Kabanata 4

112 15 0
                                    

IV. Sixth Sense Users

NANG matapos kumain sila Valerie, umalis sila sa canteen na nakabuntot si Isakiel sa likod niya.

"Kailan mo ba ako susundan?" tanong ng dalaga sa kasabay niyang naglalakad na si Isakiel.

Nasa harapan nila sila Troy at Lux na naglalambingan kaya puwede niya itong masabihan sa kahit anong gusto niya.

"Ikaw? Susundan ko?" Ngumisi si Isakiel at tumingin kay Troy, "Siya ang sinusundan ko."

"Bakit?"

"Pinapatawag ka ng superyor at narito ako para bantayan saglit si Troy habang wala ka."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" singhal niya

"Para humaba ang oras," maikling sagot ng binata.

"Sinasayang mo ang oras ko!" Sinamaan niya ng tingin si Isakiel, "Bantayan mo 'yang prinsipe dahil nakasalalay diyan ang pabuya ko."

Nagsimula ng maglakad paalis ang dalaga sa kanila. Napansin naman ito ni Troy kaya siya'y huminto sa paglalakad.

"Saan pupunta si Maria?" tanong nito kay Isakiel.

"It's none of your business. Anyway, ako muna ang papalit sa kanya."

"Ikaw?" Mahinang natawa si Troy, "Isang Tier 1 sa Tier 4? Ang angas ko naman niyan!"

Gumuhit ang ngisi sa labi ni Isakiel.

"Ginagawa ko ito para kay Maria at hindi para sa 'yo, Troy."

-—-—-—-

Sa opisina ng superyor.

Ang tatlong superyor na sila Agatha, Dos at Isidro ay nagtipon-tipon upang mapag-usapan ang kongkretong plano. Nakaupo si Superyor Isidro sa dulong bahagi ng mahabang mesa habang sa gilid niya nakaupo sila Agatha at Dos. Katabing nakaupo ni Superyor Dos si Zoren at si Maxrelle. Samantalang katabi naman ni Agatha si Jaxon.

Hinakbayan ni Zoren ang likuran ng upuan habang nakatingin kay Jaxon.

"Ngiti naman diyan, Jaxon," nakangiting saad niya.

Humalukipkip si Jaxon at hinilata ang likod sa likuran ng upuan. Tinitigan niya lamang si Zoren na may ngisi sa labi. Hindi nagpatinag si Zoren at ngumisi rin sa kanya.

Natigil lang ang tensyon sa dalawa nang maramdaman ng kanilang sixth sense ang paparating na tao sa opisina. Napatingin din si Isidro at pinahalumbaba ang likuran ng dalawa niyang kamay sa kanyang baba.

Bumukas ang pinto at tumambad sa kanila si Valerie na nakakunot noo. Lumakad ito papunta sa kanila habang inoobserba ang mga tao sa opisina. Una niyang napansin si Zoren na nakangisi sa kanya.

"Mangha akong hindi ka pa nahuhuli, Adira, ngunit ngayon alam ko na ang dahilan. Inayos mo talaga ang sarili mo para hindi ka mahuli ha?" nakangiting saad nito sa kanya at tiningnan ito mula ulo hanggang paa.

Hindi pinansin ni Valerie ang binata at bumaling ang tingin kay Jaxon. Seryoso lamang ang tingin sa kanya ng binata.

"Maupo ka," alok ni Isidro at siya'y umupo sa hilera nila Zoren na tatlong upuan ang layo niya sa isa't isa.

Huminga ng malalim si Isidro bago nagpaliwanag.

"Dahil nandito na ang lahat, sisimulan na natin ang planong magaganap." Tumingin siya kanila Jaxon, Zoren at Valerie, "Pinatawag ko kayong tatlo dito dahil sa kakayahan niyong sixth sense na malaki ang matutulong sa plano."

Adira and the Clash of HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon