Kabanata 3

16.7K 364 258
                                    

Warning: SPG (hindi naman po 'to grabe. Bitin pa nga, e haha)

THIS IS STILL A FLASHBACK

Last week nangyare iyon pero hanggang ngayun ay hindi ko parin naitatanong kay Thairon kung para saan 'yong baril at kung sa kaniya ba talaga iyon.

Nag-away kami ni Thairon, I mean, inaway ko siya. Hindi kasi siya nag rereply sa mga text ko tas nung tinawagan ko naman ay nakapatay ang cellphone niya! Hapon na siya nag reply. He said sorry kasi daw busy siya sa Thesis nila. Hindi ko siya nireplyan. Nainis ako sa kaniya, busy din naman ako sa project ko, a pero nag eefort parin ako mag text sa kaniya tapos siya hindi niya magawa? Wala ba siyang break time?!

Gusto ko rin sana siyang tanungin tungkol sa anniversary namin. Kung anong plano namin, kung saan kami kakain o anong gagawin namin to celebrate our anniversary.

Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko dahil nilalamig ako. Medyo nahihilo din ako at ang bigat ng pakiramdam ko. Pinilit kong bumangon at agad akong nakaramdam ng pagkahilo. Hinawakan ko aking leeg.

Shit! Nilalagnat ako.Pinilit kong tumayo para pumunta sa banyo. Nag toothbrush ako at naghilamos. Lumabas ako ng kwarto at agad na bumungad sa akin ang mga nagkalat na papel sa center table, pati ang laptop ko ay nandun parin. Ang ibang lapis ko ay nasa sahig. Hindi ko pa natapos ang sketch ko kagabe. Napakamot ako sa aking batok at tamad na bumalik sa aking kwarto. Hindi ko inayos ang mga kalat ko sa sala dahil masama ang pakiramdam ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng drawer at umupo sa ibabaw ng aking kama.

I turned on my phone, hoping to see messages or missed calls from Thairon pero wala. Sinadya ko talagang patayin ang cellphone ko mula kagabe dahil naiinis ako sa kaniya.

Fuck! He forgot about our anniversary.

Binalik ko ang cellphone ko sa ibabaw ng aking drawer at humagulgol sa iyak. I expect him to text or call me. 'Yung kahit text man lang na 'Happy Anniversary' okay na sa akin 'yun pero wala! Mas lalo lamang dumagdag ang galit ko sa kaniya. Buong araw siyang walang paramdam sa akin tas nakalimutan pa niya ang Anniversary namin! Tangina niya.

Ba't nagsabay sabay pa? Nilalagnat ako, hindi ko pa tapos ang project ko na bukas na ang deadline,walang paramdam si Thairon tas mag-isa lang ako ngayun. What a fucking day!

Pinunasan ko ang luha ko at inabot ang aking cellphone. I need someone right now. Gusto ko ng makakasama o kausap. I need to call Owen.

Patuloy parin ako sa pag-iyak habang hinihintay ko siyang sumagot sa kabilang linya.

"Good morning bestfriend ko!" Agad kong narinig ang boses niyang puno ng sigla. I remained silent.

"Ang aga mo ata nagising?" Narinig ko ang ingay sa background. Parang marami siyang kasama.

"N-Nasaan ka?"

"Dito sa school. Tumawag ka ba para mag good luck sa'kin?" May bakas ng ngisi sa kaniyang boses.

"huh? Bakit? Anong meron?" Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang ilong ko.

"Championship game namin ngayun! Aalis na nga kami mamaya"

Nahulog ang balikat ko sa sinabi niya. Hindi pala siya makakapunta ngayun. May laro sila.

"Ba't ka ba napatawag? Tsaka ba't parang iba boses mo? May sakit ka ba? o umiyak ka?"

"uh, ano...m-maaga lang talaga ako nagising. S-Sige na, ibababa ko na. Good luck sa laro niyo!" I tried to sound joyful.

"No, don't end the call. Okay ka lang ba talaga?" He sounds worried. Hindi ako nakasagot.

Behind His Black Mask (Mafia Series #2)Where stories live. Discover now