Chapter 13;

5 1 0
                                    


saka ko naman na alala ang nang yari kagabi kaya napa takip ako ng bibig saka dahan dahang tumayo at lumayo sa kama nato. dumiretso ako sa pintuan, sakto namang pag labas ko ay bumungad sa aking ang sala ng second floor ng bahay ko. binalikan ko ng tingin ang kwartong to, nag tataka kong bakit ibang kulay na.

"kaylan ko pa pinakulayan ng black at gray ang guest room?" wala sa sariling sabi ko.

sinilip at nilibot ko ang kabouhan ng kwartong to saka na alalang ito yong kwarto sa panaginip ko nong time na pumasok si flynn sa panaginip ko ng walang paalam. walang hiyang yon. nag madali akong lumabas ng kwarto saka bumaba at hinanap siya. halos na libot ko na ata lahat ng kasulok sulokan ng bahay ko pero diko siya makita.

kaya bumalik ako sa guest room niya saka binuksan ito. gaya nang exceptation ko bumungad na naman sa akin ang kwartong iyon saka may nakita akong ibang pintuan na alam kong ito yong pintuan ng CR tapos sa kaliwa may ibang pintuan na naman kaya binuksan ko ito.

agad namang bumungad sakin ang lalaking nag babasa ng libro sa gitna ng sala sa sofa set saka umiinom ito.

"buti gising kana." bungad niya sakin na hindi man lang ako tinapunan ng tingin dahil busy siya sa binabasa niyang libro.

"paanong nangyaring~" hindi ko na ituloy ang sasabihin ko dahil gulong gulo ako sa nangyayari kong bakit mag ka rugtong ang bahay namin sa isat-isa.

"hindi ko alam kong pano sasabihin sayo to, pero ang sabi mo sakin ay mag sasama na tayo sa iisang bubung kaya ito mag ka rugtong na ang bahay natin simula ngayon."sabi niya habang nag babasa hindi parin kasi umaalis ang mata niya sa librong iyon.

"at. hindi ako ang may dahilan kong bakit mag ka rugtong ito." dugtong niya.

ilang sandali akong natahimik dahil pilit kong iniintindi lahat ng sinabi niya na naguguluhan parin ako hanggang sa na alala ko yong ginawa niya kagabi kaya gusto ko mag tanong.

"flynn" tawag ko sa kanya. ito ang unang beses na tinawag ko siya sa pangalan niya kaya napa tingin siya sa akin ng naka kunot ang noo.

"Ano?"

"ano yong ginawa mo kagabi?"

"alin ba don?"

"yong pag hawak mo kasi sakin biglang nawala ang sakit saka gumaan din ang pakiramdam ko." sabi ko saka nag lakad papunta sa kanya saka umupo sa tabi niya.

"ginawa ko lang yon dahil alam kong nasaktan ka na ng sobra."

"bakit?" wala sa sariling sabi ko. diritso lang ang tingin ko sa flower vase na nasa harap ko.

"anong bakit?" na guguluhang sabi niya.

"bakit kako tinulungan mo ako." pag uulit ko at this time kitang kita kong tumungin sa akin si flynn pero hindi ko siya tinignan.

"wag mong bigyan ng malisya yon. tinulungan lang kita dahil alam kong tutulungan mo rin ako sa gagawin mo." sabi niya saka ngumisi pa. bumalik na rin siya sa pag babasa niya habang ako naka tulala parin.

"pwede morin ba akong tulungan sa nararamdaman ko?" hindi ko alam kong saan ko na pulot ang mga salitang iyon. nagkusa nalang kasi silang lumabas sa bibig ko na parang may sariling utak ito. hindi parin siya nag sasalita kaya napa tawa ako sasarili kong sabi.

"my wish na ako" sabi ko saka kami nag kakatitigan na dalawa.

'sana lang mag work to.'

"gusto ko ulit mag mahal, at sa pag kakataong to ikaw ang mamahalin ko." matapos kong sabihin iyon ngumiti ako ng lubus yong tipong masaya ako hindi peke. saka ako tumayo at bumalik sa kwarto niya saka lumabas ng bahay niya pag labas ko dumiretso ako sa kwarto ko saka ako naligo sa shower.

hindi ko parin kaya kahit anong pilit kong pasiyahin ang sarili ko hindi ko parin kaya. kasi alam kong may kulang at alam kong kahit anong gawin ko hidni ko ma kukuha ang gusto ko.

'bakit hindi ako masanay sanay na hindi ko na kukuha ang gusto ko.'

matapos akong mag ayos sa sarili ko agad akong bumaba para mag almusal at magkape. nasa garden ako ngayon, ako lang mag isa dahil wala naman akong kasama sa bahay nato kundi ako lang at ang nilalang na di ko alam kong na gets niya ba ang sinabi ko kanina.

ganun ba talaga kapag nag mamahal ang isang tao? darating ba talaga sa puntong parang hindi niya na kilala ang sarili niya? iyong parang nang dahil sa pag mamahal niya na naramdaman niya, nag babago siya sa paraang hindi niya nagustohan saka hindi niya namalayan.

hindi maganda iyon diba? yong nag babago ka dahil sa pag mamahal mo para sa kanya. hindi magandang tignan na nag bago ka at nakalimutan mo na ang dating ikaw dahil lang sa kanya na wala namang ginawa kondi ang saktan ka ng paulit ulit. kasi kong ganyan nga hindi na pag mamahal ang tawag don 'katangahan' na.

halos naka limutan ko na ang sarili ko. naka limutan ko na yong dating ako. iyung dating palatawa palangiti, masiyahin, plastik, maldita pero napaka busilak ng puso. yong tipong okay lang nawalang para sayo basta ba may para sa iba. kong baga hindi ako ma damot.

nasa gitna ako ng pag iisip ng biglang tumunog ang gate na parang mag nag bukas nito, kaya tinignan ko ito kong sino. kumunot ang noo ko ng mapagtanto kong sino ang taong yon.

"good morning" agad na bati niya ng may ngiti sa labi kaya umiwas ako ng tingin at bumalik sa pag-ayos ng upo at tumingin sa kawalan.

"anong ginagawa mo dito." walang ganang tanong ko saka naman siya umupo sa gild ng upuang ko. bali nasa gilid ko na siya ngayon dahil pa circle kasi ang upuan at lamesa. sa harapan ko naman naka pwesto ang swimming pool na minsan ko ng naging favorate nuon na ngayon ay pina sirado kona. kaya may takip itong glas kitang kita pa rin naman ang ganda ng kulay ng pool nato pero hindi na maliliguan pa dahil nga sinirado ko na ito. kaya hanggang tingin nalang ang lahat.

"bakit bawal na ba akong dumalaw sayo?" natatawang sabi niya kaya inis ko siyang tinignan sa mga mata niya.

A twist of yesterdayWhere stories live. Discover now