Sabrina's POV
Bakit ba naman kasi hindi niya binawi yung sinabi niya? Hindi niya ba alam na na-stuck na sa utak ko yung mga sinabi niya? 'Yan tuloy nag-eexpect na naman ako. Paano pala kung biniro niya lang ako?
"'Wag na 'wag mong dalhin 'yang babae mo dito sa pamamahay ko!"
Ano ba naman 'yan? Di na nga ako makapag-aral dahil kay Calvin, dumadagdag pa yung ingay nung kapitbahay namin. Kung mag-aaway lang naman sila, sana pumunta sila sa lugar kung saan wala silang ma-iistorbo.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko siya pinapapasok dito?!"
Pero teka lang, bakit parang nasa loob lang ng bahay namin yung nag-aaway?
"Pano kung makita ka ng mga anak mo kasama 'yang babae mo ha?!" Dahil sa curiousity, lumabas na ako ng kwarto at hinanap kung saan nanggagaling yung ingay.
Hanggang sa mamalayan ko na nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto nila mommy. Habang patagal ng patagal, lalo akong na-iiyak dahil sa mga naririnig ko. Halatang nagkakasakitan na rin sila nang pisikal.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto nila mommy at pinigilan sila.
"Tama na!" Pareho silang napatigil at napatingin sa direksyon ko. Lalapit pa sana si mommy sa'kin para i-explain ang mga narinig ko pero pinigilan ko ulit siya.
"Mommy, daddy, bakit tinago niyo sa amin?"
"Ang alin anak?--"
"Mommy naman! Sagutin niyo nalang ako. B-bakit niyo nagawang hindi sabihin sa'min? Kaya pala hindi na kayo masyadong nag-uusap ni daddy." Paano nalang kung malaman 'to ni Fatima?
"Daddy, b-bakit umiiyak si ate?" Sabay-sabay kaming napalingon kay Fatima na nakatayo sa pintuan. Lumabas si dad sa kwarto kaya mas lalong naguluhan si Fatima sa mga nangyayari.
"Ano pong nangyari?" Lumapit siya sa'min at pinatahan ako.
Siguradong magagalit ng sobra si ate Gem kapag nalaman niya 'to. Kung galit ako kay daddy, doble pa ang galit ni ate sa kanya.
Qiana's POV
I'm back! Miss me?
Napapa-english na tuloy ako. Siguro nahahawa na ako kay Fawn. Haha. By the way, andito na naman ako sa detention office. Napapadalas na din akong tumatambay dito.
Minsan nagvo-volunteer akong magbantay. Sino ba naman ang aayaw diba? Free ako ditong mag-internet at kumain. San ka pa?
Bumukas yung pinto kaya napatingin ako sa bago kong babantayan. Apat lang naman actually yung binabantayan ko ngayon, mas madami kasi kahapon. Teka, si ano 'to.. Yung babaero! Tama si.. Si..
"Miss Galvez?" Si Mister Alford! Tama! Andito na naman siya?
"Yup." Kilala pa rin ako nito? Oo nga pala, pinagtulungan namin siya noon. Haha. Ang sama tuloy ng tingin niya sa'kin. Pero anong pake ko? Sanay na ako sa death glare-death glare na 'yan. Si Sabrina kaya ang mahilig diyan. Tsk.
Nangi-alam muna ako sa mga gamit sa desk ni Miss De Castro kasi nabo-bore na rin ako ng konti. Okay lang naman 'yun sa kanya kasi wala akong ninanakaw, pwera sa password ng wifi. Hehe.
Pinalabas ko na din yung iba kasi tumagal na sila ng 2 oras. Kaso si Mister Alford at ako nalang pala ulit ang magkasama dito sa loob.
"Puma-paraan ka pala ah. Pina-alis mo na sila kasi gusto mo tayo nalang ang magkasama dito *smirk*." Parang g*go din 'tong isang 'to eh.
"Tumahimik ka nga diyan!" Nagsisimula na namang kumulo yung dugo ko sa kanya. Tsk.
"Bakit? Ayaw mong may makarinig sa'tin?"
Nakangisi pa siya habang sinasabi 'yan. Akala naman ninyo kung sino siyang gwapong pangisi-ngisi diyan. Nagmumukha lang naman siyang manyak.
"Kung gusto mong maka-uwi agad, tumigil ka nalang." Na-iistorbo niya ako sa paglalaro ko eh. 'Pag matalo talaga ako iba-bato ko 'tong phone ko sa kanya. Pero syempre joke lang. Kawawa naman phone ko kung iba-bato ko lang sa lalakeng panget. Baka mahawa sa kanya. Tsk tsk
/////////////////////////////
I just want to say THANK YOU sa pagbabasa ng story'ng ito. Including my partners ko sa book clubs. Thank you! :) Na-aappreciate ko lahat ng votes, comments and reads niyo. Lalo na kung binabasa niyo rin 'to (pinaka-author's note) haha.
BINABASA MO ANG
I don't want to lose you
Romansa~~~~ Hindi pa po talaga ako nakakatapos ng story. Ilang ulit na rin po akong nag-try na tapusin yung mga ginawa ko noon. Please.. Suportahan niyo po ako para matapos ko to. Hope you like it.. Hehe !!!PAALALA: Bukod sa main genre (ROMANCE) ng story...