Chapter Eight

5.4K 110 14
                                    

Grace

"Dahil isa akong imbalido. Malapit na akong mabulag, Russell. Baka nga magising na lang ako ng isang araw na wala na akong makikita. Habang dumadaan ang mga araw, unti-unti na akong nawawalan ng paningin." Habol ko ang hininga ng matapos akong magsalita. Noon, hindi ko pa iyon kayang sabihin ng malakas pero nang lumaon ay nasanay na ako. Wala na rin namang magbabago pa.

Shock was written all over Russell's face from my revelation. "W-what?"

Malalim akong napabuntunghininga. "Mayroon akong open angle glaucoma. Nasisira ang optic nerves ng mata ko na nagiging sanhi ng pagkabulag. Ang pagtaas ng pressure sa mata ang tuluyang nakakasira ng mga optic nerves na siyang nagdadala ng mga images sa utak natin. Kapag sira na ang mga nerves na iyon, saka nawawala ang paningin ng isang tao.

"Ikinokonsidera ang glaucoma na silent thief of sight. Katulad ng nangyari sa akin, hindi agad nalaman dahil wala naman akong naramdamang sintomas, walang pananakit o anupaman o panlalabo man lang ng mga mata. Nangyari na lang na nahirapan na akong makita ang peripheral visual field ko hanggang sa halos naging tunnel vision na lang ang nakikita ko, o ang mga bagay na nasa harapan ko lang ang malinaw kong nakikita.

"Iyong mga lugar na pinagdalhan mo sa akin, pilit ko iyong inaaninag kaya ko na-appreciate ang ganda nila. Naiisip ko na sana mas malinaw ang mata ko para mas makita ko ang kagandahan nila. Pero what if's na lang iyon. Ang dami ko ng test na pinagdaaanan, sinubukan ko na rin ang eyedrops, lasers at surgery, mga temporary treatment dahil wala pa namang gamot sa glaucoma, pero walang nangyari.

"Napakabilis ng pagtaas ng intraocular pressure sa mga mata ko, at ang ibig sabihin nga noon ay ang mabilis ding pagkamatay ng mga optic nerve fibres sa mata ko. And sooner or later, it will lead to blindness. Wala na akong magawa kung hindi tanggapin na lang ang kapalaran ko. At nararamdaman ko na malapit na akong alisan ng paningin. Puwedeng mamaya, bukas, sa isang linggo o sa isang buwan.

"Pumunta ako dito sa Hongkong dahil hindi ko gustong palampasin ang kasal ni Leslie. At the same time, ma-experience at masilayan ang mga bagay na hindi ko na makikita pa balang-araw. I was thankful when I met you. Dinala mo ako sa mga magagandang lugar. Kapag hindi na ako nakakakita, ipipikit ko lang ang mga mata ko para alalahanin ang mga pinuntahan natin."

Hindi sumagot si Russell, naisuklay lang niya ang kamay niya sa buhok. Then he sighed deeply. "Noong una tayong magkakilala, iyon ba ang dahilan ng pagkahilo mo?"

Tumango ako. "Habang nakatitig ako sa painting, biglang nagblack-out ang paningin ko. Akala ko nga pagmulat ng mga mata ko, wala na akong makikita. Pero sa unang pagmulat ng mata ko, andoon ka. Puno ng pag-aalala ang mukha mo. Hindi mo maiisip ang pasasalamat ko ng mga oras na iyon, pakiramdam ko binigyan pa ako ng extension sa maliwanag na mundo.

"Pero hindi ko alam ang totoong dahilan ng padating mo sa buhay ko. Hindi ko maintindihan ang attraction ko sa 'yo. Hindi iyon dapat mangyari. Hindi ko na kasi ine-expect pa na sa puntong ito ng buhay ko, may darating pa na isang lalaki na mamahalin ko. Tumalikod na ako sa pagmamahal.

"Ilang beses na kasi akong nasaktan, nagmahal ako pero iniwan lang nila ako noong malaman nilang malapit na akong mabulag. May isang hindi agad umalis, akala ko siya na ang hinihintay ko pero awa lang pala ang mayroon siya para sa akin. Iisa lang ang dahilan nila, hindi nila gustong mag-alaga ng bulag habang-buhay. Hindi nila gusto ang buhay na iyon."

"They didn't love you if they can't stay." Tahimik na sagot ni Russell.

Mapait akong ngumiti. "Do you love me enough to stay?"

Hindi siya sumagot, blangko ang mukha niya at nanatili lang siyang nakatitig sa akin.

Itinago ko ang sakit na nararamdaman ko dahil sa reaction niya. Sa kawalan pala niya ng reaction. "Hindi ko nga inaasahang magkikita pa tayo. At katulad noong una, hindi ko na gustong palawigin pa ang pagkakakilala natin. Alam ko kasi na baka matutunan lang kitang mahalin pero ako rin ang masasaktan sa huli. Na aalis ka rin kapag nalaman mo ang kapansanan ko. Sobra na akong napaso na balot na balot na ng takot ang puso ko at hindi ko alam kung paano tutunawin iyon. Hindi ko na gusto pang sumugal."

RANDY's Sweetheart 03: From Hongkong with Love (At Last!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon