T E A R 1

7.7K 52 9
                                    

⚠ ERRORS AHEAD ⚠

NAIH

"You need to marry him!" My mom shouted.

"I don't want to!" Yes, I want to marry him.

"You don't have a choice!" Yes, I don't have.

"Bakit ba hindi na lng si ate ang ipakasal mo. She love him and he love her too" I love him, too.

"Ayaw nga ng pamilya niya sa kapatid mo!!"

"Edi hintayin niyo na tanggapin sya, hindi ko naman kasalanan na ayaw sa kaniya nila tita at sakin gusto!" Nabigla ako ng lumapat ang palad ni mama sa pisngi ko. Masakit? Oo, masakit... pero anong magagawa ko?

"Makinig ka ng mabuti Naih! Magiging magasawa lang kayo sa papel!" Gusto kong maging asawa nya ng bukal at hindi napipilitan! Naiiyak na ako pero pinipigilan ko.

"Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka sa kaniya" Iniwan ako ni mama sa sala. Napaupo ako sa sofa at nagsimulang tumulo ang luha ko.

"Naih, ayos ka lang ba?" Nagtaas ako ng tingin. Nakatayo sa harapan ko si nana Emi.

"Ok lang po ako nana" Pinunasan ko ang luha kong dumadaloy sa 'king pisngi.

"Tumawag si Raven. Hinahanap ka na daw ng mga anak mo" Sabi ni nana at hinimas ang likod ko. "Kung ano mang pinagdadaanan mo anak, 'wag na 'wag kang mawawalan ng pagasa" Tumango ako.

"Uuwi po ako sa bahay nana"

"Tatawagan ko si Haden para sunduin ka" Umalis na si nana. In a few weeks ikakasal na 'ko... ikakasal na 'ko sa taong mahal na mahal ko.

"Hoy bruha! Nasaan yung dress na binigay sa'yo ni dad?" Tanong ng nakatatanda kong kapatid.

"Bakit?"

"Tinatanong mo kung bakit? Of course! Gagamitin ko! Hindi mo naman kailangan 'yon kaya akin na!"

"Pero sa 'kin binigay ni dad 'yon" Hindi na 'ko nagulat ng hilain niya ang buhok ko.

"Sumasagot ka na ngayon? Gusto mo 'yatang masaktan" Itinulak niyo 'ko sa sahig. "Umayos ka Naih" Iniwan niya ako. Bakit ba nangyayari sa'kin 'to? Wala naman akong ginagawa masama. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa maids quarter.

"Naih anong nangyari sa'yo? Bakit ganiyan itsura mo? Inaway ka na naman ba ng bruha mong kapatid?" Salubong sa'kin ni Seka.

"Okay lang ako Seka" Inayos ni Seka ang buhok ko.

"Saang banda ka okay? Tarantado talaga 'yang kapatid mo kung hindi ko lang siya pinsan baka binasag ko na mukha niya" Galit na sabi ni Seka at sinipat sipat ang mukha.

"Ano ka ba Seka" Napabuntong hininga ito.

"Narinig ko kay nana na ikakasal ka daw kay Vermonte" Natahimik ako. "Alam kong pangarap mo 'yon. Bata palang tayo may gusto ka na kay Vermonte kaso ang impakta mong kapatid laging umeepal"

"Wala naman akong magagawa"

"Anong wala!?"

"Alam mo namang nagiingat ako"

"Takot ka bang malaman nila ang tungkol sa a-"

"Seka!" Sita ni nana kay Seka at sumenyas na manahimik.

"Baka marinig ka ni Natalie" Umupo si nana sa kama ko. Oo, kama ko. Sa maids quarter ako natutulog dahil 'yon ang utos ni mama at pati na rin ni Natalie.

"Naih" Bumukas ang pinto ng maids quarter at pumasok si Tess.

"Bakit Tess?" Tanong ko sa dalaga.

Unwanted MarriageWhere stories live. Discover now