☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
*Booooooooooog!!!!!*
Anak nang tinapa!!! Sino ba yung tanginang nangbatok sakin?.!! Napahimas tuloy ako sa ulo ko.
Hindi lang niya alam na mas mahal ang ulo ko kaysa sa buhay niya. ˋ︿ˊ
"Good Morning ! ^_^¦¦¦." Nakangiting bati sakin ni Grace. Yun ba ang paraan niya sa pag greet?. Nangbabatok? Ganun?. Sino ba kasing nagpauso nun para mabatukan ko din.
"Ano naman ang good sa morning ko?." Nakakunot noo kong tanong sa kanya. "Close ba tayo? Kung makapangbatok ka jan muntik ng maapektuhan ang bulate ko. Alam mo bang 'child abuse' yun?." Napalakas tuloy ang boses ko. Ang sakit kasi eh. Sensitive ang kalansay ko no!!.
Lumapit pa ng kunti ang loko sakin. "Close tayo no! Ikaw kasi iniisip mo palaging naka open tayo. Para lang yang On and Off. Hindi tayo ON. We're Off este close." Aba napakasinungaling talaga. Hindi kaya kami close at isa pa hindi ko siya type. She's to simple otherwise, maganda naman si Grace, curly ang hair, morena, almond eyes, pointed nose but she's not really my ideal girl.
Okay back to reality. So nakita ko naman siyang nag cross arms.
Suminghap siya. "Grabeh ka naman Patrick. Di ka naba nasanay sakin?. Isa pa,child abuse ba yun? Ang O.A mo naman. Bakit bata ka ba? Lels. Nakakahiya ka ah!!." Sabi niya habang tumatawa na parang baliw lang.
Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang uniform niya. "Tama ka!! Hindi ako nasanay sayo!." Sabi ko. Pero ang totoo niyan paano hindi ako masanay sa kanya simula first year palang kami nun ganyan na talaga siya.