Grace
"Ang ganda pala ng Hongkong at Macau Skyline." Wika ko habang nakasilip sa bintana ng helicopter. Noong umalis kami sa restaurant ay nagpasya na akong bumalik kami ni Russell sa Hongkong. Dalawang araw na rin naman kasi kami sa Macau. Ilang minuto na rin kaming walang imikan kaya nakatingin lang ako sa labas. Hindi kasi kami nagferry ngayon, hindi katulad noong una kaming pumunta dito.
Dinala kasi ako ni Russell sa Macau Ferry Terminal sa Outer Harbour kung saan naroon ang heliport, doon nag-ooperate ang Sky Shuttle, isang kumpanyang naghahatid sa mga tourist mula Macau hanggang Hongkong at vice versa. It is the largest commercial transport helicopter operator in the area with fleet of AgustaWestland AW139 helicopters, whatever that is.
"I'm glad you like it." Wika ni Russell.
Nagpasalamat ako at hindi na rin niya binanggit pa ang nagyari sa restaurant kanina. Nilingon ko siya, nakaupo siya sa harapan ko. "Kung hindi dahil sa 'yo hindi ko mae-experience ang helicopter flight. Salamat sa pagiging galante mo." Hindi naman kasi ako gagastos ng halos twenty thousand pesos para lang sa hindi lalagpas ng twenty five minutes one-way ride mula Macau hanggang Hongkong. At hindi lang iyon ang binayaran ni Russell dahil inarkila niya ang buong flight para kami lamang dalawa ang sakay ng helicopter na iyon.
Tumawa si Russell. "We can do this again tomorrow. Umaga naman para maexperience mo naman ng may araw."
Naiiling akong sumagot. "Hindi ba parang sobrang magastos na iyon?"
Nagkibit-balikat si Russell. "I have the money so why not spend it? Hindi naman ako nagtratrabaho para tipirin ko ang sarili ko. I'm just fortunate than most because I was born in a family with money. Pero pinaghirapan din naman ng pamilya namin na pagtrabahuhan ang mayroon kami. Isa pa, pera lang iyon, just material thing."
Hindi ako sumagot. Tama naman si Russell, pera lang iyon at hindi naman madadala sa hukay. Nasabi na sa akin ni Russell noong magtanong ako na may-ari ang pamilya nito ng mga chain of hotels at malls sa Pilipinas, airline, telecomm at beverage company. Choice niya kung saan niya gagamitin at gagastusin ang pera niya. Kahit noong papunta kami kanina sa Macau ay ang ferry na Premier Jet Foil ang sinakyan namin na nakadaong sa Hong Kong-Macau Ferry Pier na nasa isang bahagi ng Shun Tak Center, isang commercial and transport complex. Sa Jet Foil ay VIP cabin ang kinuha ni Russell na apat lang ang seats.
But to be honest, I enjoyed the exclusive and luxurious services provided by the five star ferry and the helicopter. Minsan lang sa buhay ko na maka-experience ng ganitong klase ng luxury. Hindi ko lang maiwasang manghinayang minsan, o kaya naman ay mapaisip na ibang-iba nga pala ang mundo namin ni Russell. He had all the money in the world to spend on whatever whims and caprices. Samantalang ako ay kung ano lang ang kailangan ko sa mga susunod na araw.
Ibinalik ko ang paningin sa labas ng bintana. Sa mga susunod na araw. Tama ilang araw na nga lang pala ang nalalabi sa akin, sa amin ni Russell. Pakiramdam ko ay may mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ko na lalong nagpagulo sa magulo ko ng damdamin. Pakiramdam ko din ay nag-iinit ang mga mata ko at may bumibikig sa lalamunan ko. Akala ko ay handa na ako sa anumang mangyayari.
Pero ang pagdating ni Russell sa buhay ko ay sobrang nagpabago ng anumang pinaniniwalaan ko. Gusto kong umiyak at humiling ng milagro. Gusto kong sisihin ang langit kung bakit kailangang magdusa ako ng ganito. Kung bakit kailangang makilala ko si Russell sa panahong nag-give up na ako at tinanggap ko na ang kapalaran ko. Bakit ngayon pa kung kailan akala ko ay handa na ako? Bakit ngayon pa kung kailan balot na balot na ng takot ang puso ko?
"Grace?"
Napalingon ako kay Russell. Hindi ko namalayang tinabihan na pala niya ako. He cupped my jaw and gently wiped my tears that were falling from my eyes.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 03: From Hongkong with Love (At Last!)
RomanceMeet Russell and Grace and see Hongkong! Marahil ay nakatakda si Grace na mag-isa kaya sa simula pa lang ay sinanay na siya ng tadhana upang mamuhay nang mag-isa. Karamihan sa mga taong minamahal niya ay iniiwan siya. Matagal nang ulila si Grace at...