Sarquael POV
NAKAUPO ako sa may sulok at nakikinig lang sa kanilang usapan.
Ano'ng Plano ni Dad? Bakit kailangan niyang bumalik sa puwesto na ngayon ay maayos na ang lahat? Hindi ako papayag na uupo siya ulit bilang Vice president sa kompanya dahil paniguradong magkakandalitse na naman.
Hindi ko siya hahayang makabalik sa puwesto ng ganon ganon lang, nagpakahirap ako para makamit ang puwestong ito na kailanmay kaniyang tinalikuran noon.
Inabot ko ang binigay na juice ng waitress pero agad umatake ang sakit ng aking lalamunan at binalot ng init ang aking buong katawan. Nabitawan ko ang baso na siyang pagkabasag pero hindi ito nagkaroon ng malakas na ingay para tumigil ang party.
Nanghihina ang aking mga tuhod at nahihirapan akong huminga. Sino'ng Alpha ang nagpapalabas ng kaniyang pheromones?
Nawalan ako ng lakas at buti na lang may mga kamay ang sumalo sa'kin bago pa man ako bumagsak. "Sir, kailangan na nating umalis sa lugar na ito bago ka pa man pagsamantalahan." Si Secruby ang narinig kong nagsalita.
Sumangayon ako sa sinabi niya tyaka tinulungan akong makatayo, "Sir. How may I help you?" Tanong ng waitress.
"Don't mind us, you can leave now." Rinig kong sabi niya pagkatapos ay lumabas na kami.
Thanks to Secruby.
Twinary POV
"Cheers!" Sabay na sabi ng lahat at itinaas ang shot glass.
Pero hindi ako sumabay sa kanila ng mapansin kong wala na si Sarquael doon sa kaniyang puwesto kanina. "Guys, lalabas lang ako ah!" Paalam ko sabay takbo palabas ng restaurant.
Hinanap ko siya sa buong paligid pero hindi ko siya nakita, nasan ka ba Sarquael. Nilabas ko ang cellphone at tinawagan siya. Mabilis na bumaling ang mata ko sa parking lot kong saan ang isang sedan nakaparada hindi kalayuan sa puwestong tinatayuan ko.
Binaba ko ang tawag at patakbong tumungo ako doon, pero laking gulat ko ng bumungad sa'kin ang itsura nilang dalawa ni Secruby. Punit na ang suot na toxedo ni Secruby habang nakaupo naman sa kandungan nito si Sarquael na nagmamakaawang tumingin sa mga mata ni Secruby.
Nagulat si Secruby ng makita ako, "Sir. Let go of me, wala ka sa tamang huwisyo para gawin sa akin ito." Aniya at pilit na itinulak palayo si Sarquael pero mas lalo itong yumakap kay Secruby.
Akmang lalapit ako sa kanila pero agad akong napa-atras ng malanghap ko ang malakas na pheromones na bumabalot sa kanila.
Is this Sarquael's pheromone? But it's to strong. Is he in heat? Nanghihina ang aking mga tuhod kaya napaupo ako sa lupa.
"Sir, you don't have to do this."
Lumapit ako sa puwesto nila kahit nanghihina ang aking mga tuhod, "Take us away in here Secruby, leave Sarquael to me." Sabi ko.
Nagdadalawang isip siyang tumango at lumipat sa diver seat. "Twinary, are you sure about this?" Tanong niya habang nanginginig ang kaniyang mga kamay.
Sumandal si Sarquael sa'kin pero iniwas ko ang aking mukha sa kaniya para iwasan ang pheromones na bumabalot sa kanya.
Kailangan ko magpigil hanggang sa makarating kami sa Lugar kung saan kami dadalhin ni Secruby.

YOU ARE READING
KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BxB]
RomanceA man who had dreams about his mother's health. A man with a golden spoon in his mouth is looking for a person whom can gave him kindness that day. ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶ I am his assistant He is my boss His the one whom cannot control nor stop the fl...