Prologue

231 15 10
                                    

Mafa-fall in love ka kaya sa taong pinagpustahan ka lang?


~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

[Chapter teaser]

Kasalukuyang pa-uwi na ako nang bigla kong nakita yung katabi ko sa classroom. Lumapit ako sakanya at nagpaka-gentleman sa harap niya.



"HEH! Tigil tigilan mo ako!"


At wrong timing nga naman.. Dumating pa ang napakagaling kong tropa..


"Pare! Ayaw sayo nung ateng na yun ah? Aww. 'Di ka type? Kawawa ka naman." Agad na bungad nito sakin nang makalapit siya.


Etong hayop na 'to, nang-aasar pa!


Syempre, tuwang tuwa yan, merong isang nilalang ang hindi nagkakagusto sakin.


Pinagdadasal niya ata yan araw -araw eh.


What a friend.


"Buti pa ako, may nagkakagusto sakin."


Hah! Ulol ba siya? Ako rin kaya. Mas marami pa nga kaysa sakanya eh.


"Sus! Pare, nagsisimula pa lang kasi. Tignan mo, after one month. May gusto na yan sakin."


"At papaano mo naman masasabing after one month?"


"Gwapo ako eh!"


"Pssh! Hindi yan nadadaan sa kagwapuhan. Tignan mo ako, natural lang ako. Hindi gwapo, hindi panget."

"Tss! Pero seryoso pre, pustahan pa!"


"Oh sige! Money down!"


"Magkano?"


"Isang libo."


"Sus, ang kuripot mo! Isang libo amp. Gawin mo nang dalawa!"


"Yaman! Tatlong libo!"


"Oh sige tara!"


"Eh pano kung ikaw yung nagkagusto dun?"


Oh..


"Hindi yan! Hindi ganung type na babae gusto ko noh."


"Asuuus. Pero pre, pag IKAW ang nagkagusto dun, libre mo ako for one week tas bilhan mo rin ako ng bagong Iphone."


"Sige na nga!"


At binigyan niya ako nang nakakalokong ngiti.

Quite Uneasy [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon