Chapter 3

198 43 36
                                        

Si Qiana Galvez po yung nasa picture :)


////////////////////////


Qiana's POV

Naglalakad ako nun sa corridor nung makita ko si Fawn kasama yung sinasabi niyang Calvin.


Minsan tuloy naguguluhan ako kung kanino ako bo-boto. Kung sa FaVin o CalBrina.


Nagtataka kayo kung kaninong combination ng names yun no? Hehe. Gawa-gawa ko lang yan. Hehe.


Medyo busy ang mga teachers ngayon dahil sa pag-preprepare ng exams. Yung iba sa amin, nag-aaral na pag walang klase sa ibang subjects pero ako, lumalabas-labas lang at ginagawang park ang campus. X)


Tapos ayun na nga, nakita ko kanina si Fawn at Calvin. Nag-uusap lang naman sila at hindi mo namang mapaghihinalaang may tinatago kaya umalis na din ako agad. Gusto ko sanang makinig sa usapan nila kaso wala akong mapagtataguan na malapit sa kanila eh. Tsk. Sayang.


"Miss Galvez?" Napatigil ako sa patalon-talon ko habang naglaluakad nung tinawag ako ni Miss De Castro.


"Yes po?" Sabi ko sabay lakad palapit sa direksyon niya.


"Pakitignan naman si Mr. Alford sandali." Wow. Mukhang magiging ladyguard ako ngayon ah.


"Sure po. :D" Nagpasalamat siya sakin at may mga ibinilin na mga dapat kong gawin.

Sinabi niya sakin na hindi daw pwedeng palabasin si Mr. Alford until 5. Di rin daw dapat ako madala sa mga kalokohan niya. Napaisip nga ako dun sa pangalawa eh. Bakit kaya? Hmmm..


Pumasok nalang ako sa School's Detention office. At napatingin agad sakin yung lalakeng si Mr. Alford daw na may sugat sa pisngi pero agad ding tumingin sa ibang direksyon. Mukhang siya nalang ang natira dito ah? Marami naman kasing bumabagsak dito araw-araw eh.


Nahiya naman ako sa pwesto niya na nakasandal sa pader at yung dalawang paa niya na relax na relax din kasi nakapatong sa upuan sa harap niya. Kaya umupo din ako malapit sa pinto, kumuha din ako ng isa pang upuan para patungan ng mga paa ko. Sakto! Sinabi sakin ni Miss De Castro yung password ng wifi. Pambawi naman daw sa pagiging mabuti ko. Hihi.


"Hey, you want to go out with me?" Napatingin naman ako kay Mr. Alford na nagpapa-gwapo.


"Tapos na akong maglibot-libot sa campus kaya pass nalang ako." Sabi ko sabay tingin ulit sa phone. Mukha namang na-badtrip pero hindi pa rin tumigil sa pagpapa-gwapo niya. Pfft. Hula ko gumagawa ng mga paraan yan para makalabas.


"Hahahahaha!!" I burst out laughing nung kinagat niya yung lower lip niya. Haha. Parang- parang bakla eh. XD


"What the? What's funny?" Takhang tanong niya. Pfft. Baka masaktan ko damdamin ng baklang to kaya magsi-sinungaling nalang ako.


"Yung pinapanood ko kasi. Haha! Laughtrip!" Tinarayan nalang niya ako. XD Parang bakla.

I don't want to lose youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon