Kabanata 5

134 14 1
                                    

V. Ang Dalagang si Zarya

ISANG oras ang lumipas at agad na nagdeklara ng isang matinis na tunog sa buong unibersidad nang tumapat ang oras sa ala una ng hapon. Isa itong tanda na tapos na ang klase.

Lumabas ng klase si Valerie kasama sila Troy at Lux na naglalambingan sa tabi niya. Hinayaan niya munang mawala sa paningin niya ang prinsipe bago lumihis ng dadaanan. Hindi na nga nakapagpaalam sa kanya ang binata dahil abala ito sa kanyang kasintahan.

"Handa ka na?" saad ng pamilyar na boses lalake sa kanyang gilid,

Tumingin siya rito na hindi ginagalaw ang mukha.

"Akala ko ba hanggang alas singko ang klase?" tanong niya sa nagsalitang si Jaxon na lumitaw sa gilid ng pintuan ng silid. Nasa loob ang binata habang si Valerie ay nakatayo sa labas na sa likod niya'y naroon ang pintuan. Alam niyang lumitaw ang binata noong nawala ang mga kaklase niya sa silid kaya hindi na niya nakuha pang alamin kung sino ito.

Sinandal ng binata ang kanyang likuran sa dingding at humalukipkip.

"Araw ngayon ng martes at wala ngayong klase para sa power training na umaabot ng tatlong oras. Alternate ito na magsisimula sa lunes kaya ngayon ay maaga ang uwi."

"Gano'n ba," tugon na lamang ni Valerie. "At para saan ang sinasabi mong maghanda?"

"Kailangan nating bantayan ang unibersidad."

"Ngunit kailangan ko munang alamin kung saan ako matutulog."

Narinig niya ang tunog nang pagngisi ng binata na ipinagtaka niya.

"Mahalaga talaga sa 'yo ang pagtulog," dagdag pa ni Jaxon.

"Malamang. Hindi mo mabibigay ang lakas sa isang labanan kapag antok ka."

"Hmph. Hintayin na lang kita sa taas."

"Taas?" Sa pagkakatong ito, lumingon na si Valerie at nakitang nakalingon din sa kanya ang binata na nakaturo ang hintuturo paitaas.

"May kahong patag sa itaas ng gusaling ito. Mas magandang magbantay roon sabi ng superyor."

Muling humarap si Valerie at nagmasid sa paligid. May nakikita siyang mga estudyante sa ibang koridor na naglalakad. Buti'y walang dumadaan sa koridor na kinatatayuan niya.

"Sige. Susunod ako."

"Paalam."

Naramdaman niyang nawala si Jaxon kaya naglakad na siya paalis. Kinuha niya sa bulsa ang maliit na mapa ng malawak na unibersidad at hinanap ang gusaling pupuntahan niya.

Nang makaalis siya ng tuluyan sa gusaling pangpaaralan, dinala siya ng kanyang mga paa sa gitnang bahagi ng unibersidad na may malawak na lugar. Marami ritong makikitang mahabang upuan na gawa sa kahoy o bato, at madamong lupa ngunit bato ang daaanan. Marami ang estudyanteng narito. Hinihintay ang iba nilang kaibigan para sabay na umuwi.

Mahigit 22,500 ang estudyanteng nag-aaral sa unibersidad at ang iba rito ay nakatira sa Bayan ng Marakonton kaya sila'y umuuwi para doon manuluyan. Ang ibang estudyanteng hindi kasapi sa residente ng Marakonton ay kailangang manuluyan sa dormitoryo. Ang gusali ng mga Superyor Student lamang ang kailangang magbayad dahil sila lamang ang nakakakuha ng mga mission na may pabuya kapag nagtagumpay.

May apat na pung gusali ang makikita sa unibersidad. Ang sampung gusali ay para sa pangpaaralan aktibidad at sa likod nito'y makikita ang tatlong pung dromitoryo. Hindi gaanong kalayuan ang espasyo sa pagitan ng paaralan at sa mga dormitoryo ngunit kailangang maglakad ng halos kinse minuto.

Napatigil si Valerie sa gitna ng unibersidad at pinagmasdan ang bawat gusaling nakapalibot sa kanya. 

Maayos na pala 'to, sa isip-isip niya habang inaalala ang nakaraang nakipagtunggali siya sa reyna at sa dalawang dragon.

Adira and the Clash of HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon