T E A R 28

592 10 7
                                    

                                Have fun

NAIH-

Nasa dining kami ngayon. Ilang araw na ang lumipas mula ng mag-mall kaming apat kasama si Isla at Vinn.

Nameet din namin ang kaibigan nila Lake na si Killian.

Simula nang makasama ng mga bata si Lake walang araw na hindi masaya. Katulad ngayon maganang nagku-kuwento ang kambal kay Lake hanggang sa dumating na ang pagkain namin.

"Kyo, Ryo" tawag pansin ko sa dalawa.

"Yes po"

"Do you remember, kuya Rake?" Ilang linggo ko na rin hindi nakikita sila Rake dito.

"Opo!! I miss kuya Rake!"

"Oo nga pala, what happened to Rake?" Tanong ko kay Lake.

"I gave them time to enjoy their off"

"Kasama si Rake sa nag-off? Pumapasok 'yon ah" hindi na nagsalita si Lake, ganoon din ako.

__

Hanggang ngayon inaalala ko pa din ang sinabi sa akin ni Natalie.

Nang hindi na ko makatiid idinial ko ang number niya pero walang sumasagot.

Ilang beses ko siya sinubukang tawagan, ganoon pa din ang resulta. Walang sumasagot.

Nagdecide akong puntahan si Lake.

Nagprepare ako ng pagkain niya sa tulong ni Isla na pakalat kalat lang.

"Bakit mo pala gusto puntahan si Lake?" Tanong nito sa'kin habang gumagawa ng karage (japanese fried chicken, breast part, I think? )

"Wala, gusto ko lang siya makita"

"Hindi kita masasamahan dahil may gagawin ako. Vinn will accompany you" sabi nito at inilagay na sa lalagyan ang mga niluto niya at lumabas ng kusina.

Pagkatapos ko i-prepare ang mga kailangan ko. Umalis na din ako.

Nasa labas na ng bahay si Vinn at naghihintay sa tabi ng sasakyan.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat seat at umikot sa driver seat.

Naninibago ako sa katahimikan. Normally, pagkasama ko si Vinn maingay siya pero ngayon ang lalim ng iniisip niya para bang may malaki siyang problema.

"Vinn?" Tawag pansin ko dito. Mukhang hindi niya ako narinig dahil hindi man lang siya lumingon sa puwesto ko.

"Vinn" tawag ko ulit dito. Naka-ilang tawag ako sa kaniya bago niya ako tingnan.

Tumikhim muna siya bago pa magsalita.

"Yes?" Tumingin lang siya saglit sa akin at ibinalik na sa harap ang paningin.

"Okay ka lang ba? Sobrang tahimik mo ngayon?"

"I'm fine. May iniisip lang. Don't mind me" tumango ako at ibinaling na lang sa bintana ang atensiyon.

_

Nakarating na kami sa company ni Lake. Nagpaiwan si Vinn sa sasakyan. Pinapasok naman ako ng mga guard dahil kilala na nila ako. Ang problema ko na lang ay ang secretary ni Lake na mainit ang dugo sa akin.

Pagdating ko sa floor kung nasaan ang office ni Lake. Wala ang secretary niya sa position nito. Hindi na ako kakatok dahil surprise kay Lake ang pagpunta ko dito.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko ang familiar na boses ng nakatatandang kapatid ni Natalie, Rana.

"Bakit ka ba nakipag-ayos pa sa babaeng 'yon? Nandidito na naman ako" base sa boses ni Rana halatang galit ito. Kung sino man ang tinutukoy nitong babae? Sa tingin ko, ako 'yon.

Unwanted MarriageWhere stories live. Discover now