Flashback
Malapad ang ngiti ni Owen habang tumatakbo siya palapit sa akin. Pawisan pa siya mula sa practice. Ginulo niya ang aking buhok bago umupo sa tabi ko.
"Ugh! Kainis 'to!" Reklamo ko habang inaayos ang aking buhok. Ngumisi lang siya.
"Ikaw bestfriend a, kayo na pala ni Thairon, 'yung taga Engineering department. Iba ka din!" panunukso niya sa akin.
Actually, kahapon ko lang siya sinagot. Bigla ko tuloy naalala ang nangyare kahapon. Sobrang tuwa niya nang sagutin ko siya.
"Luh, kinikilig amp!" Sabay tulak niya sa braso ko nang mapansin niyang pangiti ngiti ako.
"Syempre, masaya lang ako no! Inggit ka lang kasi wala kang jowa" pinisil ko ang ilong niya. Mas lalo iyong namula, bilad kasi sila sa araw kaya namumula ang mukha niya.
Tinulak niya ang kamay ko at sumandal siya sa bench.
"Pero seryoso, magsabi ka lang sa 'kin kung sinasaktan ka niya o kung may gawin siyang kalokohan sa 'yo, a?"
Kumunot ang noo ko. Parang kuya ko siya kung umasta. Mula highschool, napaka protective niya sa 'kin, to the rescue siya palagi kapag may umaaway sa akin. Naalala ko pa noon, nung sinuntok niya yung boyfriend ko dati kasi may iba pala itong babae.
"Mukhang mabait naman si Thairon" sabi ko
"Alam mo naman na, halos lahat ng tao dito sa school, kilala ang Ama niya na isang basagulero dito noon. His father was a troublemaker—"
"And so? Hindi naman ganun si Thairon. Wala naman siyang bad records dito sa school. Hindi porket ganun ang Ama niya ay ganun na rin siya. Magkaiba sila"
"Malay lang natin, 'di ba? Hindi pa kayo gaano magkakilala, ayoko lang na masaktan ka sa huli" gusto kong matawa sa sinabi niya. Bigla kasi siyang nag seryoso.
"Alam mo, ang nega mo! Epekto siguro 'yan ng walang jowa" tinawanan ko siya.
Napailing siya at ngumiti." Baliw" sabi niya. "Ba't ka ba nandito? Hinihintay mo ako?"
Tumango ako. "at si... Thairon" tinaasan niya ako ng kilay.
"May kahati na pala ako sa'yo ngayun"
"Aww... selos ka?" Panunukso ko sa kaniya.
Magsasalita pa sana siya nang bigla siyang tawagin ng coach nila.
"Sige balik na ako dun, pero habang wala pa ang boyfriend mo, bilhan mo muna ako ng tubig at pagkain sa canteen. Nagugutom na kasi ako" sabi niya at tumayo. Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya
"Pera mo?" Sabay lahad ko ng aking kamay.
"Libre mo muna ako" sabi niya tsaka tumakbo papunta sa coach nila. Loko talaga 'yon!
Napairap nalang ako bago tumayo at naglakad papuntang canteen. Kainis! Inutusan pa ako. Habang naglalakad ako papuntang canteen ay bigla akong nakasalubong ng mga kumpol ng estudyante na kalalabas lang ng classroom nila. Napahinto ako at dumaan nalang sa gilid nang may biglang humawak sa kamay ko.
"San ka pupunta?" Napaangat ako ng tingin at nakitang si Thairon iyon. Parang tambol ang lakas ng aking puso nang magtama ang mga mata namin. Kinakabahan ako na kinikilig na ewan. Kahapon ko lang siya sinagot kaya naman hanggang ngayun ay kinikilig parin ako.
"uh, b-bibili lang ako sa canteen" sabi ko at pilit siyang nginitian. Shit! Bakit ba ako kinakabahan.
"Girlfriend mo Thairon?" Sabi nung isa niyang kaklase. Napatingin din tuloy ang iba pa niyang mga kaklase sa amin.