Chapter 10

68 0 0
                                    

(continuation of chapter 9)


Adelfa's POV


"Hoy kayo jan, kailan niyo balak maglinis?"


Hay nako. 'tong mga kasama kong may mga sayad, hindi pa nagsisimulang gawin ang dapat gawin.


"Pag girlfriend na kita."


Isa pa tong ulupong na to. Kanina pa ako nilalandi! Sarap paluin ng hawak kong mop eh.


"Tigilan mo akong bakla ka. Bwiset ka." Sabi ko at inirapan siya.


"Kailan pa naging bakla sa paningin mo ang isang napakagwapong, Byun Baekhyun? Kailangan mo atang eyeglasses my dear, hindi mo ata makita kagwapuhan ko."


Ang haba ng sinabi ni koya.


"Ewan ko sayo."


Maya-maya't nagtatawanan na sila Jay ann, Zelo, Syrel, Chanyeol at Taehyung.


Bwiset. Sabi ko maglinis na. Aish!


"Hoy! Sabi ko maglinis na! Ang kulit din ng mga lahi niyo noh?! Hindi tayo makakaalis sa detention na to." Pasigaw na utos ko sakanila.


Bigla silang napatingin sakin at sabay sabay na sabi ng.. 'Ahhh'


"Oo nga pala noh! Tara linis tayo. Linisin natin yung bibig ni Adelfa, ang ingay eh." Sabi ni Jay ann


"Anong sabon gagamitin natin?" Tanong ni Chanyeol.


"Surf?" Sagot ni Syrel


"Champion!" Sagot din ni Taehyung


"Ariel na lang para 7.50" -Zelo


"Oh, tara linis na tayo! Adelfa halika dito, amin na yang bibig mo."


"Tigilan niyo ako! Maglinis na kayo jan. Tawagin niyo na si Jade pati si Jhope."


Nagtawanan muna sila saglit saka ginawa ang utos ko.

Wow, ang sarap pala sa feeling yung nanguutos. Wahaha.

Nagsimula na kaming maglinis ng likod ng school. Grabe, wala bang janitor na naglilinis dito? Tambak na ng mga nahulog na dahon sa paligid pati nilulumot na yung sahig at pader.


"Ew!!"


Napatingin naman kami sa sumigaw


"Oh, Baekhyun bakit?" Tanong ni Chanyeol


Quite Uneasy [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon