Chapter 1

28 5 8
                                    


'insert alarm'

"Ughhhhh" nagising ako sa ingay ng alarm ko. Agad kong inabot ang cellphone ko para patayin ang napakalas kong alarm.

First day of school namin ngayon kaya agad din akong bumangon para maligo. Kinuha ko ang tuwalya ko at agad na pumasok sa banyo. Pagkatapos ng sampung minuto ay natapos na kong maligo kaya naman lumabas na ko ng banyo at sinuot ko na ang uniform namin. Inayos ko na din ang bag ko para pagkatapos kong kumain ay deretcho na akong aalis para hindi ako malate.

Lumabas na ako ng kwarto ko at dumeretcho na ako sa kusina para kumuha ng pagkain at dumeretcho na ako sa dining table. Habang kumakain ako ay nakita ko si mommy na agad dumeretcho sa dining table para samahan ako.

"Good morning anak." sabi ni mommy kaya agad din akong bumati sa kanya.

"Good morning mommy" medyo excited ako ngayon pero hindi ko alam kung bakit. Palagi kasi akong tinatamad pumasok.

"Mukhang excited ka ngayon ah."

"Medyo lang naman po." sabi ko habang kumakain. Pagkatapos kung kumain ay kaagad akong tumayo para ilagay ang pinagkainan ko sa lababo. Nag-toothbrush na ako para makaalis na ako dahil baka malate ako, first day pa naman namin.

Nagpaalam na ako kay mommy na aalis na ako. Nagta-tricycle lang ako papunta sa school, ayoko nang mapahatid kay mommy dahil sobrang lapit lang naman ng school. Lumabas na ako ng bahay at nag-abang ng tricycle, agad akong nakasakay dahil madami nang tricycle sa labas. Habang nakasakay ako sa tricycle ay nagring ang phone ko.

[Alyssa is calling...]

Si Alyssa nga pala, best friend ko. Agad kong pinindot ang kulay green na button para masagot ko ang kanyang tawag.

"Hello, napatawag k-" naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Hello, asan ka na? Nandito na ko sa labas ng school."

"Ang aga mo naman ata, nakasakay na ko sa tricycle, papunta na diyan."

"Ahhh, hintayin kita dito para sabay na tayong pumasok."

"Ok."

"Byeeee, ingat."

"Salamat, bye." pagkatapos kong sabihin iyon ay naputol na ang tawag.
Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa school. Nakita ko si Alyssa na nakatayo sa entrance kaya naman pinuntahan ko siya.

"Oi, andito na ko." sabi ko pagkatapos ko siyang kalabitin. Humarap siya sa akin at agad na napangiti at agad niya din akong niyakap . Parang ilang taon kaming di nagkita ah.

"Tara na, para hindi tayo malate." nakangiti niyang sabi.

Dire-deretcho na kaming naglakad pumunta sa room dahil nag-orientation na kami last week kaya alam na namin kung nasaan ang classroom namin. Nasa 4th floor lahat ng Senior High School students dahil maliit lang naman ang school namin at konti lang ang estudyante. Sa classroom namin ay 20 lang kaming lahat, labing-isa kaming mga babae habang siyam lang ang lalaki. Pagdating ko ng classroom ay madami-dami na din ang estudyente. Umupo na kami ni Alyssa sa upuan namin at nakinig na lang ako sa music. After 20 minutes ay nag-bell na at dumating na ang teacher namin kaya naman inayos ko na ang earphones ko at sinurrender ko na ang cellphone ko dahil bawal gumamit ng cellphone.

"Good morning class." bati ng teacher namin.

"Good morning Ma'am" bati naman namin sa teacher namin.

"Fall-in line outside the classroom." Sabi ni maam kaya agad din kaming pumila sa labas. May flag ceremony ngayon dahil Monday at required din na mag flag ceremony ang mga Senior High School dahil ito ang official first day of school. Dito sa 4th floor ginaganap ang flag ceremony kaya kami ay lumabas lang ng classroom. Ang mga elementary students naman ay sa gym sa baba ang flag ceremony. After 10 minutes ay natapos na ang flag ceremony at bumaba na rin kami. Agad nagsimula ang klase pag balik ng room. Habang nag-ka-klase si maam, may biglang kumatok sa pinto kaya naman binuksan ito ng kaklase ko na malapit sa pintuan. Nang buksan ang pintuan ay nandoon ang principal ng school namin kaya agad kaming tumayo.

