Chapter 4

14 4 5
                                    

"Congrats Ms. Cortez and Mr. Mendez! You got the highest score on your activity!" sabi ni Maam habang nakangiti. Today is already Friday. I wasn't really paying attention then bigla na lang kaming tinawag. I glanced at Grey pero nakatingin lang siya sa harap. .

"I really liked the way how you did your activity."

"Thanks Maam." sabi ko para mabasag ang katahimikan.

"Naks. Sana all." rinig kong sabi ni Alyssa habang naglalakad kami.

"Tsh. Ano ka ba." sabi ko while laughing a little bit.

"Libre naman diyan oh." kantiyaw ni Alyssa.

"Ano ba gusto mo?"

"Totoo ba yan! Gusto ko yan!" tuwang-tuwa na sabi ni Alyssa.

"Oo nga. Bilisan mo. Bawiin ko sinabi ko eh."

"Eto naman. Um, libre mo na lang ako ng turon tsaka Zesto." she sounded so excited. Parang bata na bibilhan ng laruan.

"Ok. Yun lang?"

"Yes."

Pumila na ako para makabili. When it's my turn, I just said my order.

"Ate, dalawang turon tsaka dalawa pong Zesto. Yung orange po."

Nang makuha ko na ang binili ko ay hinanap ko na si Alyssa. When I found her, inabot ko na sa kaniya ang pagkain.

"Thanks!" she really sounds so excited.

"Anong meron? Parang sobrang saya mo ata?"

"Ehhhh. Ano kasi..." pabitin niyang sabi pero nakangiti pa rin siya.

"Ano nga?"

"Nagconfess ako kay crush na may gusto ako sa kanya. Tapos..."

"What? Just say it already." I'm getting curious na eh.

"May gusto din daw siya sa akin. Matagal na, pero nahihiya daw kasi siyang sabihin sa akin." tuwang-tuwa niyang sabi.

"Sana all." yun lang ang nasabi ko.

"Wait. Sino naman pala yan?" I asked because I was curious.

"Si Aldrin." muntik ko ng maibuga yung kinakain ko ng marinig ko kung sino yun.

"Totoo ba yan?!? Siya ba talaga?" Gosh. I never thought na magkakagusto yun kay Alyssa. He is so quiet and opposite naman si Alyssa. It's not that I don't like him for Alyssa. I was just surprised.

"Oo nga." she said while smiling.

"Wow. Hindi ko akalaing magkakagusto siya sayo."

"But, Congrats. Kahit hindi pa kayo. HAHAHA"

"YIEEEE. Salamat. HAHAHA" lahat ata ng sasabihin niya nakangiti lang siya.

"Tara na. Baka malate pa tayo sa next class." sabi ko sa kanya at umakyat na kami.

"Girl, makipagpalit kaya ako ng upuan kay Grey?" Gosh. She really sounded so excited. Katabi kasi ni Grey si Aldrin.

"Siya ang tanungin mo. Wag ako."

"Ok. Let's go na."

Pagdating namin sa room ay agad niyang nilapitan si Grey habang ako naman ay dumeretcho na sa upuan ko. Then I saw Grey walking towards me. Wow. Na-convince niya si Grey na makipagpalit sa kanya.

"Hey. Alyssa wanted to exchange seats with me." sabi ni Grey at umupo na sa tabi ko.

"Yeah. She already told me about it earlier."

Our Broken Promises [Ongoing]Where stories live. Discover now