Chapter 6

64 10 2
                                    

May ishe-share lang kami..

NANALO KAMI SA CHEERDANCE! EHEHEHE

Kaya mag-uupdate kami. HAHAHA Yun lang! Enjoy reading ~

Dedicated to Ms @Blueberry_Water! Thank you sa book cover!

=========================================

Adelfa's Pov

*Recess*

Nandito ako ngayon sa canteen kasama ang tropang ugok.

Naghanap kami ng available na table para ma-reserved na namin..

"AYOKO SA KATABI KO!"

At yan kagad ang bumungad sakin ng mga hinayupak nung nakahanap na kami ng pwesto at umupo dun.

Take note, sabay sabay pa nilang sinabi.

Tinaasan ko sila ng kilay at pinakinggan ang mga reklamo nila.

"Peste na lecheng peste yung katabi ko!" Reklamo ni Syrel.

Peste na nga, leche pa.. Tsk tsk. NEXT!

Tumingin ako kay Jay-ann at kasalukuyang nakakunot ang noo nito.

"Yung katabi ko mukhang niyog!" Inis na sambit niya.

Hays.. 'tong babaeng 'to, mapanglait! Sarap hambalusin.

Pero true.. Mukhang niyog nga talaga katabi niya. EHEHE.

Tumingin naman ako kay Jade at tumingin rin siya sakin.

Binigyan ko siya ng bored-look at tinanguan siya.

Sign na, siya naman ang magreklamo tungkol sa katabi niya.

"Ano?" Masungit na sambit ni Jade.

Inirapan ko siya at binigyan ulit siya ng tingin na bored na bored ako.

"Problema mo? Inaantok ka ba? Matulog ka." Sarkastiko at dire-diretsong sabi ni Jade.

"Timang. Wala ka bang irereklamo?" Tanong ko.

"Bakit? Ano ba yung irereklamo ko?" Pagtatakang tanong naman niya.

Hayss.

"Yung katabi mo." Sabi ko.

Quite Uneasy [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon