Kabanata 2

19.4K 365 439
                                    

"Kamusta naman ang pag-aaral mo hija?" Tanong sa 'kin ng Mama ni Owen.

"Okay naman po Tita" nakangiting wika ko. Sinulyapan niya si Owen sa tabi ko bago niya muli akong tiningnan.

"e, 'yang anak ko? Nag-aaral ba 'yan ng mabuti?" She raised her brow to her son. Tiningnan ko si Owen at nag eenjoy lang ito sa pagkain niya tila ba walang pakialam na siya ang pinag-uusapan namin ng Mama niya.

"Okay naman po. Nag-aaral naman siya ng mabuti" totoo naman. Puro matataas ang marka ni Owen.

"Syempre naman. Magiging magaling na Engineer ako Ma. Ako nga gagawa ng bahay ni Ziela, e" pagmamayabang niya.

"huh?"

"Ako ang gagawa ng bahay mo sa susunod. Libre ka sa'kin, bestfriend " nakangising sabi niya sa akin. Tumawa ang Mama niya kaya naman tumawa na rin ako.

"e, girlfriend?" Tanong ng Mama niya. Umiling siya. Ako naman ang tiningnan ng Mama niya. Para bang hinihintay niyang magsalita ako kung nagsasabi ba ng totoo ang anak niya.

"uh, wala po tita. Wala siyang girlfriend, pero...may nililigawan ata siya" mabilis na tumingin sa akin si Owen habang may lamang pagkain ang kaniyang bibig.

"Imbento ka talaga kahit kelan!" si Owen

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Oh? Totoo naman, a? Si Livia? 'yung Law student? 'di ba type mo 'yon?" narinig kong mahinang tumawa ang kaniyang Mama.

Owen glared at me before looking on his plate.

"Crush ko lang 'yon pero mukhang suplada"

"Ang judgemental mo naman! kilalanin mo muna" sabi ko. He scratched the back of his neck annoyingly. Halatang ayaw niya sa topic.

Her mom cleared her throat to get our attention.

"Oh, tama na 'yan at baka mag-away pa kayo. Kumain nalang tayo. Saan ba kayo pupunta pagkatapos?"

"Sa condo ni Ziela. Gagawa kami autocad project " sabi ni Owen. Marahang tumango ang kaniyang Ina bago ito nagpatuloy sa kaniyang pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami ni Owen sa condo ko. Mabuti nalang at nilibre kami ng Mama niya ng lunch kanina. Hindi namin kelangan magluto sa condo.

Nang dumating kami ni Owen sa condo ko ay agad kaming gumawa ng projects namin. Nakaupo ako sa sahig habang siya naman ay nakaupo sa sofa.

"Anong oras ba ang uwi ni Thairon?" Tanong ni Owen sa likod ko.

"Mga 3 daw" sabi ko habang abala sa aking laptop. Tapos na kasi ang OJT nila at ang sabi niya ay dito daw siya didiretso sa condo ko.

"So, paano ba 'yan, kelangan ko palang umalis dito bago mag 3 " napahinto ako sa aking ginagawa at binalingan si Owen.

Okay lang naman na nandito siya, a. Anong masama dun?

"Why?" I asked him.

He smirked and looked at me. "Syempre mag be-bebe time kayo. Ayoko namang makaistorbo" I furrowed my brow more.

He sighed kasi parang 'di ko ma gets ang gusto niyang ipahiwatig.

"In short, ayoko makarinig ng ungol"

My jaw dropped. What the hell!

"Ang bastos mo!" Tumayo ako at hinampas siya ng throw pillow. Tumawa lang siya. Ewan ko, pero pakiramdam ko ay uminit ang mukha ko sa sinabi niya.

"Wait, hindi niyo pa nagagawa?" Panunukso niya kaya naman hinampas ko ulit siya. Umupo ako sa tabi niya at pinagkrus ang dalawang braso ko sa aking dibdib.

Behind His Black Mask (Mafia Series #2)Where stories live. Discover now