Kabanata 4

16.9K 365 309
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Thairon dahil may pasok pa kami. Nag panic pa ako kasi nakalimutan kong tapusin 'yong project ko tas hindi ko mahanap ang laptop ko! Dinala pa 'yon ni Owen kahapon.Hindi ko kasi na open ang cellphone ko kagabe at ngayung umaga ko lang nakita ang text niya.

Ako:

Thank you talaga. Iiyak na sana ako kasi nakalimutan kong tapusin 'yan tas ikaw pala ang gumawa.

Owen:

Actually, ginagawa ko iyon kahapon habang natutulog ka, sa condo ko nalang tinapos, alam ko namang hindi mo matatapos iyon kasi may sakit ka tas dumating pa bebe mo. Nakalimutan kong sabihin kahapon kasi dumating na si Thairon.

Napangiti ako habang binabasa ang mensahe ni Owen nang maramdaman ko ang kamay ni Thairon sa aking hita.Binalingan ko siya.

"Sino 'yan?" Tanong niya habang nag da-drive.

"Si Owen" sabi ko.

Ako:

Salamat talaga! Libre kita mamaya:)

Owen:

'Yan ang gusto ko! Hahaha syempre hindi ko hahayaan na bumagsak ka. Sabay dapat tayong ga-graduate!

Nilagay ko ang cellphone ko sa aking bag at binalingan si Thairon. Tiningnan ko ang suot niya. Bumili nalang siya kanina ng damit niya kasi wala siyang dala kahapon.

Lumapit ako sa ulo niya at inamoy ang buhok niya. Medyo gulat siyang napabaling sa akin.

"Ang bango ng shampoo ko" sabi ko nang makalayo na ako sa kaniya.

He laughed a bit." You should buy a shampoo for men next time"

"At bakit naman?"

"Para may gamitin ako sa condo mo kapag doon ako  maliligo or why don't you just live with me?" 

Napakurap ako sa sinabi niya.

"As in, live in?" He nodded.

Hindi ko maiwasang mapaisip kung sakaling titira nga kami sa iisang condo. Palagi na kaming magkasama, sabay kami lagi papunta sa school o siya palagi maghahatid sa akin kapag graduate na siya, ipagluluto ko siya palagi tas ako maglalaba at mag pa-plantsa ng damit niya sa work.

Gosh, para na kaming mag-asawa!

"hey," I snapped out of my trance when he called me. Nag-iimagine na naman ako.

"Is it okay with you?"

"Pag-iisipan ko pa siguro tsaka magpapaalam pa ako kay Mama"

"Okay" he smiled at me.

Hinatid ako ni Thairon sa classroom ko.Halos lahat ng mga mata nasa kaniya nang hinatid niya ako sa classroom namin.Nagtataka siguro sila ba't nasa Architecture department siya. Pagkapasok ko sa classroom namin ay pinagtinginan agad ako ng mga kaklase ko. Agad akong ngumiti nang makita ko sina Milan, Cassie at Abbie.

"Sana all, hinahatid" pagpaparinig ni Abbie. Ang ingay talaga niya. Mabuti nalang kaonti palang kami ngayun, hindi pa dumadating ang iba naming mga kaklase. Si Milan, nagbabasa ng notebook niya, si Cassie naman ay tinitirintas ang buhok ni Abbie.

"Kamusta na kayo ni Thairon?" Tanong ni Abbie nang umupo ako sa tabi niya.

"Okay lang" sabi ko. Actually, Masayang masaya. Parang hindi nga ako makapaniwala na mangyare sa amin kagabe!

Napalingon kami sa pintuan nang marinig namin ang malakas na tawa nina Dexter at Jaxon habang tahimik lang si Raymond sa likod nila.

"Hi girls!" Sabi ni Jaxon nang tumayo sa harap namin. Agad niyang ginulo ang buhok ko.

Behind His Black Mask (Mafia Series #2)Where stories live. Discover now