Chapter 7

54 11 2
                                    

Hello. Pakinggan niyo yung nasa multimedia habang binabasa 'to. Or pakinggan niyo na lang siya pagdating ng part na *Habang naglalakad pauwi* ehehe. Wala lang ang ganda lang pakinggan.

FOR ME AH.

Kung gusto niyo, pakinggan niyo at kung hindi. Wag na lang hindi ko naman kayo pinipilit hahaha!

Enjoy reading!

==================

Adelfa's Pov

*Classroom*

Hay.. Nagugutom tuloy ako. Hindi kami nakakain kanina dahil sa mga pesteng nilalang na nakisalo samin kanina.

Kung wala siguro sila, busog na busog ako ngayon.

Pinlano ko pa namang magpakabusog ngayong araw, kaso nakisingit yung apat na pesteng lalaki sa pwesto namin.

Talaga naman...

Science ang subject namin ngayon at pinapasulat kami ng teacher namin ng notes.

"Boring~"

Tignan niyo 'tong katabi ko, sarap hambalusin.

"Hays.. Boring talaga~"

Ano bayan! Hindi ako maka-focus! Ang ingay!

"Grabe.. Nakakabagot."

Isa na lang. Ihahampas ko na sakanya yung upuan ko.

"Nakakaantok ~"

Kumuha ako ng papel at nilukot ito.

"Nakakayamo--"

Sinubo ko sakanya yung papel sa bungaga niya.

Ano? Magsasalita ka pang ulol ka ah.

"Pwede ba, kung naboboring ka, matulog ka. Ingay ingay mo." Irita kong sabi sakanya at nag-focus ulit sa pagsusulat ng notes.

Iniluwa naman niya yung sinubo kong papel sakanya.

"Pssh. Mga babae talaga. Gumagawa ng paraan para lang mapansin ng crush nila. Sus~" Sabi niya

Hangkapaaal.

Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagsusulat.

Kumuha na siya ng notebook at ballpen at nagsimula na ring magsulat.

Habang nagsusulat.. Nakarinig ako ng sitsit.

"Psst!"

Quite Uneasy [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon