trial card

3 1 0
                                    

"Kaiingit noh?" naplinga ako ng may biglang magsalita sa likod ko. Andito ako sa starbucks at gumagawa ng report para sa kompanyang pinagtratrabahuhan ko.Ilang minuto na rin ako nakatitig sa isang couple na nasa kabilang table.

Kanina pa kasi ito naglalandian at naka couple outfit pa. Ang sakit nila sa mata. May pa hawak pa sa bewang ang lalaki habang ang babae naman nakasandal sa balikat nito at bawat minuto may binubulong yung lalaki. Yung babae naman parang maiihi sa salawal kung kiligin.

Can't they just get a room? Hindi yung puro pda sila respeto naman sa single este mga taong gustong magtrabaho. Nakaka destruct sila.

I sighed and sipped my coffee. Umupo ang lalaki sa harapan ko, I didn't mind.

"Valentines day na bukas ah, may date ka na?" If may holiday man na ayaw ako it will probably be valentine's day. Puro mga mag jowa na lang ang nakikita ko wala bang single's day? Para naman respeto saming mga walang jowa?

At bakit ba siya nag tatanong? "Bakit? Interesado ka ba i-date ako?" Tinaasan ko siya ng kilay. I was just joking atyaka kung mag offer siya hindi naman ako tatanggi.

I miss being in love kahit fake okay na rin. It's just... nakakainggit. Maganda rin naman ako, masipag, may pangarap sa buhay, walang bisyo, mapagmahal sa magulang, business minded, kinulang lang talaga sa talent at height.

Kung pwede lang mag hire ng boyfriend for a day ginawa ko na e, para pag bored ako isang tawag na lang. Wala pang problema hindi ba?

He shrugged and sipped his drink, binaba niya iyon at nagpangalungbaba. He stared at me for a moment and smiled, "bakit papayag ka ba?" I smirked. "Why not? Matagal narin nung huli kong relasyon," he laughed and pulled his hair back.

I lied, NBSB ako. Hindi naman sa ayaw ko mag jowa sadyang wala lang talagang nagbabalak. A strange feeling flashed.

Nakakainis, lapitin naman ako ng mga lalaki... lapitin ng mga magpapalakad!


I examine his face, gwapo naman ito. Makapal ang kilay, singkit ang mga mata, may hindi katangusan na ilong pero ayos narin at may kulay rosas na labi. Kahit ang awra nito'y kakaiba. Payat pero may alindog. Matangkad.

He hummed and offered his hand, "no strings attached?" he asked. I chuckled. We shook hands. Deal closed.

Wala namang mawawala sa akin, we're both strangers to each other. Hindi rin ako mabilis ma-attach. Ilang minuto ang lumipas at tumayo na siya, "aalis ka na?" tanong ko. We barely talked. Tumango ito at nilahad ang cellphone.

"Can I have your number?" If we'll only spent a day together hindi naman na siguro kailangan pa mag exchange ng personal info right? Umiling ako at mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin. "alright," he paused and look at his watch.

"Eleven a.m., tomorrow?"

"Sure."

Inayos ko ang buhok ko at tingnan ang repleksyon ko. I am wearing a off-shoulder dress at may suot na sling bag. I also put light make up on my face para naman hindi mahalata ang eye bags ko. Cram ko kasi kagabi ang ginawang report para naman pag natapos ang date kuno naming dalawa ay wala na akong proproblemahin pa pag uwi.

Tinulak ko na ang pinutan at hinanap ang familiar na bulto. I saw him seating casually on our sport yesterday. He's wearing a beige polo shirt and black pants with slips-on, simple lang rin.

Lumapit ako sa kanya at agad rin niyang napansin. "Hey," he greeted, ngumiti ako. "Are we staying here or do you have plans?" I asked. "Uh... I'll fetch my niece first at ihahatid siya school may date kasi ang ate ko... if that's okay with you?" Oh so he has a niece.

collectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon