Chapter 15

15 0 0
                                    

Syrel's POV

Nang makauwi na ako sa bahay, ang madalas kong gawain ay ang kumain pagkagaling sa school. Sa ngayon ay dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong doon. Pag-open ko ulit ng phone ko ay kitang kita  ang pangalan ko at pangalan ni Chanyeol, syempre patuloy din ang mga hate comments sa video na nag-trending sa facebook, twitter at youtube. 

Bigla akong na-curious sa dami ng comments sa mga nagtrending na video tungkol sakin at kay Chanyeol. Una kong binasa ang mga hateful comments sa facebook, sumunod naman sa twitter at panghuli sa youtube. Nagsimula namang tumulo mga luha ko ng makita ko ang mga sobrang panlalait nila saakin. 

Hays, yung pakiramdam na ayaw kong basahin at ayokong masaktan dahil sa mga walang kwentang pinagsasasabi nila, pero wala eh. Eto ako, binabasa ang mga comments. 

Haha. Ang tanga ko eh noh? Bakit ko ba ito binabasa? Eh, kung itulog ko na lang kaya ito at dedmahin? Kaso...

Hindi ko kaya. Umaasa pa ako na hindi lang puro bash at rant ang matatanggap ko. Kaya eto, kahit masakit basahin lahat ng mga comments, hindi ko parin tinitigilan hanggang hindi ako nakakahanap ng isang supportive at magandang comment. 

Yan tayo eh. Umaasa na lang lagi sa wala. Nasasaktan ka na nga. Ayaw mo pang tigilan. Pakamatay ka na lang, para mawala yung sakit na nararamdaman mo. 

Bigla namang nagtext si Jayann. 


[From: Bestfriendsforeverting!]

Nakita ko yung mga putanginang comments sa facebook, twitter pati sa youtube tungkol sayo. Hayaan mo, reresbakan ko yang mga yan. Wag ka na maging down. Nandito lang ako, nandito kaming lahat para sayo. Wag kang umiyak ha! Pag umiyak ka, iiyak din ako. Hehe. 


Lalo naman akong naiyak sa message na yun.  Yung tears of sorrow ko kanina naglaho at napalitan na ng joy. Hindi talaga ako nagkamali na gawin silang kaibigan ko. 

Magrereply na sana ako nang biglang nagtext ulit si Jayann. 


[From: Bestfriendsforeverting!]

Joke. Asa ka namang iiyak ako?  

HAHAHA. Aylabyu. 


Tangama nito. Paasa rin eh. Lahat na lang. 

Okay lang sanay naman akong pinapaasa. 

Nakita kong lowbat na cellphone ko kaya chinarge ko na lang at nagreply na lang ng "Salamat sa pagpapaasa." kay Jayann. 

Pagkacharge ko ng cellphone ko, limang beses nagnotif ito. Pagtingin ko, puro text messages. 

Galing kina Adelfa, Jade, Zelo at kay Taehyung.

At isang unknown number... 

Sino kaya yun? 


[From: AdelfasolatiDO] 

Hi Syrel! You're so lucky to have a friend like me because without me, you won't have a goddess friend in your life. I know na sad ka today dahil sa mga lecheng comments na yan. Don't worry, babangasan ko yang mga yan. Okay? Cheer up!! 


[From: Zelofromtheotherside] 

Balita ko binabash ka sa fb, twitter pati youtube. i-bash din ba kita? Hahaha! Joke lang. Alam mo bang ayaw kang nakikita ng aking prinsesa sa buhay na malungkot? Smile na! Kami na ang bahala sayo. 

Quite Uneasy [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon