"bakit may sakit ba ako? o namatay na ba ako?" sarkastiko kong sagot.
"ano ba bakit ang high blood mo may dalaw ka ba?" hindi parin na alis ang ngiti niya mas lalo akong na inis.
" hindi ka ba maronong nag salitang 'ayaw nga kitang makita?' pinag biyan na kita nong unang kita natin kaya please lang tama na umalis ka na wag muna akong guluhin pwede?" inis kong saggot saka tumayo at aastang aalis ng bigla siyang mag salita.
"sorry"
"ano kamo?"
"i said sorry, hindi ko naman intensyon na saktan ka 'e. alam mo naman iyon diba.?"
"bakit sinisi ba kita?" hindi siya maka imik kaya na tahimik kami sandali.
"umalis kana. at please lang wag kanang mag pakita sakin kahit kaylan."
"Elaine alam mo bang nasasaktan ako sa twing nasasaktan din kita? siguro panahon na para malaman mo ang nara ramdaman ko ngayon."
hindi ako sumagot, naka tingin lang ako sa kanya.
"mula nong narinig kong mahal mo ako, hindi nako na natahimik kasi alam kong gusto na rin kita pero hindi pwede kasi may girlfriend akong pina ngakuan na kahit anong mangyari hinding hindi ko siya iiwan." malungkot ang mukha niya nang sabihin niya sakin ang mga iyon.
ako naman ito nakatayo at naka harap sa kanya parang nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa kanya, sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ang siyang pag wasak ng puso ko. unti unting dinudorg ang puso ko dahil sa sinabi niya. ang sakit lang na ang pina ngakuan niya ay ibang babae iyon at hindi ako, ang sakit isiping ibang babae ang gusto niya imbis na ako iyon.
"umalis kana." wala sa sariling sabi ko saka ako tumalikod. ng bigla kong narinig ang sunod sunod niyang sinabi kaya hindi ako naka galaw sa kina tatayuan ko.
"gusto kita el, pero hindi sapat ang gusto kita para iwanan ko ang mahal ko para lang sa isang gusto ko. alam kong maiintindihan mo ako, kaya please wag mokong iwan wag mokong paalisin, please bigyan mo ako ng time para makapag isip, bigyan mo ako ng sapat na panahon para ma isip kong ano ang dapat gawin."
"hanggang kaylan mo bako sasaktan ng ganito? hanggang kaylan mo bako pahihirapan? bwisit na pag mamahal yan!" hindi ko na namalayan ang sarili kong napa sigaw nako dahil sa galit.
"im sorry" agad niyang sabi kaya tinignan ko siya sa mga mata. kitang kita ko ang pa mumuo ng luha niya kaya mas lalo akong nasaktan at parang bibigay na ang sarili ko dahil sa nakita kong nasasaktan din siya.
"para saan naman yan?" natatawang tanong ko, hindi naman siya naka imik kaya nag patuloy ako sa pag sasalita.
"kahit ilang bilyones mo pa sabihin ang katagang sorry , hindi mawawala ang sakit sa puso ko na ikaw mismo ang dahilan, kahit anong sorry mo david hindi mabubura ang katutuhanang nasaktan mo na ako, alam mo bang buong pag katao ko hindi ko na kilala dahil sa pesting pag mamahal na yan? kong may gamot lang sa pagiging tanga ko siguro hindi nako masasaktan ng ganito ngayon. kasi kahit anong pilit kong kalimutan ka hindi ko magawa, walang buwan, linggo, araw at oras na hindi ka pumasok sa isip ko david. ang sakit sakit na. hindi ko na kaya david please kahit ito nalnag ang gawin mo sakin." dahan dahang humina ang boses ko saka napa hagulgul na naman ako pero pinipigilan kong gumawa ng malakas na ingay kaya tinakpan ko ang mukha at bibig ko.
nakita ko siyang lalapit sana kaya pinigilan ko siya. bumalik na naman yong naramdaman ko kagabi. sumisikip ang dibdib ko at hindi ako maka hinga pero pilit kong hindi pinahalata sa kanya ang naramdaman ko nagyon, hanggang sa kumikirot na rin ang ulo ko kaya na takot akong baka sa harapan niya aataki ang sakit ko natatakot akong malaman niya.
natatakot akong dahil lang sakin ay mag iba ang desisyon niya. hindi rin naman kaya nang konsensya kong masaktan ang girlfriend niya dahil lang sakin. babae din ako at nasaktan kaya alam ko ang pakirammdam ng iwanan dahil lang sa ibang babae.
"wag kang lalapit."
"el, look I'am sorry, i know I'm such a coward, but you know me right? alam mong hindi ko alam kong papaano ko maipapakita sayo ang gusto mo dahil sa nakaraan ko. ikaw ang mas nakaka kilala sakin higit sa lahat dahil minsan na rin tayong mag kaibigan el, ayokong mawala ka sakin, hindi ko kaya iyon. pano Pala pag sabihin ko sayong mahal na din kita, iiwan mo parin ba ako?" sunod sunod na sabi niya.
nagulat ako ng makita ko ang mukha niyang punong puno na rin nang luha kaya mas lalong kumirot ang dibdib ko dahil na sasaktan ako para sa kanya. kahit ilang ulit niya nang winasak ang puso ko pa ulit-ulit namang na buo ito para wasakin niya ulit. bakit napaka rupok ng puso ng tao, nakakasawa na.
"hindi pwedeng dalawa ang mahal mo gagu." pag mumura ko" isa lang ang puso ng tao. kung mag mamahal ka ng higit sa isa, ispin mo na kong anong klaseng hayop ka! animal ka!"
"kaya nga ako humihingi ng panahon diba, para makapag isip kong sino ang pipiliin ko dahil na guguluhan nako ."
"bakit?" natawa ako ng mapakla.
"bakit? ano ba ako sa tingin mo? manika? laruan? ano ba kami ng girlfriend mo laruan na pareho mong gusto dahil parehong masaya ka kapag kasama kami? buti kapa pala may pag pipilian, e. ako? eto naka tunganga lang at hinihintay kong ako ba ang pipiliin kahit alam naman natin kong sinu ang mas matimbang sa amin diba?" natawa naman ako sa na isip ko gagu ang sakit na talaga parang gusto ko nalang mag pa lamun sa lupa ng buhay.
YOU ARE READING
A twist of yesterday
FantasyElaine Smith was a writer, painter, a song writer, In short she was a successor in life but one day things got change and worst She got A Bioglastoma or a brain tumor, she didn't no what to do until one day a man named Flynn was in front of her for...