Chapter 2

5 1 0
                                    

Chapter 2 - Katarina Isabella Nievera

"Maria, alam mo ba kung saan ka nahanap ng mga umampon sa'yo?" tanong ni Kuya Kai matapos ang ilang minutong paglalakbay namin.

Tumango ako. "Ang sabi sa akin ni Tiya Delia ko ay nakita lang nila ako sa palengke, tapos no'n ay naawa sa akin 'yung itinuring 'kong Tatay kaya kinuha niya 'ko."

"So paano mo nalaman na July 3 ang birthday mo?"

"Iyon kasi ang araw na nakita nila ako," paliwanag ko. "Eh, iyong mga magulang mo?"

Huminto siya sa pagmamaneho nang umilaw ang pula sa traffic light. "They're in Manila, my mother's name is Carmina and my father's name is Carlos."

Maynila? Apat na oras ang byahe mula rito papunta sa Maynila. Paano naman kaya sila napadpad dito ng mga kaibigan niya?

"Ano namang pangalan ng nawawala mong kapatid?" kuryosong tanong ko.

Bakas sa mukha niya ang hinanakit dahil sa sinabi ko. Alam ko naman na iniisip niyang ako ang kapatid niya, pero hindi naman siya sigurado roon. Porket ba kamukha ko ang lola niya ay ako na kaagad ang kapatid niya?

"Katarina Isabella Martin Rivera."

Halos mahulog ang panga ko dahil sa haba ng pangalan na 'yon, at hindi lang 'yon — maganda at yayamanin pa kung pakinggan.

"Grabe naman ang pangalan na 'yan," natatawang sabi ko. "Sino ba ang nagbigay ng pangalan sa kapatid mo?"

Nagsimula na ulit siyang magmaneho nang mag-iba ang kulay ng traffic light. "Ang Lola Karla namin ang nagbigay ng pangalan na 'yan, 'yung kamukha mo."

Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Uso pa ba na ang lolo't lola ang nagbibigay ng pangalan sa apo? Hindi ba dapat ang magulang ang magbibigay ng pangalan sa sarili nilang anak?

"Nasaan nga pala si Lola Karla?" nagtatakang tanong ko pa.

"Nasa Spain siya, kasama ang isa pa niyang anak na si Tita Kassandra pati na rin 'yung mga anak ni Tita na pinsan natin." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Kung ikaw nga ang kapatid ko."

Agad akong nakaisip ng paraan para ibahin ang pinag-uusapan namin. "Sino nga po pala 'yung sinasabi mong pamilyar sa akin na close sa'yo?"

Huminto kami sa harap ng isang malaking bahay na kulay puti. "Si Tita Cami, close family friend."

Tumango na lang ako bilang sagot kahit hindi pamilyar sa akin kung sino 'yon at sumunod na papalabas ng kotse, mahina na lang naman ang ambon kaya hindi na kami nag-abala pang gumamit ng payong. Binuksan niya ang gate at muli 'yong isinara nang makapasok na rin ako. Naglakad kami papunta sa pintuan ng bahay at nang buksan ni Kuya Kai ang screen door ay bumungad sa amin ang boses ng isang lalaki.

"Mama, nandito na si Kaiser!"

Pagpasok namin sa bahay ay bumungad sa amin ang isang lalaki na aligaga sa paglalaro habang hawak ang isang controller, at nang sulyapan niya 'ko ay natandaan ko ang mukha niya. Isa siya sa mga kasama ni Kuya Kai kanina sa bar, sigurado akong kaibigan niya ang lalaking 'yon. Nilapag niya ang controller sa lamesa at saka tumayo para lapitan kami.

"Grabe, kamukhang-kamukha mo talaga si Doña Karla," anito habang nakangiti. "Teo nga pala." Inilahad niya ang kanang kamay niya kaya naman kinamayan ko siya.

"Maria," pakilala ko at sabay bawi rin ng kamay ko.

"Nandito na pala kayo."

Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses nang marinig namin 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang doktora na umasikaso kay Tatay noong isinugod siya sa ospital — 'yung doktora na nagbigay sa akin bg kwintas. Nginitian niya 'ko pero hindi ko nagawang ngumiti pabalik dahil sa naalala ko.

When Everything Was FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon