T E A R 3

1.3K 29 0
                                    

⚠ ERRORS AHEAD ⚠

NAIH

"Saan ka pupunta?" Tanong ni kuya Rade ng makitang bihis na 'ko. Nadischarge na ako kagabi.

"Ngayon na daw ang kasal ko kuya" Sabi ko, kumunot naman ang noo niya.

"Akala ko ba, next week pa ang kasal. Bakit binilisan nila?"

"Hindi ko po alam" Napa'tsk' si kuya.

"Momma, where you going po?" Tanong ni Kyo na hawak hawak si Ryo sa kamay at nagkukusot pa ng mata. Hindi ko alam anong sasabihin sa kanila. Hindi naman kasi pwedeng sabihin kong magpapakasal ako kahit 'yon naman talaga ang totoo.

"You're mom will visit your grandmother" Sabi ni Kuya. Hindi ako tunay na anak ni mama. Kuya and Rave are my brothers sa father side.

"We want to come po, momma"

"Hindi pwede baby" Nalungkot naman ang mukha ni Kyo si Ryo naman ay sumandal kapatid at humikab. Antok na antok pa ang baby ko.

"But momma we want to come po" Malungkot niya pang sabi.

"Next time na lang baby" Malungkot na tumango si Kyo.

"Take care po momma. Call 'to Den if someone bully you and we will come in a jiffy" Sabi pa niya bago naglakad paalis habang hinihila ang kakambal.

"Overprotective ang mga anak mo, ate" Sabi ni Rave na kagigising lang. Nang mapansin nitong nakabihis siya ay kumunot ang noo nito. "Sa'n punta mo?"

"Kasal"

"Kasal nino? Wait, kasal mo?" Tumango ako. "Ang aga naman 'yata. Saan ba kayo magpapakasal ni Vermonte?"

"Hindi 'ko alam"

"Sa judge lang siguro. Ang cheap naman ng mga Vermonte hindi kaya ng engrandeng kasal" Sabi ni Rave at umiling.

Bakit pa kailangan ng engrandeng kasal? Substitute lang naman ako.

Substitute lang.

Gusto ko 'yang sabihin pero pag nalaman nila Kuya na ginawa akong substitute paniguradong magagalit sila kaya sa'kin na lang muna 'yon.

"Anong oras ba kasal mo?" Tanong ni Kuya.

"Twelve noon" Tumingin sila ni Rave sa wall clock na nasa taas ng tv.

"Ten palang. Excited ka masyado" Sabi nilang dalawa at pumasok sa loob ng kusina.

"Momma!" Humahangos na lumapit sa'kin si Ryo.

"Bakit baby?" I asked and carry him in my arms.

"Aalis ka daw po sabi ni Kuya Kyo" Nakapout na sabi ng bunso ko.

"Pipigilan mo ba si Momma?"

"No po. Kuya said baka daw important ang lakad mo kaya magstay na lang daw po kami dito" Sabi niya. Aww my babies ang liit liit pero mga matured na kung magisip. "Momma ingat ka po ah. Tapos buy mo po kami ni Kuya ng toys"

"What kind of toys you want me to buy" Nag-act na parang nag-iisip si Ryo. Ang cute!

"Toy car po, momma!"

"Me too, momma! I want toy car po!" Si Kyo na biglang sumulpot kasunod niya sila kuya.

"Hahatid ka namin" Sabi ni Kuya. Tumango lang ako hindi naman ako pwedeng humindi dahil pipilitin at pipilitin nila ako.

"Magsiligo na nga kayo" Sabi ko sa kanila.

"Bakit mabaho na ba kami?" Si Rave na inamoy amoy pa ang kilikili.

Unwanted MarriageWhere stories live. Discover now