Chapter Five

5.6K 112 0
                                    

Grace

"OMG! Ang ganda naman! Parang Renaissance era." Hindi ko mapigilang mapabulalas. Pakiramdam ko ay nakarating ako sa Italy kung saan may mga ganitong klase ng tanawin na dati ay sa internet ko lang nakikita. Murals of colorful paintings were scattered above. Nakatingala ako sa kisame habang umiikot upang makita ng mas maigi pa ang bawat larawan. Nasa Venetian Casino kami ni Russell ngayong araw. Ito rin ang una naming araw sa Macau.

Nagcheck-in kami sa dalawang kuwarto sa isang hotel dito sa Macau para hindi na kami bumalik sa Hongkong kaagad lalo pa at kulang ang isang araw para mapuntahan ang lahat ng pwedeng pasyalan dito. "Tipong mga Leonardo da Vinci, Michaelangelo, Raphael at Botticelli lang ang peg! Ang galing-galing lang!" Katulad ng Venetian Casino na nakapagpamangha sa akin, ilang lugar din sa Macau ang pinuntahan namin kanina ang talaga namang nakapagpahanga sa akin.

Kagagaling lang namin sa Wynn Macau kung saan nanood kami ng Water Fountain Show sa Performance Lake na nasa bukana lang ng entrance ng hotel. And that event was amazing. It features a beautiful combination of sound, lights, bursts of fire and water pyrotechnics. Sumasayaw ang nagtataasang tubig at kumikinang na apoy paitaas sa saliw ng mga classical at popular music pati ng mga Broadway tunes.

Pinanood din namin ang Tree of Prosperity at Dragon of Fortune show na ipinapalabas kada treinta minutos. Both shows were both magnificent. Ang Tree of Prosperity ay isang malaking-malaking puno na may halos ninety thousand na ginto at brass na mga dahon na sumisimbolo sa paniniwala sa pagtatagumpay.

Tumutubo at lumalaki ang puno mula sa isang centerpiece na may mga Chinese and Western astrological symbols, na sinasaliwan ng mga computer effects, light, music and video. Pagkatapos noon ay ang Dragon of Fortune show naman kung saan lumalabas ang isang malaking dragon mula sa sumasayaw na fog at umaakyat pataas na halos dalawangpung walong talampakan sa taas, kumikinang ang mga mata at may usok na lumalabas mula sa ilong ng dragon na may saliw din ng mga lightning and audio effects.

There is also a beautiful Lotus Blossom that opens twelve feet in diameter and produces a dramatic crystal light effect. Bago doon ay sinilip din namin ang malaking sculpture ng Lotus Flower In Full Bloom sa Lotus Square. Anim na metro ang taas nito at gawa sa gilded bronze. The base of the flower consists of twenty three pieces of red granite. Simbolo ito ng pagkakabalik ng sovereignity ng Macau.

Galing na rin kami sa City of Dreams. Isa rin itong mega-casino at hotel na maraming shopping facilities na matatagpuan sa Macau Cotai Strip area. May dalawa Itong theatre, ang una ay ang The Bubble, na nagsho-showcase ng The Dragon Treasure. Ang pangalawa naman ay Dancing Water Theater na nagpapalabas naman ng The House of Dancing Water. Una naming pinanood ang The House of Dancing Water. It presents the world's largest water extravaganza. This is a 270-degree theatre with sloped seating on three sides.

Hindi ko mapigilang ma-amaze sa show na iyon. May iba't ibang design elements ito katulad ng fire, water effects and atmospheric effects at mga dazzling costumes and record breaking acts. Pagkatapos noon ay nanood naman kami ng The Dragon Treasure. Isa naman itong multimedia presentation ng apat na hari ng mga Dragon na nag-eexplore sa misteryosong kapangyarihan ng mga Dragon Pearl at nagpapakita ng kanilang magical kingdoms. It all takes place at The Bubble, a dome-shaped theater specially built for this show. Nabilib din ako sa show na iyon at humanga sa presentation at sa mga special effects. And just like the rest, Venetian Macau is indeed one amazing place to visit.

"Well, they want to recreate Venice here. As much as possible, ito na ang pinakamalapit sa katotohanan na hindi ka pumupunta sa Italy. At may Gondola rides din dito doon sa manmade lagoon-like lake sa labas." Paliwanag ni Russell.

RANDY's Sweetheart 03: From Hongkong with Love (At Last!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon