Mary Grace Castillo
"Grabe! Ganito talaga dito?" Hindi ko maalis ang paningin ko sa mga kababayan ko na nasa magkabilang-gilid ng dinadaanan naming overpass sa Central Hongkong.
"Sunday kasi, day off nila." Wika ni Leslie, kaibigan ko siya at teacher siya rito sa Hongkong, half pinoy-half Chinese siya. Pagkatapos ng college ay pinabalik siya ng Chinese mother niya sa Hongkong at dito na nga siya nakapaghanap ng trabaho. At ang nalalapit na kasal niya ang isa sa mga dahilan kung bakit ako naririto ngayon.
Kakarating lang namin ni Leslie mula sa Shenzhen. Dumating ako sa Hongkong kahapon at sa Shenzhen nga ako unang ipinasyal ni Leslie. Wala namang kakaiba sa Shenzhen, dinala lang kami ng tour guide sa isang store kung saan may mga iba't ibang products na galing sa bamboo ang ipinopromote at ibinebenta. Sumakay din kami sa Happy Monorail. Isa iyong loop line na dumadaan sa pitong istasyon at mula doon ay makikita ang mga iba't ibang theme park sa Shenzhen.
Bumaba kami sa station papuntang Window of the World. Isa iyong theme park na nagtatampok ng mga reproductions ng mga sikat na tourist attractions sa buong mundo. Kabilang sa mga nakita namin doon ay ang Eiffel Tower ng France, Taj Mahal ng India, Colosseum at Leaning Tower of Pisa ng Italy, Acropolis of Athens ng Greece, ang wall and clock towers ng Moscow Kremlin ng Russia, Buckingham Palace at Stonehenge ng UK, Angkor Wat ng Cambodia, Sydney Opera House ng Australia, Lighthouse of Alexandria at Pyramids and Sphinx of Giza ng Egypt, White House at Statue of Liberty ng USA at marami pang iba.
Pagkagaling sa Window of the World ay sumaglit din kami sa Splendid China. Isa din itong theme park kung saan makikita ang history, culture, art, at ancient architecture ng China. Para din itong Window of the World kung saan may mga miniaturized reproductions din ng mga tourist attractions sa China gaya ng Great Wall of China, Forbidden City, Temple of Heaven, Terracotta Army at iba pa. Sa kabuuan ay enjoy naman ang isang buong araw namin sa Shenzhen kahit papaano.
Kinahapunan ay bumalik na nga kami ng Hongkong. Sa airport kami ibinaba ng tourist van kaya kinailangan naming magtrain papunta sa Hongkong Central. Maganda ang MTR Aiprort Express, parang first class train at tatlo lang ang station – Tsing Yi, Kowloon at Central Hongkong. At dito nga sa Central Hongkong kami bumaba ni Leslie pabalik sa hotel na tinutuluyan ko. At dito nga ay nasaksihan ko kung paano lumilipas ang day-off ng mga Pilipinong nagtratrabaho dito.
"So every Sunday, nandito sila? Hindi ba bawal? Grabeng dami nila dito. Look, may nagmamanicure pa!" Nasabi ko.
"Ganun talaga rito, Grace. Dito sila nagtitipon-tipon kapag Linggo. Sinasabi nila lagi na 'punta tayo sa 'Pinas', ang ibig nilang sabihin ay dito iyon. Iyong World Wide Plaza na dinaanan natin, ang daming Pinoy doon na nagtitinda ng mga pinoy goods, foods at kung ano-ano pa na mga bilihin natin sa Pilipinas. At dito sa kahabaan ng overpass na ito sila nagtitipon-tipon. Nagkukuwentuhan, nagsasalo-salo sa mga pagkain, may nagbabaraha, may mga nagmamanicure at pedicure din, nagsising-along at kung ano-ano pa katulad ng nakikita mo." Kuwento ni Leslie.
Napatango ako. "Oo nga, may latag pa silang mga karton. At may tent pa ang iba. Libre ba rito?"
Nagkibit-balikat si Leslie. "Ang alam ko may bayad ito."
Napailing na lang ako. "Hindi ko mapigilang maawa sa kanila. Ang lamig-lamig tapos para silang mga kawawang nilalang dito."
"Sinabi mo pa. Akala ng ibang pamilya nila sa 'Pinas, puro pasarap lang sila kaya hingi lang sila ng hingi. Hindi nila alam ang hirap ng mga OFW dito." Naririnig ko sa boses ni Leslie ang sympathy niya sa mga kababayan naming nagtratrabaho rito. At iyon din ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 03: From Hongkong with Love (At Last!)
RomanceMeet Russell and Grace and see Hongkong! Marahil ay nakatakda si Grace na mag-isa kaya sa simula pa lang ay sinanay na siya ng tadhana upang mamuhay nang mag-isa. Karamihan sa mga taong minamahal niya ay iniiwan siya. Matagal nang ulila si Grace at...