Chapter 3.3

49 5 0
                                    


"Kung iniisip mo kung narinig ko ba o hindi, hindi ko narinig. Kaya p'wede bang paki-ulit?" pang-aasar ni Martin, he had a genuine smile plastered on his face.


"Hindi. Kung ikaw bingi, ako pipi. Friends lang tayo, wala kang narinig." Pambabara ko kaya ang mga itsura ni Abigail at Bea ay parang handa nang sampalin ako dahil sa pag-papakipot ko ulit.


"Friends with possibilities." Martin corrected me. Hahawakan na sana niya ang braso ko pero kinuha ko ang bag ko para umalis doon. Parating na rin naman 'yung estudyanteng may next shift sa library siya, na ang bahala rito.


"Sandali, Alice!" Ramdam ko ang pag-sunod sa'kin ni Martin mula sa likuran kaya lalo kong binilisan ang pag-lalakad ko palabas ng library. Nang nasa may hallway na ako, nagulat ako nang makitang nasa harap ko na si Martin!


Itong mokong na 'to, may alam pang shortcut!


"Tatakas ka pa talaga?" he chuckled. "Until when will you try escaping from your emotions, Kat? Kung may nararamdaman ka... damdamin mo lang, huwag mo iwasan." May sense na sabi ni Martin habang naka-pamulsa.


"What kind of benefit will I receive if I tell you that I like you?" Malditang saad ko. "Wala naman, right? So, it's meaningless." Ngumiti ako. It was a cunning and sarcastic smile.


Pero hindi nag-patinag si Martin, hinawakan niya ang kamay ko para hindi ko pa siya matakasan.


"Hoy! Martin, ano ba?! Bitaw!" Sinubukan kong kumawala sa kan'ya pero wala talaga, sad'yang mas malakas siya sa'kin! Tumatawa lang siya ng marahan habang hawak ang dalawang kamay ko!


"Sabihin mo muna."


"Na ano?" I acted stupid.


"Na gusto mo'ko."


"Excuse me? Hindi kita gusto!" pag-tanggi ko.


"So, mahal mo na pala agad ako?"


"Napaka-assuming mo talaga, Martin Pangilinan!" Pinanlakihan ko siya ng mata.


"At napaka-torpe mo naman, Katrina Alice Avelista," pambabara rin niya. Ito talaga, hindi nagpapatalo!


Nag-titinginan na sa'min ang mga tao kaya nilamon ako ng hiya. Para talagang baliw ang lalaking ito! Dinadamay pa ako sa kahalayan niya!


"Cute naman ng away mag-asawa nila," narinig kong bulong ng mga nag-lalakad na babae sa hallways kung nasaan kami.


Nasamid ako. "Hindi po kami mag-asawa!" I defended, even if I know that was a joke, akala siguro nila ay mag-jowa kami!


"Defensive," Martin scoffed.


"Hindi ako defensive, 'no! P'wede ba? Bitawan mo na ako, nakaka-hiya sa mga taong nadaan na naka-harang tayo rito." Binabaan ko na ng kaunti ang boses ko habang kausap siya.


"Sabihin mo muna... sabihin mo muna sa'kin ang nararamdaman mo," naging seryoso ang pananalita ni Martin. "Hindi na kita gagambalain kapag sinabi mo na. I'm a man of my words, trust me."


"Fine. Eh, ano naman kung gusto kita?"


"Gusto mo'ko?" Martin's face lightened. He looked like he was letting everything sink in. "You're not joking, right?"


"Huwag mo nga akong in-iingles sa bayan ko, Mr. Pangilinan. Porket anak ka ng—" naputol ang sasabihin ko nang takpan ni Martin ang bibig ko gamit ang panyo niya.


"Shush." Lalong nag-init ang ulo ko pero natahimik ako nang ipag-tapat ni Martin ang noo naming dalawa. "I can't pat you because my hand is holding a handkerchief, but I'll use my forehead instead. Hayaan mo, papanindigan ko ang nararamdaman mo." Natigilan ako. Imbis na matawa dahil napapa-dalas na ang pag-iingles ni Martin, napako ang tingin ko sa mga mata niya at pinoproseso ko ang sinabi niya.


He who would love much has also much to suffer. Isa 'yan sa mga sumikat na kataga ni Jose Rizal. I learned about it from History... Matalino naman akong tao, but from that moment, I felt like I was ready to face the fact that I might get hurt in the future.


Because of him, I thought of riding without anu fear the roller coaster of emotions... called love.


It was almost summer, and we were about to graduate when I decided to say yes to Martin. It was a decision I would never regret.


"Hindi ba halata na kapag andiyan ka, iba 'yung saya sa mga mata ni Martin?" tanong ni Ren habang pinapanood namin si Martin na nasa track and field at natakbo para sa training.


"Hindi. Parang wala namang pag-babago." I chuckled.


"Meron. Siguro hindi mo lang napapansin dahil sa'yo lang naman nagbabago ang ngiti niya." Nilagay ni Ren ang pareho n'yang kamay sa shorts niya. "Alam mo ba no'ng tinanong ko siya kung bakit niya piniling maging track and field varsity, sagot niya dahil gusto niyang takbuhan ang buhay na mayroon siya. Pero noong nakita ko kayong natakbo noong na-late ka at nabigyan kayo pareho ng punishment, hindi na puno ng sama ng loob ang pag-takbo niya. He was laughing while on the run with you. Hindi naman talaga niya gustong maging varsity pero pinilit siya ng mga magulang niya. Someone won't enjoy their dislikes unless they're with the person they love. He will never enjoy running... if that run is not with you, Alice."


I looked at Martin running on the track and field, he was smiling and he waved at me when their coach was not looking.


Into The Reality (PUBLISHED UNDER LINES OF LOVE)Where stories live. Discover now