Calvin's POV
Palagi kong nararamdaman 'to pag kasama ko siya. Pero syempre, kailangan di ako magpa-halata.
Nakatitig lang ako sa kanya habang natutulog siya. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Gumalaw ang kamay niya kaya mabilis akong umayos ng upo.
"Calvin? Asan na yung mga classmates natin?" Oo nga pala, wala na palang tao dito. Kami nalang.
"Umuwi na."
"Ano?! Bakit di mo ako ginising?- Teka, si Qiana? Andito pa ba siya?" Medyo dumidilim na rin. Hindi ko napansin yun ah.
"Ang himbing kasi ng tulog mo. Sorry, umuwi na rin siguro si Qiana." Napa-upo at napa-nguso nalang siya dahil sa sinabi ko.
"Pano na yan? Wala na akong kasabay. Kung bakit naman kasi natulog ako!" Napatawa ako nung ngumuso ulit siya kaya napa-lingon siya sa'kin.
"Bakit ka tumatawa?" Ngayon parang naga-galit na siya. Pfft.
"Wala. Tara umuwi na tayo." Maglalakad na sana ako palabas nang pigilan niya ako.
"T-teka lang, yung drawing pala.. Wala lang yun. Wag mo nang isipin yun." Sinasabi ba niya yung drawing na binigay ni Qiana?
"Ahh.. Yung Adventure time ba na dinrawing ni Qiana?" Actually, sa una hindi ko naintindihan kung anong mga cartoon characters yung nasa drawing na yun. Mga cartoon characters lang pala ng Adventure time..
"Pa-paanong? Adventure time?" Bakit parang naguluhan siya?
"Yup. Tara na? Guma-gabi na kasi." Tumango nalang siya at lumakad palapit sa akin. Pero parang may papel na naiwan dun sa upuan niya kaya nilapitan ko yun.
Drawing din? Pero bakit may pangalan naming dalawa ni Sabrina? Napa-ngiti nalang ako habang tiniti-tigan yung drawing. Ito na siguro yung pinaka-magandang drawing para sa'kin.
"Pwede ko bang hingin 'to?" Sabi ko sabay pakita nung drawing. Nanlaki ang mga mata niya nung makita niya yun. Ngayon palang ba 'to nakita?
"Sige. Sayo nalang yan." Tumakbo siya agad palabas ng classroom? Susundan ko na sana siya nang makita kong may lumapit sa kanyang lalake.
"Sabrina, madilim na. Bakit andito ka pa?" Sino naman kaya 'to?
"Sino ka?" Hindi naman pala siya kilala ni Sab, tapos kung maka-lapit- Tss. Hayaan na nga lang.
"Ako yung lalake'ng naka-bangga mo noon." Halatang naguguluhan si Sabrina sa mga sinasabi nung lalake. Baka naman nagsi-sinungaling lang 'to?
"Sorry hindi ko na kasi maalala." Kita niyo na? Hindi naman pala kilala. Tss.
"Ako yung lalake'ng-" Lumapit na ako agad sa kanila at pinigilan na siyang mag-salita.
"Hindi ka nga daw kilala. Tss. Tara na Sab." Hihilain ko na sana si Sabrina nung pinigilan niya ako.
"Teka naalala ko na. Tama! Ikaw yung lalake'ng naka-black, ikaw yung gwapong lalake na naka-bangga ko nung summer." Ano daw? Gwapo? Baka naman gwapo sa mga pinaka-panget. Tss.
"Pfft. Oo, ako nga yun." Sabi na eh. Wala pala 'to! Gwapo sa mga pinaka-panget? Haha.
"Sorry kung di ko naalala agad ah. Hehe. Sorry talaga-"
"Alis na kami." Pag-pigil ko sa mga sinabi niya. Gwapo na ba ang tawag dun? Tss.
"Uy teka lang- Bye sayo!" Bakit parang close na close na agad sila? Eh ngayon pa nga lang sila nagkaka-kilala?
"Close ba kayo?" Akala pa nung ungas na yun na gusto siyang makilala ni Sab.
"Hindi. Oo nga pala! Teka lang, babalik ako." Tatanggalin na sana niya yung kamay niya mula sa pagkakahawak ko.
"Bakit? Para saan?" Gusto ba niyang i-sama yung lalakeng yun?
"Tatanungin ko lang pangalan niya, nakalimutan ko kasing i-tanong kanina." Ganun na ba ka-importante ang pangalan nung ungas na yun para balikan at i-tanong pa niya?
"Tss. Wag na." Napa-nguso ulit siya dahil di ko siya pinayagan.
Habang naglalakad di siya umiimik. Hindi ko alam kung na-inis siya sa'kin dahil dun sa hindi ko siya pinayagan bumalik o kung wala lang talaga siya gustong i-kuwento. Hindi naman talaga siya umiimik pag naglalakad na kami pauwi. Buti nalang maingay si Qiana kaya hindi ako naiilang pag kasama ko sila.
"Hindi ka ba nag-selos?" Naka-tulala siya nung sinabi niya yun. Ako? Nagse-selos?
"Ha?" Nanlaki yung mata niya sabay tingin sa'kin.
"Uh- wala yun! Hehe. Wala talaga yun. Wag mo nang sagu-"
"Ang totoo, oo." Bigla nalang lumabas yun sa bibig ko. Pero hindi ko pinag-sisihan na sinabi ko yun.
"Ano?" Napatigil siya dahil sa sagot ko. Pero ngumiti lang ako at nauna nang maglakad.
BINABASA MO ANG
I don't want to lose you
Romansa~~~~ Hindi pa po talaga ako nakakatapos ng story. Ilang ulit na rin po akong nag-try na tapusin yung mga ginawa ko noon. Please.. Suportahan niyo po ako para matapos ko to. Hope you like it.. Hehe !!!PAALALA: Bukod sa main genre (ROMANCE) ng story...