Chapter 12;

5 1 0
                                    


kahit anong pilit kong hindi gumawa ng ingay ay hindi ko magawa, kahit anong pilit kong pakalmahin ang sarili ko hndi ko parin magawa. napa upo ako sa cemento sa harap ng malaking gate ng bahay ko saka napa hawak na naman sa dibdib ko ilang minuto lang may naramdaman din akong kirot sa ulo ko na parang mabibiyak na ito anytime na gusto niya. pero kahit anong sakit ang naramdaman ko sa ulo kong alam ko na dahil ito sa sakit, wala paring tatalo sa puso kong wasak na wasak na.

'paano ko pato ma bubuong muli kong alam kong malapit na akong mamatay ,wala nakong time para gawin yon.'

ang sakit lang. ang sakit lang kasi gusto ko na siya 'e. pero alam kong hindi siya magiging akin dahil kahit kaylan wala naman bagay na naging akin simula nong nabuhay ako sa mundong ito, kaya masakit isiping nabubuhay ako at mamamatay din kinalaunan.

hindi ko maramdamang nabuhay nga ako. kasi kapag naiisip at nakikita ko siya na masaya sa iba, imbis na ako ang kasama niya, parang don palang basag na ang puso ko.

pero isa lang ang alam ko ngayon na tumatak sa isip ko ang may darating at mawala... 

ganun talaga 'e. may saya at lungkot na mararanasan mukha akong kaawa awang nilalang habang naka luhod sa labas ng gate at hawak hawak parin ang puso kong sumasakit habang ang utak ko ay parang lalabas na sa sakit nito kaya mas lalo pakong napa iyak, parang gusto ko nalang sumigaw dito ngayon at ilabas lahat ng nararamdaman ko. pero alam kong hindi parin mawawala ang sakit na dulot nito.

naranasan ko ng mag mahal at masaktan ng dahil sa lalaking wala namang ibangginawa kondi ang saktan ako, kahit alam ko namang hindi niya kayang suklian ang pag mamahal ko sa kanya. hindi parin tumitigil ang puso ko sa pag mamahal sa kanya, ewan ko ba, bakit kasi na kilala ko pa siya.

ngayon napa tunayan ko na ang puso ng mga tao ang pinaka bobo sa lahat ng organs. wala kasi silang utak, ang lagi nilang ginagawa ay ang mag mahal kahit alam nilang sasaktan lang sila nito. pero kahit naman sila ang pinaka bobo sa lahat, sila naman ang mapag mahal kasi handang handa silang mawasak para sa mahal nila, kahit paulit ulit pa sila nitong saktan ay ayos lang, patuloy parin sila sa pag mamahal.

napa upo nako sa cemento at hindi na dibdib ang hawak ko ngayon kong di ang uulo ko, dahil lumala ang sakit nito na parang ma bibiyak na nga, sinubukan ko naring pumasok sa luob para maka inom ng pain Keller, para narin makapag pahinga.

'sana may pain keller din sa sakit sa puso, at may gamot sa sakit na dulot ng pag ibig, letching pag-ibig nayan.'

agad kong binuksan ang gate saka pumasok. humagul gul parin ako sa pag iyak habang sinisira ang gate saka nag lakad na papasok ng bahay.

ng maka pasok pansin kong naka bukas lahat ng ilaw saka may lalaking naka tayo na walang kahit na anong exprsyong makikita sa mukha niya kaya don ko lang na alalang may ksama na pala ako sa bahay nato kahit papano.

unti unti akong nag lakad papalapit sa kanya, kasabay ang pag hinto ng pag hikbi ko pero patuloy parin sa pag agos ang luha ko, feel ko nga nag hilamos nako sa sarili kong mga luha.

ng maka lapit sa kanya, kusang gumalaw ang mga kamay at braso ko para yumakap hindi ko alam kong anong ginagawa ko pero ang alam ko lang gusto ko ng yakap.

'namimiss ko na si edward' sabi ng utak ko.

naalala ko tuloy kapag umiiyak ako nuon agad akong yayakapin ni edward kaya ngayong umiyak ako kusang gumalaw ito saka yumakap sa kanya. mas naging malakas ang pag hikbi at napa hagulgul ako dahil naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. hanggang sa bumalik na naman ang sakit nito at parang nahihilo nako kaya agad akong napa bitaw saka hinawakan ang ulo kong subrang sakit na.

hindi ko na maramdaman ang sakit ng puso ko dahil mas masakit na ang ulo ko ngayon. nag umpisa na siya.

dalawang kamay ko ang humawak sa ulo kong mabibiyak na ata. saka napa sigaw dahil sa sakit nito, sinubukan kong tumingin sa paligid ngunit hindi ko na ma aninag dahil sa sakit at parang nag lalaho na ang paningin ko. saka ako napa upo sa sahig dahil nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. hanggang sa hinawakan ako ni flyyn sa kamay ko.

kaya agad nawala ang sakit sa ulo ko at bumuti ang pakiramdam ko ngayon, pero bigla akong naka ramdam ng matinding panghihina sa buo kong katawan saka biglang nilamon ng kadiliman.

kinabukasan***

nagising ako dahil sa gutom kaya dahan dahan akong tumayo sa malambot na kama saka kinapa ng paa ko ang tsenelas. nainis ako ng wala akong makapang tsenelas kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko para mahanap ang hinahanap kong tsenelas.

nag tataka ako kong bakit wala talagang stenelas sa paanan ng kama at sa gilid ng kama ko kaya tinignan ko ang pintuan ng kwarto ko baka kasi andun lang, ng bigla kong na realize na iba ang kulay ng kwarto ko sa kwarto nato saka iba ang desenyo nito kaya napanganga ako kong bakit nag iba to.

saka ko naman na alala ang nang yari kagabi kaya napa takip ako ng bibig saka dahan dahang tumayo at lumayo sa kama nato. dumiretso ako sa pintuan sakto namang pag labas ko ay bumungad sa aking ang sala ng second floor ng bahay ko. binalikan ko ng tingin ang kwartong to nag tataka kong bakit ibang kulay na.

"kaylan ko pa pinakulayan ng black at gray ang guest room?" wala sa sariling sabi ko.

sinilip at nilibot ko ang kabouhan ng kwartong to saka na alalang ito yong kwarto sa panaginip ko nong time na pumasok si flynn sa panaginip ko ng walang paalam. walang hiyang yon. nag madali akong lumabas ng kwarto saka bumaba at hinanap siya. halos na libot ko na ata lahat ng kasulok sulokan ng bahay ko pero diko siya makita. 

A twist of yesterdayWhere stories live. Discover now