Prologue
Hindi ko maiwasan na mapahanga sa malawak na karagatan ng Centre ng Atalier. Maraming mga barko rin ang makikita sa pier. Kababa lang namin ng barko kasama ang asawa ng kapatid ko.
Ngayon araw ang kanilang Knight Ceremony kaya dumayo pa kami mula Busnion isang maliit na bayan sa norte.
It's been 10 years since I've been here. Dati kaming nakatira sa Centre ng Atalier. Lumipat kami ng tumigil sa pagiging Knight ang aming ama.
Tumingala ako sa kalangitan at dinama ang init na nagmumula sa araw. Naputol pagfe-feel ko sa atmospera ng bigla na lang humangin ng malakas kaya napahawak ako sa sumbrero ko at yinakap ng mabuti ang nasimulan ko ng iguhit na barko.
I tilted my head on the towering Castle of Atalier place on the top of hill where King and Queen live. Diyan rin magtatrabaho kapatid ko pagkatapos ng Ceremony.
Karamihan sa mga guhit ko ay iba't ibang ekspresyon ng mga taong nakasabay namin sa barko. Ang pinakamaganda ay si Cindy na abot langit ang ngiti dahil makikita na niya ang kakambal ko na asawa niya.
Cindy's husband is my twin brother. Maglilimang buwan na noong huli nilang pagkikita. Malapit na rin manganak si Cindy. Isang buwan na lang ay magiging tita na ako! Kaya kailangan magdoble kayod kami.
Kaya nga kahit malayo ay nag-apply bilang knight si Astro bilang knight dito sa Atalier dahil malaki ang sweldo. Sumailalim mona sila sa mahigit apat na buwan na training para malaman kung nararapat ba silang maging Knight.
Dahil magaling humawak ang kapatid ko ng espada ay nakapasa siya. Idagdag mo pa na napakagaling ng nagtrain sa amin. Yeah we both train in using sword. Mas magaling nga lang siya sa akin. Napilitan lang akong matoto dahil pinilit ako ni ama para raw maprotektahan ko ang aking sarili.
Wala naman akong pakialam kung mas magaling sakin sa pakikipag-espadahan ang aking kapatid dahil hindi ko rin naman iyon hilig. Mas gusto ko pang humawak ng pangguhit kaysa espada.
"Bilisan mo, Astrid! Hinihintay na tayo ng kapatid mo!" Excited na sabi ni Cindy habang hila-hila ako.
Napailing na lang ako,"Hindi mawawala ang kapatid ko, Cindy. Mag-ingat ingat ka dahil nasa tiyan mo pamangkin ko. Atsaka alam mo naman pinayuhan kana na ng healer na baka maging kritikal panganganak mo dahil unang subok mo pa at mahina ang katawan mo. Baka mas lalo pang mag-alala si Astro.,"
Napanguso na lang siya sakin," Oo na po. Magdadahan-dahan na."
Hinawakan ko ang kamay ni Cindy ng mapansin ko ng mas dumami pa ang tao. Nakapasok na kami sa maingay na market ng Atalier.
I saw some Knight with their family. Nasaan na kaya kapatid ko at hirap niyang hanapin.
"Astrid! Cindy!" Mula sa kumpol na tao ay lumabas si Astro.
Lumawak ang ngiti niya ng magtagpo mata nila ng asawa niya. Maging si Cindy na kanina na nakasimangot ay napangiti.
"Asawa ko!" sigaw ni Astro mula sa malayo.
"Asawa ko!" tugon naman ni Cindy na gusto sanang tumakbo pero hinawakan ko kamay niya.
Nang makarating si Astro ay saka ko lamang binitawan. Mas maganda ang sigurado. Baka kasi matangay ng tao.
Nagyakapan ang mag-asawang matagal na hindi nagkita. After their intimate scene in the middle of street my brother glance at me.
"Sinong bantay ni Ama?" He asked.
"Si Aleng Merna," sagot ko.
"Buti pumayag," aniya.
Ngumiwi na lang ako ng maalala ang hiningi niyang kapalit. I need to date her son once. Wala naman akong choice kungdi pumayag.
BINABASA MO ANG
The Prince Ran Away [Complete]
AdventureZander Atalier the mischievous and adventurous Prince of Atalier, run away from his father who wants to tie him with a woman and give his throne. Astrid Cosmic is just an ordinary lady who loves to draw however her mundane life become rollercoaster...