no fries and juice ang drink." he said and smiled.

"Ok! Order lang ako." tumango naman sila.

When it was my turn to order, I just said all of our orders. Nung magbabayad na ako ay nagulat ako dahil may naunang magbayad sa akin. Pagtingin ko ay si Grey pala ang nagbayad.

"It's on me. Nakakahiya naman, ikaw pa ang magbabayad." sabi niya habang nakangiti at dahil nagulat ako, napakurap na lang ako at tumango.

"Just don't tell it to Alyssa. It's a secret between us."

"Ok" yan lang ang nasabi ko dahil nagpprocess pa rin ang utak ko.

We just waited for a few minutes and ready na yung food namin.

"Thank you sa libre!" pasasalamat ni Alyssa sa akin. Tinignan ko si Grey at tinanguan niya lang ako.

"Hehe, ikaw pa." medyo naiilang kong sabi dahil alam ko namang hindi ako ang nagbayad ng kakainin namin. 

Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Alyssa. 

"Can I ask you some questions?" Nakangiting tanong ni Alyssa kay Grey. 

"Ok..." Mukhang kinakabahan na sagot ni Grey. Hahaha, knowing Alyssa, she wouldn't ask questions na nakakatakot or what.

"Ok, first question..." sabi ni Alyssa at bakas naman sa mukha ni Grey na kinakabahan siya. 

"What is your favorite color?" unang tanong ni Alyssa. O diba, madali lang naman kaya dapat ay hindi kabahan si Grey.

"Uh... black." sagot naman nito sa tanong ni Alyssa. Mukhang hindi pa rin nawawala ang kaba sa kaniya, siguro ay iniisip niya na mas mahirap na ang mga susunod na tanong.

"Second question, kailan birthday mo?"

"July 19, 2001" Sagot naman niya. Ilang weeks na lang pala ay birthday na niya. 

"Favorite food?" sunod naman niyang itinanong.

"Um... I like pasta.I don't really like red sauce pastas though. But I do eat spaghetti." he said. We're actually the same.

"Oh, same pala kayo ni Amara. She also doesn't like red sauce pastas din. She prefers pesto or carbonara." speaking of, yan naman ang isinagot ni Alyssa. 

"Ok, last question, may mga hobbies ka ba?" tanong niya.

"Hmm, actually, wala naman. But if I'm bored or alone, I just read books or listen to music."

"Ahhh. So yun lang muna ang itatanong ko. Wala na akong maisip eh. Hahaha." mukhang nahimasmasan naman si Grey ng sabihin ito ni Alyssa. 

"Pwedeng magtanong din ako?" he suddenly asked.

"Sure, why not" ako na ang sumagot dahil ngumunguya pa si Alyssa, Hahaha.

"When is your birthday?" he asked. Mukhang ibabalik niya lang din naman pala ang mga itinanong sa kaniya.

"September 17, 2002" sagot ko.

"May 28, 2002" sagot naman ni Alyssa.

So he's 1 year older than us pala.

"Ok. Next question. Favorite color." tanong niya. Mukhang tama naman ang hinala ko, ito rin naman ang mga itinanong ni Alyssa.

"Mine is blue. Amara doesn't have a favorite color. She appreciates all of them." sagot ni Alyssa at idinamay na rin ako.

"Favorite food?" sunod niyang itinanong.

"Like what Alyssa said earlier, I like pastas with white sauce or pesto. And for Alyssa, she isn't a picky eater, she eats all of the food na ihahanda para sa kaniya." I answered and dinamay ko na si Alyssa. 

"Ok last, may hobbies ba kayo?" he also asked.

"Well for me, I just watch movies or i-chat si Amara, hahaha." sagot ni Alyssa. Pareho kaming only child kaya naman wala kaming ibang kalaro o kasama sa bahay. Kahit nung bata kami ay palagi na kaming magkasama.

"Ako naman, sometimes I read books, draw, or just watch documentaries." I answered.

"And i-chat si Alyssa." pahabol ko pa, baka magtampo 'to, hahaha.

Grey just nodded and we just continued eating.

Well after we ate, we decided to walk around the mall lang. Hindi na rin kami nagtagal kaya umuwi na kami. Hinatid din kami ni Grey sa sakayan ng tricycle.

"See you tomorrow. Bye." paalam namin ni Alyssa bago kami sumakay sa tricycle. he just nodded and smiled at us. Napansin ko ring hinintay niya munang makaalis kami bago siya sumakay para umuwi. 

After a few minutes, nakarating na ako sa bahay. Naunang bumaba si Alyssa dahil nagpasundo pala siya sa mommy niya. Sa ibang subdivision sila nakatira kaya siguro nagpasundo na ito. Medyo malayo rin mula dito sa amin. 

Pagpasok ko sa bahay ay wala pa si mommy dahil maaga pa kaya nagbihis na muna ako at nanood na lang ng T.V. sa sala. 

To be continued...

_______________________________________

Follow me for updates:
Twitter: @astherielle25

Our Broken Promises [Ongoing]Where stories live. Discover now