Grace
"Cold?"
Tiningala ko si Russell. Kasalukuyan naming nilalakad ang mahabang entrance papasok ng Disneyland. Pero malapit-lapit na rin naman kami sa arko kung saan nakasulat ang Hongkong Disneyland Resort. "Oo nga, ang lamig dito. Twelve degrees lang yata." Makapal na ang jacket ko at may nakapulupot na ding scarf sa leeg ko pero nilalamig pa rin ako.
Katulad ng napagkasunduan namin, sinubukan namin na maging magkaibigan. Lumalabas kami, nagdidinner at gumagala sa kung saan. Nangako siya sa aking dadalhin niya ako sa magagandang lugar sa Hongkong at Macau habang nasa honeymoon pa sina Leslie at Thomas. Pumayag na rin ako lalo pa at mag-isa lang ako dito.
Isa pa, binigyan ako ni Russell ng pagkakataong makita ko pa ang mga bagay na hindi na ako magkakaroon ng tsansang makita pa muli. I admit, I also liked being with him. Masaya siyang kausap, may sense at lagi niya akong pinatatawa. Aaminin ko na sobra akong nag-eenjoy na kasama siya.
Tumango si Russell at bahagyang huminto. "December kasi ngayon, winter nila. Lalo na dito sa Disneyland dahil halos nasa bundok na tayo. Here," hinubad niya ang suot na coat at ipinatong sa balikat ko.
"Naku, okay lang. Nakajacket na naman ako. Masasanay rin ako," tinangka kong alisin ang coat niya sa balikat ko pero pinigilan niya ako.
"C'mon, keep that. Don't worry about me. Makapal ang balat ko." Biro niya.
Tumawa ako at walang nagawang hinapit sa katawan ko ang coat. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya pasimple kong sininghot ang coat. Aba'y napakabango!
"Better?" Nakataas ang isang sulok ng labi niya, mukhang nakita niya ang pagsinghot ko sa coat niya.
Tumango ako at ngumiti. Isinuot ko na ng tuluyan ang coat. Pakiramdam ko'y yakap ako ng maiinit na bisig ni Russell. May ganoong effect talaga? Natatawa lang ako sa naiisip kong kalokohan. "Thanks."
"No problem," wika ni Russell at nagpatuloy na kami ng paglalakad papasok sa loob ng gate ng Disneyland.
Nabaling sa paligid ang pansin ko noong makapasok na kami. Sa pinakagitna ay may railroad station at ang malaking-malaking mukha ni Mickey Mouse. Sa isang banda ay water fountain na may dolphin sa gitna at nakapatong sa itaas nito ang stone figure ni Mickey Mouse na nagsu-surfing.
"Let's go! Lumibot na tayo! Let's experience the fun-filled magic, adventure and the world's favorite cast of characters." I encompassed my hands around the place that made Russell laughed.
Una kaming pumunta sa Fantasy Land at totoong nag-enjoy ako doon. Gustong-gusto ko ang it's a small world, kung saan sumakay kami ng trail at inilibot kami sa buong lugar. Makikita doon ang mga costumed dolls ng iba't ibang kultura mula sa iba't ibang bansa sa saliw ng kantang It's a Small World. Nakita ko rin doon ang mga dolls na nakabarong at nakasaya at nasa labas ng isang kubo na tumutukoy sa kultura ng Pilipinas. Pumila rin kami ni Russell sa bawat garden para magpapicture kina Cinderella, Snow White, Mulan, Pluto, at sina Lilo and Stitch, Mickey at Minnie Mouse at iba pang Disney characters.
Sumakay din kami ng Mad Hatter Tea Cups na nagpahilo sa akin sa kakaikot ng tasang sinasakyan namin. Sa Toy Story Land naman ay nandoon ang attractions katulad ng Slinky Dog Spin, Toy Soldier Parachute Drop, RC Racer at iba pa. Nanggaling din kami sa Adventure Land, paborito ko doon ang Jungle River Cruise.
Entertaining ang guide namin at nakaka-enjoy ang pagsakay namin sa isang riverboat paikot sa jungle. Sa unang tingin nga, akala ko ay totoo ang mga hippos, elepante, cobra at nakakatakot na mga hayop sa gubat sa palibot ng lugar pero hindi naman pala at pawang mga replica lang.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 03: From Hongkong with Love (At Last!)
RomansaMeet Russell and Grace and see Hongkong! Marahil ay nakatakda si Grace na mag-isa kaya sa simula pa lang ay sinanay na siya ng tadhana upang mamuhay nang mag-isa. Karamihan sa mga taong minamahal niya ay iniiwan siya. Matagal nang ulila si Grace at...