Still Twinary POV
"Twinary, I'm hard." Nanlaki ang mata ko dahil sa binulong niya kaya agad ko siya tinulak palayo sa akin.
"Mabuti pang tulungan na lang natin sila maglinis ng hapag." Sabi ko at tinalikuran na siya.
Tumango naman siya at tahimik na sumunod sa akin.
-----
"Anak, sigurado ka na bang okay ka na?" Tanong ni pagkahatid namin sa port. Hindi lang si Mama kundi kasama ang buong pamilya ng mga magsasaka para daw ihatid nila ng tingin si Sarquael.
Tatlong araw pa lang sj Sarquael dito at halata nga'ng malapit na ito sa mga tao dito sa aming baryo. "Ayos lang ako ma, tyaka baka matagalan pa ang pagbalik ko dito." Sagot ko naman sabay tanggap ng duffel bag.
Pinunasan ni Mama ang kanyang mga mata, "Ayos lang iyan anak, alam ko naman na magtatrabaho ka para may ipangtustos sa pangangailangan natin at ang tanging magagawa ko lang ay ang supportahan ka sa mga Plano mo. Basta tandaan mo anak, nandito lang si Mama kapag kailangan mo ng tulong ah?" Aniya at niyakap ako, niyakap ko siya pabalik at hinalikan ko ang kaniyang noo.
Bumaling ang tingin naming dalawa ni Mama sa mga magsasaka na ngayo'y namamanghang nakatingin sa cruise ship. Ako nga din ay namangha dahil sa uri ng laki niyon.
"Twinary, halika na. Aalis na tay-" Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng mahagip ng kaniyang mata ang mga magsasaka na ngayo'y nakatingin sa cruise ship. Ngumiti siya na ikinataas ng kilay ko.
Ano kayang pumasok sa isipan niya?
Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo paakyat ng cruise ship at ilang sandali lang ay tumunog ang intercom. "Good morning everyone, we have a guest today and I do hope you all welcome them!" Nanlaki ang mata ng mga magsasaka ng dumungaw sa ibaba si Sarquael mula sa 2nd deck ng cruise ship hawak ang isang communication earplug na siyang naka konekta sa intercom ng cruise ship.
May mga crew ang bumaba ng cruise ship kasama na doon ang captain ng nasabing barko, "Magandang Umaga sa lahat, iniimbitahan po kayo ni Sir Sarquael na manatili doon ng isang araw at isang gabi bilang pasasalamat niya sa mga nagawa niyong kabutihan sa kaniya." Anang Kapitan na siya namang ikinalaglag ng panga ko.
Agad namang natuwa ang lahat pagkarinig ng magandang balita mula sa Kapitan. Tumatalon ang iba sa tuwa habang ang iba naman ay naiiyak dahil sa katuwaan. Napangiti din ako habang pinapanood sila, "Anak, napaka bait ng boss mo. Sana tratohin mo siya ng maayos at alagaan mo siya ah." Kinapa niya ang aking pisngi at pinisil pisil iyun. "Alam mo anak, hindi ako pang habang buhay na nasa tabi mo. Dapat ituon mo ang atensiyon sa mga bagay na gusto mo, kasi alam kong walang ibang tao ang na sa puso mo kundi ako. At ayaw kong ako lagi ang priority mo anak, Ikaw iyung tumataguyod ng pangangailangan natin samantalang ako dito pabigat palagi sayo."
"Ma, alam ko naman na lahat ng tao may madilim na nakaraan at natakasan muna iyun. Nandito ka palagi sa puso ko dahil Mahal na Mahal kita Ma, Ikaw na lang iyung natitirang taong nagmamahal sa akin ng hindi matutumbasan ng kayamanan. Hayaan muna akong magtrabaho dahil karapatan kong alagaan ka, huwag mong iisipin na pabigat ka dahil nong mga panahon na malungkot ako. Ikaw iyung nand'yan at naging sandigan ko." Niyakap ko siya ng mahigpit.
----
Kasalukuyan kaming nasa loob ng magiging cabin ko at nakaupo kaming dalawa sa sofa."So, kailan pala ang meeting?" Kinakabahan kong tanong. Nagkibit-balikat si Sarquael at tumingin ng diretso sa akin.
YOU ARE READING
KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BxB]
RomansaA man who had dreams about his mother's health. A man with a golden spoon in his mouth is looking for a person whom can gave him kindness that day. ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶ I am his assistant He is my boss His the one whom cannot control nor stop th...