Fawn's POV
Qiana has been texting me all day. She needs my help daw kasi. I don't have an idea what kind of help ang kailangan niya pero I'm so sure.. It's about lessons or projects.
I can't help her by now 'cause I'm still busy. And we have are class too.
"Fawn, ikaw daw gumawa nun." She pointed the laptop at the desk near us then crossed her arms.
Seriously? It feels like ako lang at si Dave ang gumagawa ng lahat (Yes, si Dave. Awkward but I have to do it) Kung hindi lang ako mabait.. Tss.
I was about to type when I felt my head ached. Kunting massage lang sa ulo wala na 'yan, Fawn.
"Hindi 'yan madadala sa ganyan lang." I stopped nung may naglagay ng gamot at water sa desk, then I realized that it was Dave.
"Thanks." Back then, he was a spoiled boy but he change because of me. So is he returning the favor? That's why he's being nice to me since I was transfered to this class?
You know, I do thank him for returning the favor even I didn't ask him for that. But something's missing. Sana bumalik ang nararamdaman niya for me. Pero hindi na ulit mangyayari 'yun.
"Are you done?" Mataray na tanong ni Alice. What's her problem? Affected pa rin ba siya dahil sa pagkakaroon ko ng relasyon kay Dave? She's lucky nga kasi siya na ang mahal ni Dave ngayon.
"Not yet." I answered while typing.
"Ang bagal-bagal mo naman. Tss." This girl! Kung siya kaya ang gumawa nito?!
"If you want to have a good grade for this activity just sit down there, stop whining and shut up." I tried to calm myself while saying those words 'cause I might disturb the other groups.
"Dave--"
"Yeah she's right. Kanina ka pa walang ginagawa kaya 'wag ka nalang mag-reklamo." See? Kinampihan pa ako ng boyfriend niya. Now, I can work peacefully.
Qiana's POV
"Okay. Tapos na Sab--" Asan na 'yun? Akala ko ba aantayin niya ako.
"Cathy, nakita mo ba si Sabrina." umiling siya at umalis na. Haayy! San ba kasi nagpunta yun? Hahanapin ko nalang muna.
Ang dami pa namang tao. Tapos ang tataas pa nung iba. Ayun!
"Makikidaan po. Hehe"
"Ang bastos nitong babaeng 'to." Papatulan ko sana yung nagsabi nun kasi parang freshman palang kaso kelangan kong habulin si Sabrina.
"Hoy! Sab! Antayin mo naman ako!" Ano ba kasing problema nito? Kanina pa ako hindi pinapansin, kanina pa siya lutang at parang walang naririnig.
"Teka lang miss." Napatingin ako sa taong humawak ng braso ko. Sino naman kaya 'to?
"Baka masagasaan ka." Dun ko lang na-realize na muntikan na nga akong masagasaan kasi tatawid na sana ako kahit may mga sasakyan pang dumadaan.
"Oo nga.. Sige alis na ako." Kakaripas na sana ako ng takbo kaso di pa rin niya ako binibitawan.
"Mamaya na, marami pang sasakyan na dumadaan. Hinahabol mo din ba si Sabrina?" Paano naman niya nalaman na si Sabrina hinahabol ko? Tsaka bakit kilala niya si Sabrina
"Sino ka ba ha?" Tinanggal ko na kamay niya sa braso ko kasi nakakatakot na siya makatingin, parang gwapong rapist.
"Kaibigan ni Sabrina." Ows?
"Talaga?" Suplada kasi si Sab. Pero sabagay, gwapo siya kaya posibleng pansinin siya ni Sab.
"Yup."
May itatanong pa sana ako sa kanya nang maalala kong hinahabol ko pala si Sab.
"Oo nga pala! Si Sabrina!" Patay! Di ko na siya makita! Tapos mas dumami pa yung tao. OH MY!!
"Tara na!" Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila. Ngayon lang may humawak sa kamay ko.. Na lalaki except kay papa at Matt.
Hala, asan na ba kasi si Sabrina? Ang dami nang pasikot-sikot sa lugar na 'to.
"Pano na 'yan?" Napa-tampal nalang ako sa noo ko habang siya nag-iisip.
