III. Prinsipe ng Kanluran
MAY apat na klase upang malaman ang estado ng estudyante batay sa kanilang ranggo.
Tier 1. The Superior Students - Sila ang mga estudyante na makikita sa Rank 1 hanggang Rank 100. Sila ang nabibigyan ng pansin sa panglabas na misyon. Ang tawag naman kanila Jaxon(1), Honey(2), at Isakiel(3) ay tinatawag na mga Supremes.
Tier 2. The Elite Students - Sila ang mga estudyanteng makikita sa Rank 101 hanggang Rank 5,000. Kadalasang sila'y may kakaibang abilidad na puwedeng maipasok sa Tier 1.
Tier 3. The Inferior Students - Sila ang nga estudyanteng makikita sa Rank 5,001 pababa. Kadalasang sila ay mga normal lamang na estudyante na gusto lamang mag-aral.
Tier 4. The Worst Students - Sila iyong mas mababa pa sa mababa. Kung ang dulo ng ranking ay 200, sila iyong hindi pinagtutuunan ng pansin sa ranking. Kadalasang makikita ito sa pinakadulo ng listahan ng mga mabubuting estudyante.
-—-—-—-
Ang bawat silid na pinamumugaran ng mga studyante ay pinaghalong Elites at Inferiors student. Ang naiiba lamang ay ang isang section na magkakasama ang mga Tier 1 student. Ang pinakamalala, magkakasama rin ang mga Tier 4.
Sa isang silid na makikita sa pinakadulong bahagi ng unang gusali, naroon ang isang section na puno ng mga Worst Students.
"Huh?! Anong sinabi ko? Nasira ang kaharian namin?" taas noong saad ng lalakeng may magarang suot. Nakaupo ito na para bang siya ang hari sa kanilang section.
Siya si Troy Clint Saniac ang prinsipe sa Kaharian ng Kanluran. May mata itong kulay honey at bibig na mapulang walang dudang siya ang prinsipe. Ang buhok nito'y kulay itim na sumasabay sa maputing kutis, matangkad ng kaunti sa mga babae at kalamnang hindi ganoon kalakihan. Normal lamang itong binatang estudyante kung pagbabasihan sa kanyang katawan.
"Opo, master," nakayukong sambit ng isang lalakeng na may salamin sa mata.
Ngumisi si Troy dahil sa tuwa. Gusto nitong marinig ang salitang master sa iba.
"Maaari ka ng umalis," pagtataboy ni Troy na agad naman sinunod ng lalake.
Agad siyang napatingin sa isang babaeng nagpatibok ng kanyang puso.
"Lux!" sigaw nito sa babae. Lumingon ito sa kanya at ngumiti.
"Ang sigla mo naman ngayon, Troy," nakangiting utgon ng magandang dilag.
Siya si Luxuria Grace Fernandez. Ang napakaamong mukha sa kanilang klase. Mahaba ang buhok at kutis porselana ang balat. Mga matang itim at labing manipis. Ang katauhan ng dalaga ay maihahalintulad sa anghel na bumaba sa langit.
Lumapit sa kanya si Troy na kumikinang ang mga mata sa kanya.
"Tunay ka ngang anghel sa aking paningin," masaya nitong sambit.
Kasama talaga si Troy sa mga Elites ngunit dahil siya'y nabulag sa pagmamahal, lumipat ito sa Tier 4 para makasama si Lux.
"Ano ka ba!" nahihiyang saad ni Lux.
Naupo na si Lux na tinabihan ni Troy. Inakbayan siya ng binata ngunit lumihis siya ng tingin dahil sa hiya.
"Troy!" Tawag sa kanya ng babaeng propesor mula sa pintuan.
Agad siyang lumingon dito na nakakunot ang noo.
"Huh?! Bakit?"
Nanginig sa takot ang propesor at umatras pa ng kaunti. Kung may Tier 4 na tinatawag na The Worst, ang section nila ay kilala bilang pinakamalala pa sa malala. Walang gustong pumasok sa kanilang propesor maliban kay Superyor Isidro na ang hawak nitong subject ay Power Training.
BINABASA MO ANG
Adira and the Clash of Hunters
FantasiValerie a.k.a Adira have a new mission like her old bounty hunter days, despite of being the most wanted person in the world. The mission is about the arrogant Prince Troy who have a special ability. To claim the reward, she needs to enter in univer...