"Good morning Ms. Principal" sabay sabay naming bati.

"Good morning, you may take your seats. I'm sorry for interrupting your class. We have a new student and he will be joining your class." Sabi ng principal namin.

"No problem Maam" sabi ni maam kay Ms. Principal.

"Come in, please introduce yourself."

"Good Morning, my name is Greyson Asher Mendrez, but you can call me Grey." pakilala nung bagong student.

Infairness, gwapo sya. Tsh, ano ba tong naiisip ko. Napailing na lang ako.

"Nice to meet you Grey. You can seat over there." turo ni maam doon sa bakanteng upuan sa likod. Agad naman siyang pumunta doon at umupo.

Agad na tinuloy ni maam ang klase dahil malapit na ding mag-time. Makalipas ang ilang minuto ay time na kaya naman umalis na si maam.

"Goodbye Class"

"Goodbye Maam" sabay sabay namin paalam kay maam.

Pagkalabas ni maam ay pumasok na ang susunod naming teacher.

Discuss

Discuss

Break time

Kasalukuyan kaming naglalakad pababa ni Alyssa para bumili ng pagkain dahil break time na. Bumili lang ako ng turon at zesto habang si Alyssa naman ay hotdog on stick at zesto. Pagkatapos naming bumili ay umakyat na kami dahil mainit sa Cafeteria kaya sa classroom na lang kami kakain.

20 minutes lang ang break kaya naman kailangan naming maubos agad ang kinakain namin. Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa locker namin para kunin ang mga libro na kailangan namin para sa mga next subject at para ilagay ang mga libro na ginamit namin kanina. Bumalik na kami sa room dahil malapit nang mag-time. Maya-maya ay dumating na rin ang guro namin at nagsimula na ulit ang klase.

Discuss

Discuss

Discuss ulit

Presentation

After naming ipresent ang aming ginawa, lunch break na. Bumaba ulit kami ni Alyssa sa Cafeteria at bumili ng makakain namin ngayong lunch.

"Ano pong order nila maam?" tanong ni ate sa akin.

"Um, isang order po ng Chicken Tinola, half rice lang po."

"50 pesos po maam"

"Padagdag na din po ng isang mineral water" sabi ko kay ate. Agad naman siyang kumuha ng tubig.

"Eto na po order niyo maam. 65 pesos po lahat." abot sa akin ni ate at kumuha naman ako ng 100 pesos sa wallet ko.

"Eto po bayad ko." nakangiti kong iniabot kay ate ang bayad ko. Hinintay ko lang ang sukli ko at dumeretcho na ako sa table kung saan nakaupo si Alyssa.

Nagdasal muna ako bago kumain. Habang kami ay kumakain ay biglang nagsalita si Alyssa.

"Uy bhie, medj gwapo yung transferee ha."

Tumango na lang ako at hindi na nag-abalang magsalita. Lumingon ako sa ibang tables at napansin kong may lalaki na mag-isa lang na kumakain. Nang tignan ko ng mabuti, si Grey pala ang nakaupo.

"Be, tignan mo oh, mag-isa niya lang na kumakain." sabi ko kay Alyssa habang nakaturo kay Grey.

"Oo nga 'no. Gusto mo puntahan natin?"

"Di ko alam."

"Tara! Puntahan natin, kawawa naman siya oh."

"Tsh, sige na nga." agad kaming tumayo at pumunta sa table ni Grey.

"Um, Hello! Ako nga pala si Alyssa! Eto naman si Amara, best friend ko. We are in the same class!" nakangiting pakilala ni Alyssa kay Grey habang ako naman ay kumaway lamang sa kanya.

"Um, Hi. May kailangan ba kayo?" tanong niya sa amin.

"Nooo, we're here to make friends with you." nakangiting sabi ni Alyssa. Talaga namang hindi na nagpaligoy ligoy pa si Alyssa at straight to the point na sinabi yun.

"Can we join you?" nakangiti pa ring tanong ni Alyssa.

To be continued...

_______________________________________

Follow me for updates:
Twitter: @astherielle25

Our Broken Promises [Ongoing]Where stories live. Discover now