"Maghiwalay nalang tayo. Dun ka sa kanan, ako, dito sa kaliwa." Sa kanan? Pero may mga aso. Naalala ko tuloy yung experience ko na habulin ng asong kalye. Ayoko nang maulit yun 'no! Na-trauma na ako dun!
"Ayoko." Sabi ko habang umiiling-iling.
"Bakit? Kasi maraming aso?" Tumango ako habang kagat-kagat ang lower lip ko.
"Kaya mo na 'yan!" Aalis na sana siya pero hinawakan ko yung polo niya, dahilan para tumigil ulit siya.
"Bakit nga ba natin hinahabol si Sabrina? Sigurado namang nasa bahay lang nila siya?" Tama nga naman siya. Pero kilala ko kasi yan si Sabrina eh. Pag may problema, lumalayo yan. Katulad nalang nung party.
Buti nga nasa labas lang siya ng bahay nila Cathy nun.
"Pano nalang kung hindi pala siya umuwi?" Kilalang-kilala ko na si Sab. Hindi talaga mapagka-katiwalaan yan. Noon pa! Naalala ko pa nung nag-promise siyang hindi niya akong iiwan na mag-isa sa girl's CR sa ibang school, pero ako naman itong si uto-uto naniwala naman.
Oh see? Wala talaga akong laban sa kabutihan ni Sabrina. Tsk
"Tanungin mo nalang parents niya. Nag-aalala na talaga ako."
"Ako nga din-- Teka lang, kung makapag-salita ka parang ikaw yung bestfriend ah. Magka-kilala na ba kayo dati ha? Alam mo ba mga favorites niya? Alam mo ba kung sino ang first crush niya ha?" Nawawalan na ata ako ng role dito. Sasapakin ko na talaga 'to pag umagaw sa role ko.
Umiling-iling lang siya habang nakatakip ang mukha. Feeling gwapo!
Sabagay, gwapo naman talaga.
"Ano na sabi nung parents niya?" Tatanungin ko pa sana siya ulit tungkol dun sa pag-aagaw niya ng role ko sa buhay ni Sabrina kaso parang mai-stress lang ako. 'Wag nalang
"Wait lang ha? Nakakahiya naman kasi sa'yo." Hinanap ko yung phone ko pati sa bulsa ko. Pero walapa rin. Siomai!
"Pahiram nung sa'yo." Mabuti nalang magaling akong magpanggap kaya parang hindi niya nahahalata.
"Wala sa'yo phone mo?" Waaaah! Pano niya nabasa isip ko? Baka naman namatay na 'to tapos binuhay ulit tapos naging abnormal yung utak katulad ng sa "The Lazarus Effect". 'Wag naman po sana.
"P-paano mo nalaman?" Tanong ko habang pinipilit ngumiti.
Hindi niya pinansin ang tanong ko kasi naka-focus na siya sa ibang bagay. Hinanap ko kung saang direksyon siyang nakatingin.
"Ayun!" Ha?
"Anong "ayun" ba yan?" At ulit, 'di niya pinansin ang tanong ko. Nabingi na ba siya?
Teka, si Sabrina yung babae na nakatayo sa harap ng kotse ah. OHMYGAWD! Mas binilisan ko ang takbo ko kaya na-unahan ko siya.
"Sabrina!" Sabay naming tawag sa kanya. Bakit ba kasi siya nasa kalsada?! Tapos umiiyak pa.
Ano ba talagang problema niya? Bakit hindi niya sinasabi sa akin? Andito naman ako.
///////////////////////////
Wew. Ang tagal ko na palang hindi nag-uupdate. Mianhe. Hehe. Please keep supporting po, para hindi malungkot si Sabrina, Calvin, Fawn, Qiana, Shane, Dave at si unknown guy. Thank you!!
Lovelots..
~Gee
![](https://img.wattpad.com/cover/38243668-288-k957550.jpg)
BINABASA MO ANG
I don't want to lose you
Romance~~~~ Hindi pa po talaga ako nakakatapos ng story. Ilang ulit na rin po akong nag-try na tapusin yung mga ginawa ko noon. Please.. Suportahan niyo po ako para matapos ko to. Hope you like it.. Hehe !!!PAALALA: Bukod sa main genre (ROMANCE) ng story...